Chapter 27

7.3K 135 1
                                    

Michiko's POV

Kanina pa kami paikot-ikot dito sa mall. Date 'daw' namin to

Ewan ko ba sa taong to? Kung kailan nagkaroon kami ng anak saka naman naisipang makipag-date

"Kanina pa yang ngiting nakaplaster sa bibig mo ah. Anong iniisip mo? Ipagpapalit mo na ba ako?"tanong ko at tinignan sya ng masama

"Chill, hon. Im just happy to be with you"sabi nya at hinawakan ang kamay ko

Napangiti ako sa sinabi nya at agad ding napasimangot ng tignan nya ako

"Smile, hon. You look beautiful when your smiling"sabi nya na kinatigil ko

Tinignan ko sya at hinila palabas ng mall

"Ayoko na dito, sa park tayo"sabi ko at tumigil sa harapan ng kotse nya

"Hon, i think we need to come back to our house"sabi ni Shiro

Napalunok ako sa sinabi nya "Anong nararamdaman mo? May sumusunod ba satin?"bulong ko

Tumango sya at pinagbuksan ako ng pinto. Umikot sya at pumasok sa driver seat at agad na pinatakbo ang sasakyan nya

Agad syang napatigil ng humarang ang isang itim na van sa dadaanan namin

"Fuckshit!"sigaw nya at niyakap ako

"I love you, hon"bulong nya sa tenga ko

*BLAG*

*BLACKOUT*

****

Dahan-dahan kong minulat ang mata ko at napatingin sa paligid. Ang labo, nasan yung salamin ko?

Kumapa ako sa side table.......eto. Sinuot ko ang salamin ko at inikot ang paningin ko sa paligid

Silver at Black ang Theme ng kwartong to. Malawak at malinis pero.....nakakatakot

Napaupo ako sa kama ng maalala ko ang nangyari kanina. Hinanap ko ang pintuan at agad na tumakbo papunta dun

Kumatok-katok ako para may makarinig sakin

Si Shiro.....anong nangyari sa kanya? Okay lang ba sya? Anong ginawa nila sa asawa ko?

****
Third Person's POV

"Hindi ko akalaing isang katulad mo ang mapapang-asawa ng anak ko!"sigaw ni Mr. Nanase kay Shiro at sinuntok ito sa mukha

Nakatali sya at puno ng pasa at sugat. Hindi sya makagalaw dahil mahigpit ang pagkakatali sa kanya

"I l-love my wi-wife"nauutal na sabi ni Shiro dahilan para suntukin muli sya

"Ano ba?! Kung sino man ang nakakarinig sakin! Palabasin nyo ako sa tang*nang kwartong to! Mga hayop kayo!"rinig nilang sigaw sa taas

"My Princess is already awake"sabi nj Mr. Nanase

"W-wait"sabi ni Shiro

"What do you want?"tanong ni Mr. Nanase

"S-she's a-afraid of b-bloods"nauutal na sabi ni Shiro at nakatulog sa sobrang pagod

"She afraid of bloods? How come?"takang tanong ni Mr. Nanase

May bahid ng dugo ang damit nya kaya agad nyang hinubad yun at nagpalit

****
Michiko's POV

Biglang may pumasok na MIB sa kwarto na kinatutuluyan ko at hinila ako palabas

"San nyo ako dadalhin?! Nasan ang asawa ko?! Anong ginawa nyo sa asawa ko?!"sigaw ko at napaiyak nalang

Wala akong magawa, nakakainis! Nasan ba kasi si Shiro? Yung asawa ko?

"Wag ka ng magsayang ng pagod mo, Ms. Katsumi"sabi ng isang MIB

"Sabihin nyo muna kung nasan yung asawa ko? Gusto ko syang makita"sabi ko

"Binugbog lang namin ng konti, wag kang mag-alala buhay pa si Furukawa"sabi nya

"Mga hayop kayo! Ako ang papatay sa inyo kapag namatay si Shiro! Tandaan nyo yan!"sigaw ko habang tumutulo ang luha sa mga mata ko

Binitawan nila ako sa harapan ng isang lalaking may katandaan na habang nakangiti

"Sino kayo? Anong gagawin nyo?"tanong ko

"Wag kang magalala, hindi ka namin sasaktan"sabi nya at hinaplos ang pisngi ko

"Malaki ka na, anak"sabi nya

A-anak? A-ako? A-anak nya?

Hinawi ko ang kamay nya na humahaplos sa pisngi ko "Anong ginawa mo sa asawa ko?"tanong ko

"So, asawa mo talaga ang tarantadong Furukawa na yun? Fuck!"sigaw nya at hinawakan ang makabilang balikat ko

"Tell me! Anong ginawa nya sayo?! Pinilit ka ba nya?! Pinagbantaan para pakasalan mo sya?!"sigaw nya

"Hindi! Kasi mahal ko ang asawa ko! Sya ang buhay ko!"sigaw ko

Marahas nya akong binitawan papunta sa mga tauhan nya. Hinawakan nila ako

"Ilabas si Furukawa"sabi nung lalaki

Nanlambot ako sa kinatatayuan ko at parang nawala lahat ng galit ko ng makita ko sya......mga demonyo sila! Anong ginawa nila sa asawa ko?!

"Shiro!"sigaw ko at parang waterfalls na kusang tumulo ang luha ko

"H-hon"sabi nya

Binitawan ako ng tauhan nung lalaking yun kaya agad akong tumakbo paupa kay Shiro at sinakop ang pisngi nya gamit ang dalawang kamay ko

"Sh-shiro, a-anong ginawa n-nila sayo? Sa-sabihin mo?"tanong ko at pinilit na ituwid ang boses ko

Pinagdikit ko ang noo namin "Shiro naman eh, magsalit ka naman"sabi ko at pinunasan ang luha ko

"I l-love you"bulong nya

Napayuko ako at hinalikan sya "Im sorry, wa-wala akong nagawa"sabi ko ng pakawalan ko ang labi nya

"I l-love you"sabi nya

Bumagsak sya sa balikat ko na parang kinatigil ng mundo ko

"Sh-shiro, u-uyy wa-wag mo na-naman akong bi-biruin. Hindi na kakatawa"sabi ko

Hindi sya gumalaw o nagsalita manlang

"S-shiro! Shiro! Shiro!"tawag ko sa kanya at pilit syang ginising

Biglang may humawak saking dalawang MIB at pilit akong nilayo kay Shiro

"N-no! Sandali lang! Ano ba! Wag nyo akong ilayo sa asawa ko! Ano ba!"sigaw ko at pilit na nagpupumiglas pero wala akong nagawa

Mafia Boss and His Princess (COMPLETED)Where stories live. Discover now