CHAPTER 37 : Love In Christmas Day Part I

990 11 0
                                    

[ C.H.A.P.T.E.R 37 ] Love in Christmas Day Part 1

*KURONUMA'S RESIDENCE

Kinabukasan, masayang-masaya ang lahat. Nagkita-kita ang mga magkakabarkada, tuwang-tuwa ang mga bata sa kanilang pamamasko, masayang namamasyal ang bawat pamilya at muling nagkasama ang magkakasintahan.

Nagising si Sawako sa tunog ng kanyang cellphone. Dahil sa tinatamad pang bumangon, kinapa niya ang kanyang kama para hanapin ang kanyang cellphone. Nang mahawakan niya ito ay kaagad niyang binasa ang text message :

To: Sawako Kuronuma

Subj: Good Morning. Merry Christmas! ( ^__^ )

Sawako, pwede mo bang kunin 'yung scarf ko sa bahay ko? Ipapadala ko sa'yo 'yung address ko. Huwag kang mag-alala, ipinasabi na kita kay Ate Soy. Tinext ko na rin si Kazehaya para samahan ka. Dadaanan ka niya sa bahay niyo. Goodluck! ;)

 From: Rima Touya

 Received: 07:15:13AM

                    12/25/2012

"Si-si Kazehaya?! ( O//////O )" 

Biglang naalala ni Sawako ang pag-uusap nila ni Kazehaya.

 FLASHBACK...

"Tama sila. Gusto ko si Ume bilang kaibigan. Umamin siya sa'kin na gusto niya 'ko pero hindi ko pwedeng suklian ang nararamdaman niya sa'kin dahil may iba akong gusto," seryosong sambit ni Kazehaya habang nakatingin sa mukha ni Sawako.

Nagulat si Sawako sa sinabi ng binata dahilan para mapatingin siya dito. Halos magkalapit na ang mga mukha nilang dalawa. Bumilis ang tibok ng puso ni Sawako sa mga oras na 'yon.

When Their Worlds Collide (Anime FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon