Chapter 18 (THE WEDDING PART 1)

7.9K 145 1
                                    

Michiko's POV

Isang linggo na ang lumipas at......bukas na ang kasal

Nandito ako sa bahay ni Ate Yen. Kasama ko ang mga girls at si Mommy Shimichi at mga MIB

Minsan dumadalaw sila Poseidon pero hindi kasama si Shiro

Namiss ko na sya, bakit kasi bawal kaming magkita

Alam nyo bang tatlong araw ko na syang hindi nakikita. Miss na miss ko ba sya

Bukas na ang kasal, nandito na kami sa resort. Kung saan magaganap ang kasal

Beach Wedding ang magaganap na kasal namin

Sya ang may sabi nyan, gusto nyang maging memorable para samin ang kasal na to. Kahit simpleng kasal lang memorable na para sakin

Napatingin ako sa bintana at tinignan ang mga taong naglalaro ng tubig sa beach

Binagsak ko ang sarili ko sa kama at niyakap ang unan ko

Bukas makikita ko na si Shiro, namimiss ko na talaga sya. Ang tagal naman kasi ng oras eh

"Mich, matulog ka na"sabi ni Ate Yen na kakapasok lang ng pinto at agad ding sinara

Inayos ko ang higa ko at tinanggal ang salamin ko

****

Naalimpungatan ako ng may maramadan akong humahaplos sa pisngi ko

Unti-unti kong minulat ang mata ko at tumingin sa relo ko

"Mamaya na kayo manggising, 2:30 palang"reklamo ko at nagtalukbong ng kumot

"Such a sleepyhead"

Parang nabuhay lahat ng organs ko at agad na napaupo sa kama

Napatakip ako ng bibig habang nakatingin sa kanya

Bigla nyang pinulupot ang kamay nya sa bewang ko at hinapit ako palapit sa kanya

"I miss you"sabi nya

"Namiss din kita ng sobra"sabi ko at hinalikan sya sa pisngi

"Hon, get ready for our wedding. This will be a memorable day for you and me"sabi nya at nilapit ang mukha nya sakin tsaka ngumisi

"Shiro, alam ko yang ngising yan. Magtigil ka kung ayaw mong sumigaw ako"banta ko

Bigla nya akong hiniga sa kama at agad na sinunggaban ng halik bago pa ako makasigaw

"Dont shout"bulong nya sa tenga ko at binaba ang halik sa leeg ko

Napakapit ako sa batok nya. Feeling ko anytime malulusaw ako sa bawat halik nya

Tumigil sya at tinignan ako sa mata

"I really miss you, hon"sabi nya

Napangiti ako at hinaplos ang pisngi nya

"Matulog ka na nga"sabi ko

Humiga sya sa tabi ko at niyakap ang bewang ko

"Now you sleep"utos nya

"Matulog ka din"sabi ko

"Oo na po"sabi nya at hinalikan ako sa noo

Pinikit ko ang mata ko at niyakap sya

****

Pinatay ko ang alarm clock sa side table at tumingin sa tabi ko

Wala na sya. Anong oras kaya sya umalis?

7:30 AM na

Tumayo ako at kumuha ng damit sa closet tsaka naligo

Agad akong lumabas pagkatapos kong maligo. Diretsyo ako sa kusina at magisang kumain.

Siguradong naghahanda na sila para sa kasal namin. Napangiti ako at hinugasan ang pinagkainan ko

Lumabas ako ng kusina at umakyat sa taas. Pumasok ako sa kwarto at.......

M-may mu-multo ba dito? Pa-pano napunta to dito? Siguro si Mother Tammy o kaya ang ibang girls.

Inikutan ko yung gown. Ang ganda, puro diamonds ang nasa skirt at backless ang likod. Bagsak lang ang skirt nya at saktong sukat lang para sakin

Napatingin ako sa harapan ng salamin

May maliit na korona, may mga accessories at mga make-ups

Napalingon ako sa pinto ng may pumasok. Sila Ate Yen lang pala

"Naligo ka na?"tanong ni Ate Yen

"Oo"sagot ko

"Maligo ka ulit, tapos mamaya ka na magdamit"sabi ni Ate Yen

"Huh? Bakit naman? Sayang tubig"sabi ko

"Wag ka ng magreklamo, gorabels na"sabi nila at pinagtulakan ako papasok ng banyo

Errr whatever

Nakasuot ako ng medyo makapal na puting bathrobe tsaka lumabas ng banyo

"Upo ka na dito, bilis"sabi ni Midori at inupo ako sa harapan ng salamin

"Jean ikaw sa paa, Emerald ikaw sa kamay, Ako sa buhok. Ikaw Yen mamaya ka na sa make-up"sabi ni Midori

"Okay"excited na sabi ni Jean

"Pwede kang matulog"sabi ni Midori at tinanggal ang twalya sa ulo ko

"Ayoko, gusto kong makita ang gagawin nyo"sabi ko at ngumiti

Sumandal ako sa upuan at tinignan ang sarili ko sa salamin

"Ang ganda ng gown mo ah. Eto ang last creation ni Mother Tammy diba?"rinig kong tanong ni Ate Yen

"Sabi ni Mother Tammy oo daw"sabi ko at ngumiti

"Pero ang alam ng lahat, ang huling creation nya ay yung nasa magazine. Tss nonsense"mataray na sabi ni Jean at umirap

****
-4 HOURS LATER-

"Gosh naeexcite ako"rinig kong sabi nila sa labas

Suot ko na ang gown at yung belo

"Ang ganda mo talaga, iha"sabi ni Mommy Shimichi

"Thank you po"sabi ko at pinunasan ang luhang tumutulo sa pisngi ko

"Wag kang umiyak, masisira ang make-up mo"sabi ni Mommy

"Okay po"sabi ko at bumuntong hininga

"Tara na"sabi ni Daddy Hiro at binuksan ang pinto

"Ang ganda ng bride natin ah"sabi ni Jean

"Sexy"sabi ni Makato

Tinignan ko sya ng masama at inirapan

"Ano? May galit ka parin sakin? Ang harsh mo talaga kahit kailan"reklamo ni Makato

"Congrats, Mich"sabi ni Ate Yen at niyakap ako

"Wahhh effective yung pagkaayos ko sa buhok mo! My gosh!"sigaw ni Midori at niyakap din ako

"Dahan-dahan, babe. Baka magalit si Sir Furukawa nyan"sabi ni Poseidon

"Bumaba na nga kayo, maguumpisa na"sabi ni Daddy Hiro

"Sige, see you"sabi nila at bumaba na

Ilang sandali ay bumaba na din kami

Kitang-kita ko mula dito sa cottage na punong-puno ng pink and white roses ang gilid aisle at ang aisle na dadaanan namin ay may have petals ng bulaklak

"Dont cry, iha"bulong ni Daddy Hiro

Nagsimula na kaming maglakad palapit sa mga tao kasabay ng pagtugtog ng isang kanta

Napangiti ako habang nakatingin sa kanya

Nakita ko na sumilay ang ngiti sa labi nya habang nakatingin sakin na parang gusto akong hilain palapit sa kanya at iharap sa pari

Eto na yun.....magiging masaya na kami. Wala ng pwedeng humadlang samin

Mafia Boss and His Princess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon