Laman Hanggang Buto

1.2K 74 49
                                    

"Para na po sa tabi!" Sigaw ko sa driver. Tatatlo nalang kaming pasaherong sakay ng jeep. Alas dos na kasi ng madaling araw. Pagbaba ko, naabutan ko pa ang mangilan-ngilang mga tambay na nag iinuman sa harap ng isang tindahan. Dire-diretso lang akong naglakad papasok sa aming eskinita. Habang naglalakad ramdam ko ang pagod sa aking katawan, wala na akong ibang gustong gawin kundi ang makapagpahinga. Pero dahil napasubo ako ng matindi-tindi kanina, mukhang kailangan ng katawan ko ng paligo.

Pagpasok ko sa aming maliit na apartment bumungad sa akin ang magulong sala. Ang mga karton ng fast food take outs na nasa lamesa at sahig. Mga kalat kalat na damit, bote ng beer, at upos ng mga sigarilyo sa ibat ibang sulok ng bahay. Aakalain mong walang taong nakatira sa maduming lugar na ito. Ngunit sa isang sofa, makikita ang isang lalaking namamaluktot sa kanyang pwesto habang natutulog. Marahil sa kalasingan dito na inabot tong loko. Dinaanan ko lang ito at diretsong tinungo ang aking kwarto. Wala masyadong kinaiba ang eksena ng mga gamit dito kumpara sa labas, idagdag mo nalang ang lumang kama, na hindi pa ata nakatikim ng ligpit simula ng hinigaan ito. Binagsak ko ang bitbit kong backpack, hinubad ang sapatos at damit, binuksan ang aparador at kumuha susuoting pamalit atsaka naglakad patungo ng banyo.

Pinihit ko pabukas ang shower at hinayaan ang tubig na dumaloy sa aking hubad na katawan. Nakasandal ang aking ulo sa pader ng banyo, habang ninanamnam ang lamig na dumadampi sa aking balat, at ang tunog ng tubig na siyang nagpapakalma sa aking sistema ang tanging ingay na maririnig sa loob ng maliit ng espasyo. Pinagmasdan ko ang mga tiles sa aking paanan, ang tubig na umaagos ay may bakas ng dugo. Sinalat ko ang aking balikat at nakapa ang mga naka-angat na balat na mula sa mga bagong sugat- mga kalmot. Hindi ko mapigilan ang pag guhit ng ngiti sa aking mga labi. Naghudyat ito ng isang pamilyar na pakiramdam na agad bumalot sa akin, isang hindi maipaliwanag na sensasyon na umaakyat sa aking batok. Isang kaligayahan na tulad ng isang panaginip na ako ay hangal upang ito ay itanggi.






Ang naganap kanina...

"Hay, nandito na naman tayo, Glaiza. Ginusto mo diba?" I told myself, inayos ko ang kwelyo ng aking suot na polo at nilakad ang mataong kalsada ng BGC. Kahit na alas diyes na ng gabi, marami pa ring mga tao, madami kasing clubs at bars dito. Biglang tumunog ang cellphone ko sa bulsa ng aking pantalon.

"Where the heck are you? Anong oras na sa tingin mo Glaiza? You know how I hate waiting." Galit na sigaw ng babae sa kabilang linya. Her harsh tone is enough to send shivers down my spine

"M-malapit na ako. Anong room number ba?" Mabilis na sagot ko.

"It's room 0888. Please be hurry, bago pa magbago isip ko."

"No, no, please, paakyat na ako." Sagot ko. At bigla nalang akong pinatayan ng cellphone. Halos takbuhin ko na ang hotel sa takot na totohanin nga niya ang banta.

I am so nervous but I can also feel the excitement creeping in. I stepped inside the elevator and push the button to the my floor destination. Nakataas lang ang tingin ko sa mga numerong umiilaw na nag-iindicate ng floor numbers. The elevator dinged signaling my arrival. Gustong kumawala ng puso ko sa aking dibdib, pero walang pagtatalo sa isip ko. Wala ng atrasan, alam ko ang pinapasok ko.

Pinihit ko ang doorknob ng kwarto at agad siyang hinanap ng aking mga mata. Madilim ang kwarto, ang tanging ilaw lang ay ang repleksyon ng buwan sa napakalaking bintana.

She clears her throat, at doon ko lang siya napansin, nakaupo ito sa isang silya, sa bandang gilid ng kama. Iniikot-ikot ng kamay ang dalang posas, nakatingin sa akin ang madidilim niyang mga mata. Tumayo ito at naglakad papunta sa direksyon ko. Suot ang mahabang itim na blazer at maiksing palda, katerno ang istilletong sapatos nito na tumutunog sa sahig habang papalit sakin.

SalienceWhere stories live. Discover now