Game 02: Harana

1.1K 12 1
                                    

Game 02: Harana

[Natasha Avon's POV:]

Nagre-research ako para sa aking Research Paper sa English, nang maisipan kong mag-login sa Facebook account ko. Matagal na din kasi nung huli ko itong binuksan. Mga dalawa o tatlong buwan na siguro.

I signed in and scrolled down the mouse, hoping na may pagbabagong nangyari.

Ilang minuto din ang lumipas, nang maisipan kong mag-logout. Parang wala din naman kasing pagbabago. Ganun pa din.

No Friend Request.

No Message.

And no Noti—wait!

I have one pending notification!

Sino naman kaya ito? Bago ito ah. Eh kasi naman, sa tanang buhay ko, I mean, simula nung gumawa ako ng Facebook account, ngayon lang ako nakatanggap ng notification.

Pa'no ba naman kasi, hindi ako sikat. I'm just a simple girl na mahilig magsuot ng mga fake nerdy glasses. At isa pa, mahigit-kumulang sampo lang ang friends ko. Kung hindi relatives, kaibigan. Eh isa lang naman ang kaibigan ko. Si Meryl. Atsaka, malabong mangyari na sa kanya galing ang notification. Busy kasi yun sa kaka-wattpad.

Out of curiousity, I clicked Notification.

Nanlaki ang mata ko sa aking nakita.

'Louis Vuitton accepted your friend request. Write on Louis Vuitton's timeline.'

Totoo ba 'to? Hindi ba ako nananaginip? Hindi talaga ako makapaniwala na in-accept niya ang friend request ko. Akala ko nga, wala na siyang balak i-confirm yun. Eh kasi naman, 3 years na ang nakakalipas nung in-add ko siya. Nakalimutan ko na nga eh.

Instead of writing on his timeline, minessage ko siya.

Natasha Avon: Hi! Good evening! Thanks for accepting my friend request. :)

Oh my God! Hindi talaga ako makapaniwala na in-accept niya yung friend request ko. Eh kasi naman noh, Louis Vuitton na yan. Ang pinakasikat, pinakagwapo, pinakamayaman, at pinaka sa lahat ng pinaka sa Dream High. No wonder kung bakit maraming nagkakagusto sa kanya. At isa na ako dun.

Oo! Tama ang nabasa niyo. Crush ko si Louis, dati pa. Hindi dahil sa gwapo siya, mayaman o sikat, kundi dahil crush ko siya. Yun lang. Unang kita ko palang sa kanya, doon na nagsimula. He's my first true love!

Hindi ko alam kung bakit ako nagkagusto sa kanya. Bigla ko nalang ito naramdaman. Ewan ko ba sa sarili ko. Well siguro ganun lang talaga ang love. Hindi natin kayang pigilan ang ating nararamdaman para sa isang tao. Na kung ano man ang nararamdaman natin, just go with the flow nalang. Kasi the more na pigilan natin ang ating nararamdaman, the more natin ito mararamdaman.

Isang minuto ang lumipas nang makatanggap ako ng message sa kanya.

Louis Vuitton: Hello! Good evening! The pleasure is mine. ;) Uh.. by the way, can I ask you something? Pretty, please.

Uwaaahh!! Nananaginip ba ako? Kung oo, pwede 'wag niyo na akong gisingin...kahit kailan? Eh kasi naman eh. This is really a miracle. He, Louis Vuitton, accepted my friend request and messaged me, which is unusual.

Hindi talaga siya nag-aaccept or nagme-message ng kung sino-sino. Tapos ngayon, nagawa niya sa isang tulad ko. Uwaaahh!! He's so sweet! He's so adorable! I can't help myself. I'm falling inlove with him so badly.

I typed a reply.

Natasha Avon: Sure! What is it? >///<

Louis Vuitton: Do you have a boyfriend right now? Uhm...If none, can you be my girlfriend? ;)

My 1-Month Girlfriend [ONGOING]Where stories live. Discover now