Chapter 8

9.2K 195 1
                                    

A/N: Emerald on the Media. Yow! Ang ganda nya diba? Isang dyosa kaya bagay sila ni Darwin. Makikita nyo ang picture ni Darwin sa next Chapter, mwuah mwuah!

Enjoy!!!

****
Michiko's POV

Nakahiga sa kama at walang ginagawa

Mas trip ko sa Coffee shop kasi kahit papaano may nagagawa ako, hindi kagaya dito. Hindi pwedeng gumawa ng kung anu-anong bagay, dapat nasa perimeter lang ako ng bahay o kung hindi naman dapat laging may bodyguard na nakasunod sakin

Umalis kasi sila, may trabaho sila eh

Kung ipagluto ko kaya sila ng pagkain

Anong oras na ba?

5:10 PM, maaga pa pwede pa akong magluto

****

After 1 hour....

"Masarap, Miss Michiko. Ang galing nyo po pala"sabi ni Chef Lily

"Naku, baka lumaki po ang ulo ko nyan"sabi ko at napangiti

Hinanda ko ang niluto kong......Caldereta at pati narin yung kanin

Specialty ko ang Caldereta tsaka sinandya kong iperfect yang Calderetang yan para kahit papano may alam akong sa kusina. Marunong naman talaga akong magluto kaso...mainit lang talaga. Tamad eh parang si clazore_love

(A/N: *innocent look* what? Wala akong ginawang kahit ano, nagta-type lang ako dito)

Feeling inosente pero infairness.....bagay sayo pwede ka ng artista

(A/N: Sus maliit na bagay. Talagang magaling akong umartex, kapag pumasok ako sa ABS-CBN, ako na papalit kay Sharon Cuneta bilang Mega Star)

Ehem ehem......ang taas hindi ko ma-reach! Ang laki ng ulo mo porke napuri ka lang! Sapakin kita dyan eh

(A/N: Hmmpp whatever *walkout*)

See, ang sungit sungit tamad naman. Sarap patayin, bwisit! Pero wag kayo mahal ko yan si Miss Clazzy kahit tamad at baliw yan

"Nandyan na po sila Sir Furukawa"sabi ni Ate Celine

"Dalhin nyo na po to sa Dinning Area, tatawagin ko lang sila"sabi ko at lumabas ng kusina

Kita kong may kasama silang isang babae na mas......maganda sakin, ang ganda nya promise

"Excuse me, ahh kain na tayo. Nagluto ako"nakangiting sabi ko

"Baka may lason yan ah"sabi ni Makato

"Oo para sa inyong dalawa ni Darwin, nilagyan ko ng lason"sabi ko at umirap

"How dare you?"sabi nung babae

Nakakunot noo ko syang tinignan at tinuro ang sarili

"How dare this woman to rolled her eyes to Makato?"tanong nung babaeng kasama nila

Bumuntong hininga ako at blanko syang tinignan "Trip ko lang"malamig na sabi ko at ngumiti

"Ate Yen, kain na tayo"sabi ko at hinila si Ate Yen

"Why did you do that, Mich?"tanong ni Ate Yen

"Anong ginawa ko?"balik tanong ko

"Alam mo bang walang kahit sino mang sumagot sa isang Amy Coudron ng ganun"sabi ni Ate Yen

"Hindi ko alam"sabi ko at binitawan ang kamay nya

"Nawalan ako ng ganang kumain"sabi ko at umakyat sa taas

Diretsyo akong pumasok sa kwarto ko at ni-lock ang pinto

Tss dapat sinabi nyo para inform ako diba, sapakin ko kayo dyan eh

****

Nandito ako sa terrace ng kwarto ko habang nakataas ang dalawang paa at nakatingin sa mga bituin

"Buti pa kayo, ang gaganda nyo"sabi ko at tinrace sila gamit ang hintuturo ko

*BANG*

"Ahhhhh!"agad akong napatili ng biglang may pumutok na baril malapit sakin

Nalaglag ako sa kinauupuan ko at gumapang papasok ng kwarto

Pumasok ako ng banyo at tinago ang sarili ko dun

Sino ba yun? Ano bang nangyayari?

*BANG*

*BANG*

*BANG*

*BANG*

*BANG*

Sunud-sunod na putok ng baril ang narinig ko. Tinakpan ko ang bibig ko ng may marinig akong yabag na papasok ng kwarto

"Michiko nasan ka? Lumabas ka na dyan"

Ang boses na yun.....sya......sya ang pumatay kay Ace at sa baby ko

Kinuha ko at bote ng shampoo at agad na binuksan ang pinto ng banyo. Pinalo ko sya ng bote ng shampoo sa ulo at kinuha ang lampshade at pinalo din sa kanya

Bumagsak sya sa sahig kaya agad akong dumiretsyo sa pinto. Shit! Nilock ko pala, saan ko ba nilagay ang susi

Napatingin ako sa kanya na dahan-dahang gumagalaw. Diretsyo ako sa terrace at tumalon dun

Rinig na rinig ko ang putok ng baril na muntik ng tumama sakin kasabay ng pagbagsak ko sa tubig

Lumusong sa pinaka ilalim na part at para hindi ako masyadong makita

"Michiko!"rinig kong sigaw sa taas ng pool

Agad kong inahon ang ulo ko habang hinahabol ang hininga ko

"Michiko Lim! Magkikita pa tayo!"rinig kong sigaw ng isang lalaki sa puno

Napalingon ako dun.....sya nga ang lalaking pumatay kay Ace

Napalunok ako at agad na umahon sa pool

Hinang-hina akong napaupo sa gilid ng pool at tinanggal ang tali ko

Bwisit! Kapag nakita ko ulit ang lalaking yun, patay yun sakin. Ako ang unang babaril sa kanya

Bigla may bumuhat sakin kaya napatingin ako sa taong yun

"Why did you jump?"tanong ni Shiro

"Ibaba mo nga ako, kaya kong maglakad. Hindi ako pilay"mataray na sabi ko at tumalon pababa tsaka pumasok sa loob ng bahay

Napahawak ako sa bulsa ng short ko. Nandito lang pala ang susi, bwisit lang men!

Agad akong umakyat at pumasok sa kwarto. Kumuha ako ng damit sa closet at pumasok sa banyo para maligo

Ang lamig......nginiginaw ako

****
Yen's POV

Naghihintay kami dito sa kwarto ni Mich na lumabas sya ng cr

"She's so pale, earlier. F*ck im worried"sabi ni Sir Furukawa na kanina pa hindi mapakali

Bumukas ang pinto ng cr at lumabas si Mich na nakasuot ng pantulog

"Matutulog na ako"sabi nya at agad na humiga sa kama nya

"Michi, ang putla mo"sabi ni Jean

Napatingin sakin si Mich. Sinalat ko ang noo nya

"Shit! Mich, nilalagnat ka"gulat na sabi ko at agad na tinanggal ang kamay ko sa noo nya

Nakakapaso

"Parang lagnat lang yan, hindi naman mamatay yang babaeng yan"mataray na sabi ni Amy

"Tama sya walang namamatay sa lagnat. Matulog na kayo, may trabaho pa kayo bukas"mahinang sabi ni Mich at tinanggal ang contact lens sa mata nya at agad na binalot ang sarili nya ng kumot

"Get a basin and towel"

Mafia Boss and His Princess (COMPLETED)Where stories live. Discover now