Game 04: Date [Part 2]

1.1K 17 12
                                    

Game 04: Date [Part 2]

[Natasha Avon's POV:]

"Sweetheart pala, ha?"

Bigla akong natigilan  sa aking narinig. I felt frozen. Hindi ko magawang tumingin sa kanya, kay Louis. Feeling ko nag-iinit ang buong mukha ko. And I'm pretty sure, my face is as red as a tomato!

Waaahh!! Bakit ba kasi ang hilig magpakilig ng lalaking ito? Kotang-kota na siya ah, simula nung hinarana niya ako sa harap ng maraming tao.

"Ha! Ha! Ha!" I heard him laughed. "Ang cute mo talaga pag kinikilig." He said and then he pinched my cheeks which made my heart skipped a beat. Waaahh!! Feeling ko tuloy, lalo akong namula sa ginawa niya.

"A-ako? Kinikilig? H-hindi ah," pagkakaila ko pero ang totoo kinikilig talaga ako. Sobra! Nag-uumapaw ang "kilig cells" na dumadaloy sa buong katawan ko.

"Talaga? Bakit namumula ka?"

Waaahh!! How did he know that I'm blushing? Halata ba? Madilim naman ah. Uwaaahh!!

"U-uy hindi ah. I-i'm not b-blushing. Guni-guni mo lang yun."

I heard him chuckled.

"Denial ain't just a river in Egypt," he informed.

Sabi ko nga. Pffft! Nakakahiya! Bakit ba kasi ako nag-deny? Eh totoo naman talaga. Psh!

Wala na akong masabi kaya tumahimik nalang ako. Pinanuod ko nalang yung palabas. At nang nilingon ko si Louis, nakatuon na rin ang paningin niya sa palabas. Nakangiti pa. Grabe! Ang gwapo niya talaga. Hindi siya nakakasawang pagmasdan at titigan. Ang kinis ng balat niya. Ang tangos ng ilong niya. Ang hahaba ng kanyang mga pilikmata. Brown eyes. Bagay din sa kanya ang stud niya na nakadagdag ng kanyang pagkagwapo. At ang—Waaahh!! Ang pula-pula ng kanyang maninipis na labi at parang ang lambot katulad ng sa marshmallows. Kyaaahh!!

Hindi ko talaga akalain na ang pinapangarap ko lang dati na si Louis Vuitton, ngayon ay boyfriend ko na. Tapos magkasama pa kaming dalawa, magkatabi actually. And not to mention na nagde-date kami. Parang ang hirap paniwalaan na ang lahat ng ito ay nangyayari. Haay! Kung sakali mang panaginip lang ang lahat ng ito, ayoko ng magising pa. Sasampalin ko talaga yung gigising sa 'kin. Swear!

Maya-maya, kinuha ko yung mga pinamili namin ni Louis, tapos sabay namin yun kinain habang nanunuod ng palabas.

Grabe! Ang ganda talaga ng Diary Ng Panget. Nakakakilig! Nasa may part na nung basang-basa ng ulan sina Cross at Eya. Yung niyakap ni Cross si Eya, tapos sinabihan niyang: "Wag kang maarte, hindi ka maganda." Waaahh!! Nakakatuwa at nakakakilig talaga ang EYOSS! Palong-palo! Tawa lang kami ng tawa.

Pagkatapos naming manuod, pumunta naman kami sa W.O.F. (World Of Fun).

"Dito ka lang muna ah. Bibili lang ako ng token, babalik din ako." Sabi ni Louis tapos pumunta na siya do'n sa may booth na nagtitinda ng token.

Habang naghihintay ako sa pagbalik niya, may tumawag ng aking pansin. Isang machine na di-kalayuan sa aking kinatatayuan. It's a Claw Machine. Ito yung machine na may laman na mga stuffed toys. Yung huhulugan mo ng token yung machine tapos maninipulahin mo yung joystick para makuha mo yung stuffed toy na gusto mo. Ang hirap niyan, sobra! Tapos nakaka-intimidate din kasi may timer. Nahirapan nga diyan si Jun Pyo eh, (Yung leader ng F4 sa Boys Over Flower). Ang dami na niyang nahulog na token pero ni-isa, wala parin siyang nakukuhang stuffed toys para kay Jan Di. Hahaha!

Naisip ko tuloy, paano kung si Louis ang maglaro niyan? May makukuha kaya siyang stuffed toys para sa 'kin? Kyaaahh!! Ang cute cute pa naman nung bear.

"Oh ano? Tara?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 30, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My 1-Month Girlfriend [ONGOING]Where stories live. Discover now