Pretty Tied Up

905 67 53
                                    

**** Video Diary ****

Pagkatapos kong mag shower, dumiretso na ako sa aking kama. Gusto ko ng itulog ang sobrang sakit ng katawan ko, pahinga lang talaga ang katapat nito, sigurado akong bukas okay na ulit ako. Papatayin ko na sana ang ilaw sa lamp shade ng mahagip ng aking mata ang laptop. 

Sh*t, si Kathleen nga pala. 

Agad akong napabangon at tumungo sa aking table. Binuksan ko ang laptop at hinintay na mag kulay green ang nasa taas ng pangalan ni Kathleen. Mga ilang minuto na ang lumipas, pero nakatanga pa rin ako sa screen, kulay grey pa din ito at may nakalagay na offline 3 hours ago. Nagdadalawang isip ako kung papatayin ko na ba o maghihintay pa ako ng ilang minuto? Anim na oras ang lamang sa Pilipinas kesa sa France, alas tres ng madaling araw dito, malamang alas nuebe palang ng gabi sa kanila. Baka naman busy pa siya. Sige, limang minuto nalang, pero pag wala pa talaga, bukas ko nalang siya kakausapin. Pinikit ko muna ang mata ko at pumangalumbaba sa harap ng laptop. Sobra na talaga ang antok at pagod ko. Maya maya pa, narinig ko na ang tunog ng skype call. Pagka pindot ko ng answer, bumugad agad sa akin ang magandang mukha ni Kathleen. Nakasuot pa rin ng formal dress, siguro kakauwe lang niya galing ng trabaho.

"Hi, Cha, kamusta? Sorry if nalate ako makapag online, napahaba kasi ang discussion ko with the other doctors." Bungad ni Kathleen. Bakas rin sa mukha nito ang pagod, pilit ang ngiti, ngunit napakaganda pa rin.

"Ayos lang, pero akala ko talaga di ka na mag oonline. Matutulog na sana ako eh." Pupungay pungay na sagot ko.

"I'm really sorry to keep you waiting. I know you're tired. But you know naman na, this needs to be done today or else baka may makaligtaan tayo." She is attaching the video recorder on the tripod. Habang ako naman ay pilit na dinidilat ang mata sa antok.

"Anyway the conference was attended by well known Psychologists. Siguro kung hindi lang talaga kami pinigilan ng ibang mga doctors, baka hindi na kami natapos. We have so many things to discuss about this new discovery. Alam mo ba Cha, this research, if proven to be true is a breakthrough in the field of Psychology." Patuloy nito.

Hindi ko na masyadong iniintindi ang mga sinasabi ni Kathleen, ang alam ko lang nagkukwento na naman siya tungkol sa pinag aaralan niyang sakit. Nakatingin lang ako sa bumubuka niyang bibig.

Napahikab ako at huminto ito sa pagkukwento. Napansin siguro niya na papikit na talaga ang mga mata ko.

"Okay, I get it, I'll stop my story, di ka naman nakikinig 'eh." Natatawang sabi nito. "You really had a rough night ah?" She added. Hindi ko alam kung may bahid na pang iinis ang tono ng tanong niya. Pero nakangiti ito. Sinusubukan niya lang siguro akong pangitiin. Pero wala na talaga ako sa mood sa mga oras na to.

Rough is an understatement. Kung alam mo lang ang mga pinagdaanan ko kani-kanina lang sa mga kamay ni Valerie. 

"Kathleen, pasensya na pero pwede bang umpisahan na natin? Kasi pagod na pagod at antok na antok na talaga ako, gusto ko ng magpahinga." May pagka iritang sagot ko dito.

"Okay, relax, I'm sorry." She chuckles and raised her hands in surrender. She positioned the video recorder at pinatong sa hita niya ang kanyang laptop.

"Uhm by the way, Cha. Kamusta na nga pala ang lagay ng tatay mo?"

Yung inis na nararamdaman ko kanina ay biglang napalitan ng lungkot. At naalala ko ang dahilan kung bakit ko ginagawa ang lahat ng 'to. Ako nalang ngayon ang inaasahan ng pamilya ko para mapagamot si tatay.  

"Yung huli naming pag uusap ni nanay, maayos naman. Nagrerespond naman daw si tatay sa chemo."

"That's good to hear Cha, I'm happy that tito boy is progressing. Don't worry, everything's going to be alright. Just let me know, kung ano pa ang mga kailangan sa pagpapagamot ng tatay mo, okay?" Ngumiti si Kathleen. And I can feel the sincerity in her voice. I nodded and smiled back to her. 

SalienceWhere stories live. Discover now