Sino Si Valerie?

817 70 18
                                    

****

"Anak, nakatingin ka naman sa labas." Puna ng ginang sa anak na nakapangalumbaba sa bintana ng kanilang bahay. Kakapasok lang nito sa silid dahil galing ito sa kusina.

Tumingin ang bata sa kanyang ina at malungkot na sumagot. "Gusto ko po kasing makipaglaro sa ibang mga bata." Nilapitan siya nito at tinabihan sa upuan, sasagot pa lamang sana ang ginang ng biglang sumabat ang kanyang asawa.

"Valerie, hindi ka pwedeng lumabas ng bahay, naiintindihan mo naman diba? Pagtatawanan ka lang nila doon. Kaya dito ka lang." Matigas na pagkakasabi nito. Nakaupo sa sofa at abalang nagsusulat gamit ang kanyang makinilya.

"Tak! Tak! Tak-tak!" Lagatak nito na siyang tanging maririnig sa loob ng sala.

Nakasunod ang tingin ni Valerie sa bawat letrang pini-pindot ng mga daliri ng kanyang ama sa makinilya. Na tila nandoon ang sagot na nais niyang marinig.

"Edi, aawayin ko sila pag niloko nila ako." Bulong ng bata at muling ibinaling ang tingin sa labas ng bahay.

"Ano? Anong sabi mo? Aawayin mo yung mga bata? Bakit yan ba tinuturo namin sayo?" Huminto ito sa kanyang ginagawa at mariing tinignan ang anak.

"Hindi, pero yun ang tinuturo sakin ng mga-" Walang emosyon na sagot ni Valerie.

"Walang lalabas ng bahay! Dito ka lang. Tapos ang usapan." Sigaw ng ama. Inayos ang salamin sa mata at muling bumalik sa kanyang ginagawa.

"Anak, kung gusto mo, doon nalang tayo sa kwarto mo. Magbasa tayo ng mga libro," Pag-aalo ng ina. Hindi sumagot si Valerie, ngunit agad itong tumayo sa kanyang kinauupuan at tinungo ang kwarto.

"Wag mo ngang kinukunsinti yang anak mong baliw." Sabi ng ama ng marinig nitong sumarado ang pinto sa kwarto ng anak. Nakatingin lang ang ginang sa kanyang asawa at pailing-iling na tumayo upang sundan ang anak.


****

"Aray! Valerie! Tama na!" Hiyaw ng batang lalaki. Pinapalo ni Valerie ng patpat ang likod nito.

"Oo nga, tama na yan, Valerie, baka sumuka na ng dugo yan si boknoy." Sabat ng isa pa nilang kalaro.

"Parang hindi lang nasagot yung 12 times 3, pinaparusahan mo na siya agad." Sabi ng batang babae.

"Bakit? Ano ba laro natin? Diba aral-aralan? Ako ang teacher, eh mali ang sagot niya. Kaya may parusa siya. Diba ganyan sa school?" Pagrarason ni Valerie.

"Eh, bat ang dami mong palo sa kanya?" Tanong ng bata.

"Ano ba sagot sa 12 times 3? Diba 36? Kaya yun ang dami ng palo niya, para malaman niya ang tamang sagot. Ang tanga-tanga niya kasi." Nakataas ang kilay at nakapamewang pa ang isang kamay ni Valerie, habang pinapalo niya ito. "Ayan tapos na. Wag ka ng umiyak dyan, kasalanan mo naman eh. At wag na wag mong subukang magsumbong boknoy ah. Malilintikan ka talaga sa akin." Pagbabanta pa nito


****

****

ओह! यह छवि हमारे सामग्री दिशानिर्देशों का पालन नहीं करती है। प्रकाशन जारी रखने के लिए, कृपया इसे हटा दें या कोई भिन्न छवि अपलोड करें।
Salienceजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें