Game 03: Date [Part 1]

800 11 4
                                    

Game 03: Date [Part 1]

[Louis Vuitton's POV:]

Matapos kong haranahin si Asha sa harap ng maraming tao, I made the next step. I handed her the bouquet of red roses.

And then I said, "Nakilala mo ako bilang isang casanova, playboy at isang sikat na heartbreaker. I've never been serious about any girl. Pero para sa'yo, handa kong baguhin ang sarili ko. Para sa'yo, magbabago ako. At para sa'yo, magseseryoso ako. Maipapangako ko ding ikaw at ikaw lang ang mamahalin ko. Wala ng iba." I knelt down and proposed. "Miss Natasha Avon, Asha, can you be my girlfriend? Uh..No! Can I be your boyfriend?"

I waited for her answer. Nakatitig lang ako sa mga mata niya na noo'y may tumutulo ng luha. I know, it's tears of joy. I can feel it kahit bato ang puso ko. At tama nga ang naging desisyon kong haranahin siya. Buti nalang sinunod ko yung na-research ko.

Pinunasan niya ang kanyang luha, gamit ang likod ng palad niya.

"YES! I can be your girlfriend and you can be my boyfriend." she said in the middle of crying and laughter.

Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng saya nung sinabi niya ang mga katagang iyon. I know, this is just a game. A part of the dare. Hindi ko ito kailangang seryosuhin dahil sa huling araw ng dare, I'll break her heart. Sasaktan ko lang siya at paiiyakin gaya ng ginawa ko sa ibang babae.

Tumayo siya.

Dali-dali din akong tumayo at binuhat siya ng payakap. Nakita kong nagsipalakpakan ang mga tao sa loob ng cafeteria. May  mga nakangiti at kinikilig, meron ding nakasimagot at naiinggit.

Pasimple kong tinignan sina Sky, Ferrari at Benz. And then I winked at them.

Mission accomplished!

Ito na ang simula ng laro.

Let the games begin!

Kumalas ako sa pagkakayakap kay Asha at binalingan ang kaibigan niya.

"Meryl, right? Pinsan ka ni Benz. Uhm.. pwede ko bang mahiram ang girlfriend ko?" I said. Halata sa mukha niya ang pagkagulat. I don't know why. Well, siguro hindi pa nakukwento ni Asha ang tungkol sa nangyari kagabi.

"S-sure. B-basta iuwi mo yan ng buo ah. Dahil kung hindi, lagot ka talaga sa'kin." she replied.

I smiled at her and then I faced Asha—my one-month girlfriend. "So tara? Pumayag na ang kaibigan mo."

Niyakag ko siya papunta sa parking lot.

"Bakit saan ba tayo pupunta? Atsaka, may pasok pa ako." sabi niya nang makapasok sa passenger seat ng kotse.

"Don't worry. Half day ang klase ngayon. Walang pasok." sabi ko tapos nginitian ko siya. Napansin kong namula siya nung nginitian ko siya.

Gotcha!

"H-ha? O-okay. So, saan tayo pupunta?"

"We're going on a date."

*          *          *

Dinala ko si Asha sa isang mamahaling restaurant. Sa Foodah Food Express. Noong una, nag-aalangan pa siyang pumasok. Naka-uniform pa kasi siya tapos yung mga tao sa loob, including me, naka-casual attire. Pinagtitinginan na nga kami ng mga tao eh.

"Dito ba talaga tayo kakain? Parang nakakahiya kasi eh. Naka-uniform pa 'ko. Pwede sa iba nalang?"

Hinawakan ko ang dalawang niyang kamay. Bahagya ko pa itong itinaas at kinantalan ng halik.

My 1-Month Girlfriend [ONGOING]Where stories live. Discover now