CHAPTER 42 : New Year's Eve

893 3 0
                                    

[ C.H.A.P.T.E.R 42 ]  New Year's Eve

"Sawako!" tawag ni Miyamoto sa kaibigan na nakatayo sa tapat ng fountain sa may park. Kasama nito ang binatang si Kazehaya.

"Oh, wala pa rin ba si Sakura?" usisa ni Miyamoto nang lapitan na niya ang kaibigan.

"Maya-maya nandito na rin 'yon," tugon ni Sawako.

"Makakarating daw ba sila Shiki?" pagtatanong ni Hinata na kasabay ni Miyamoto na pumunta sa park.

"Hindi daw sila sigurado eh. Dumating na kasi 'yung manager nila galing ibang bansa kaya marami nang bawal. Pero pipilitin daw nilang pumunta," paliwanag ni Kazehaya.

Maya-maya pa ay dumating na si Sakura. "Magandang gabi!" bati niya sa kanyang mga kaibigan.

"Magandang gabi din, Sakura," nakangiting tugon ni Sawako.

"Teka, Sakura. Bakit parang pumayat ka ata?" sambit ni Miyamoto habang tinitignan ang kanyang kaibigan mula ulo hanggang paa.

"Nagkasakit ka ba, Sakura?" tanong pa ni Sawako.

"Ha? Naku, nagkakamali kayo. Isinali kasi ako ni Mama sa isang fitness program. Oo, 'yun nga!" ngingiti-ngiting paliwanag ni Sakura.

"Sigurado ka, Sakura?" paniniguro pa ni Sawako.

"Uhm!" mabilis na tugon ni Sakura.

"Ikaw, Miyamoto. Hindi ka ba sasali sa fitness program kagaya ni Sakura?" biro pa ni Hinata.

"Ganoon? So, sinasabi mong mataba ako, Shin-tani Hinata?" inis na sambit ni Miyamoto dahilan para magtawanan ang kanyang mga kaibigan.

"Oh, ikaw ang nagsabi niyan hindi ako," pang-aasar pa ng binata sa kasintahan.

"Hi...na...ta...!!" si Miyamoto na tila gusto ng sapakin ang kasintahan.

"Relax lang, Miyamoto. Boyfriend mo si Hinata," tatawa-tawang sambit ni Sakura nang hawakan niya sa balikat ang kanyang kaibigan.

Hindi alam ni Sawako na tama ang hinala niya na nagkasakit ang kaibigan niyang si Sakura. Nagkasakit ito dahil sa mga nangyari sa pagitan nito at ng mga kaibigan ni Hisa. Ayaw ipaalam ni Sakura sa kanyang mga kaibigan ang nangyari sa kanya. Ayaw niyang mag-alala pa ang mga ito dahil sa kanya.

-----------------------------------------------------------------------------------------

"Mr. Ichigo, payagan niyo na 'ko. Pleeasee?" si Rima na nagmamakaawa sa kanyang manager na payagan siyang pumunta sa park para makapanuod ng firework show kasama ang kanyang mga kaibigan.

"Hindi pwede," pagmamatigas ni Mr. Takino Ichigo.

( A/n : Manager nila Rima at Shiki na si Mr. Takino Ichigo on the right side -- multimedia  Wahahaha! Ang panget ng nakuha kong picture! XD )

Si Mr. Takino Ichigo ang manager nila Rima at Shiki. Matagal siyang nawala dahil nagkaroon siya ng trabaho sa ibang bansa.

Nilingon ni Rima ang binatang si Shiki na nakasandal sa pader habang nagbabasa ng libro. Nasa agency building pa din sila kahit magbabagong taon na. "Kasama 'ko naman si Shiki eh. Pleeeasee?" sambit ni Rima nang ibalik na niya ang tingin sa kanyang manager.

When Their Worlds Collide (Anime FanFiction)Where stories live. Discover now