Game 01: The Stupid Dare

1.3K 17 5
                                    

Game 01:The Stupid DARE!

Kaka-open ko lang sa Facebook account ko nang mapadako ang paningin ko sa may Friend Request corner. And as usual, SABOG na naman. Madami na namang nag-aadd sa'kin. Sino ba naman kasi ang hindi mag-aadd sa isang katulad ko? Sa isang Louis Vuitton? Nasa akin na ang lahat. Ka-gwapuhan, kakisigan, at karangyaan. At kahit sino ang mapapadaan sa profile ko, talagang ia-add ako ora mismo. Hindi lang yun, ipo-poke din ako, ifo-follow at mag-iiwan ng kung ano-anong sweet messages. Oh, saan ka pa? Lahat ng babae, (take note: LAHAT),  pati na mga binabae, ay nahuhumaling sa'kin...sa taglay kong karisma. And who knows, baka pati tatay niyo, mga kapatid niyong lalaki, at pati siguro mga boyfriend niyo, ay ako ang pinagpapantasyahan. Pero hindi ko sila masisisi. Gwapo ako eh. At kahit bali-baliktarin pa ang mundo, GWAPO parin ako.

Clinick ko ang Friend Request.

Samut-saring pangalan ang nakita ko. 

I scrolled down the mouse. And scrolled and scrolled and scrolled and scrolled and scrolled and scrolled.

Mukhang mahaba-habang pag-i-scroll ito ah.

I scrolled again.

Asan na ba kasi yun?

And scrolled. 

Asan ka na?

And scrolled.

There you go! Nakita ko na din sa, wakas! Nakita ko na siya. Ang babaeng target ko para paiyakin at lokohin.

Si Natasha Avon.

Isang simpleng babae. And according to my research, matalino, mabait, at maunawain. And yes, I admit, she's beautiful (based on her profile picture)! Maganda siya, maputi, at may maamong mukha. Walang kahit anong kolorete sa mukha, (except for her fake nerdy glasses). Natural beauty, ika nga. 

I looked closely to her profile picture.

She has nice eyes, and... and kissable lips. But hey, she's not my type. She's too innocent and simple. And too good to be true. Kaya siguro siya ang napili nilang target.

Naalala ko ang DARE o ang laro at ang napag-usapan naming magbabarkada nung naisipan naming mag-inuman, dalawang araw na ang nakakalipas...

*          *          *

>>>FLASHBACK<<<

"Cheers for Sky's success!"

"Cheers!"

Nandito ako sa condo unit ko. Kasama ko ang tatlo kong kabarkada na sina: Sky, Benz at Ferrari. Napagdesisyunan kasi naming mag-inuman at mag-celebrate. Tutal Friday naman ngayon at walang pasok kinabukasan kaya okay lang na malasing kami. At isa pa, we will celebrate Sky's success.

Nagawa niya kasi ang dare na pinagawa ko sa kanya. Yun ang paiyakin at lokohin ang maarte at spoiled brat na cheerleader na si Gucci Prada. At yun nga, sa kasamaang palad, nagtagumpay siya.

And now... It's my turn.

It's my turn to face the consequence.

The punishment.

The DARE.

Ako naman ang haharap sa pagsubok na ibibigay nila. Ako naman ang maglalaro. Ako naman ang makikipaglaro. At ako naman ang taya!

Pero sinisigurado ko, sa huli, ako ang mananalo.

Magtatagumpay ako.

Dahil ang isang Louis Vuitton, hindi tumatanggap ng pagkatalo.

My 1-Month Girlfriend [ONGOING]Where stories live. Discover now