Chapter 20

7.9K 155 1
                                    

Michiko's POV

Ano ba yan?! Ang boring naman dito!

Tatlong linggo na ang lumipas matapos ang kasal namin. Si Shiro lagi akong tinatanong kung may nararamdaman akong kakaiba? Kung may masakit ba sakin? Kung nagsusuka ba ako? Kung may gusto daw akong bilhin?

Isa lang ang sagot ko eh........ang magtrabaho sa Coffee Shop

Nakakatamad kasi dito sa bahay. Ganito ang daily routine ko: Gigising, magbibigay ng goodmorning kiss, tatayo, maliligo, magaayos ng sarili, magaayos ng business suit ni Shiro, magluluto kakain, ihahatid si Shiro palabas ng bahay, magwawalis, manonood ng tv, magluluto, kakain, manonood ng tv, matutulog, kakain, sasalubungin si Shiro, sasagot sa tanong nya, magluluto, kakain tapos matutulog na

Yan lang ang ginagawa ko sa buong linggo

Dalhan ko kaya sya ng lunch para may iba naman akong magawa

Tama!

****

Inayos ko ang dadalhin ko at tinawagan si Ate Yen

(Nandito na ako)

Binaba ko na ang tawag at lumabas ng bahay

Pumasok ako sa kotse ni Ate Yen at nginitian sya

"Alam kong bored ka kaya isasama mo to sa daily routine mo"sabi nya at pinaandar ang sasakyan nya

"Oo, tapos lagi pa akong tambay. Ayokong tumambay gusto kong pumasok sa shop kaso ayaw ni Shiro baka daw mapahamak ako, ang sweet nya talaga"sabi ko at napangiti

"Ewan ko sa inyong dalawa. Kumuha nalang kaya kayo ng maid para hindi ka mukhang galing sa rancho"sabi ni Ate Yen

"Amoy kabayo ba ako? Easy ka lang hindi ko pinsan si Dora mas maganda ako sa kanya"sabi ko at napairap

"Alam mo gutom lang yan, ang weird mo"sabi nya

Weird ba talaga ako? Nagsasabi lang ako ng totoo ah, hindi ko pinsan si Dora kasi ayokong maging lakwatsera huhuhu

Lumabas kami ng kotse ni Ate Yen at pumasok sa loob ng Company ni Shiro

Ang laki talaga. Nung unang punta ko kasi dito, walang akong ibang pinansin kasi nasa panganib ang buhay ko noon

Ang taas pala nito. Hanggang 50th floor

Pinindot ni Ate Yen ang 35th floor mahaba-habang tayuan to ah. Ayokong tumayo ng matagal. Tinatamad ako

After 566282022383907283 years nakalabas na din kami sa elevator. Katamad talaga tumayo

Pumasok kami sa isang pinto at..........

Anong ginagawa ng babaeng yan dito?

Napataas ang kilay ko at diretsyo sa mini couch. Nilapag ko sa center table ang dala ko at napatingin sa sahig

"Mimi"

Napaangat ang tingin ko ng marinig ko ang boses na yun. Si Veronica

"Mimi, magusap tayo"sabi nya na kinagulat ko

Mimi?......isa lang ang taong tumatawag sakin ganun si....Nica

Napatingin ako sa mga mata nya. Unti-unti akong napatayo at napaatras

"Lumayo ka"sabi ko at umatras hanggang mapasandal ako sa pader

"Mimi, please magusap tayo"sabi nya

"Hindi! ikaw!.....ikaw ang pumatay kay Ace!"sigaw ko

"Hi-hindi ako ang pu-pumatay kay Ace, sya ang may kagustuhan nun para hindi ka mapanagutan sa kasalang nagawa nya"sabi nya

Umiling ako at matalim syang tinignan

"Kung hindi pinilit ng Papa mo na ilayo sakin si Ace, hindi sya mamamatay at si Baby Mika. Umalis ka na bago ko pa mabasag ang mukha mo"malamig na sabi ko

"P-pero....."

"Lumayas ka na!"sigaw ko

Agad naman syang umalis. Bumukas ang pinto kasabay ng pagdulas ko sa pader paupi sa sahig. Nakahawak ako sa ulo ko at pinikit ng mariin ang mata ko

'Sorry, Nica. I need to do this, alam kong si Shiro ang target ng Papa mo'

"Are you okay?"rinig kong tanong ni Shiro

Tinignan ko sya at agad na niyakap. Binaon ko ang mukha ko sa dibdib nya

"Cry, baby. Let out that emotions of yours"bulong nya

Inangat ko ang paningin ko at binigyan sya ng smack

"Sawa na akong umiyak, tsaka gusto ko ikaw ang iiyikan ko"sabi ko at marahang kinurot ang pisngi nya

"Bakit patay na ba ako para iyakan mo?"sarkastikong sabi nya

Niyakap ko sya at pinigilan ang luhang malapit ng lumabas sa mga mata ko "Dont say that. Hindi ko kakayanin na mawala ka"sabi ko

"Im sorry"bulong nya sa tenga ko

"Dont say that im scared. Kahit sino na ang mawala wag lang ikaw, Shiro. I love you"sabi ko at tumulo na ang luhang pinigilan ko kanina

"Im sorry, hon. Im sorry. I love you too"bulong nya muli

****
Veronica's POV

May alam sya sa mga mangyayari, alam nyang may mangyayaring hindi maganda

Hindi ako susuko hanggat hindi ko nakakausap si Mimi. Kailangan ko syang mawarningan

Hindi sya pwedeng mamatay. Marami pa syang magagawa sa mundo. Pipigilan ko si Dad

Si Mimi dapat syang mabuhay, may mga makikilala pa sya

Alam ko, malakas ang kutob ko na.....

"Veronica, sumama ka samin"

Napatingin ako sa gilid ko

"A-anong k-kailangan nyo?"nauutal na tanong ko

"Chill, alam kong mukhang rapist ang kapatid ko pero wag kang magalala. Walang mangyayaring masama sayo"sabi ni Yen Fujiwara

"Trust me"sabi ni Yen at ngumiti

A true smile, ang ganda nya

Tumango ako at pumasok sa van nila

Bahala na, kahit ganun magtitiwala ako sa kanila.....kila Hayabusa

****
Third Person's POV

"I located the necklace that we gave in your daugther, Master"sabi ng isa sa kanyang mga tauhan

"Give me the address"malamig na utos ng kanyang amo

"It's in the Philippines, South Densest Village in Themis City. Furukawa's Residence"sagot ng kanyang tauhan

"Okay, ready the private plane. We're going to Philippines"sabi ng kanyang amo tsaka tumayo at lumabas ng library ng kanyang bahay at dumiretsyo sa kwarto ng kanyang asawa

"We're going back to the Philippines, love. Pack our things"malambing na sabi ng lalaki

"Talaga? Susundan na natin sila Alex and Shino? Akala ko ba......"

Pinutol nya ang sinasabi ng asawa nya

"No buts. Just do it, love"sabi ng lalaki at ngumiti

"Okay, sweetheart"sabi ng kanyang asawa at nilabas ang maleta nila

Hinalikan nya sa noo ang kanyang asawa bago lumabas ng kanilang kwarto

'Wait for me, my princess. Dad is here, he will save you from that Mafia'

****
A/N

Sino ng may clue sa mga nangyayari?

Comment mga readers. Baka tama ang clue nyo

Lovelotz

-clazore_love

Mafia Boss and His Princess (COMPLETED)Where stories live. Discover now