Chapter Eighteen

1K 41 4
                                    

Chapter 18

Naghain ng mainit na soup ang waiter. Nakaramdam ako ng gutom nang malanghap ko ang pagkabango-bangong langhap nito. Pagkatapos ay sunod-sunod nang dumating ang iba pang pagkain. A whole roasted chicken, a mixed of vegetables and seafood, some sort of fish fillet, something that is rolled, must be chicken roll, and some kind of pasta.

"Wow! Who will eat all of these?" namamanghang saad ko.

"Tayong dalawa," anitong natatawa. Dahil siguro sa itsura ko.

"We can't possibly eat all of these." Napailing ako pero halos tumulo na ang laway ko sa amoy pa lang ng mga nakahain.

"Kayang-kaya nating ubusin ang mga 'yan." Nagsimula siyang maglagay ng pagkain sa sariling pinggan at pagkatapos ay sa pinggan ko. He put each kind on his own plate and on mine. My heart melted like butter at his thoughtfulness.

"Thanks," napapailing na bulong ko. Pagkatapos ay kumain na kami. Paminsan-minsang tinatapunan ko siya ng tingin habang nakayuko at sumusubo. Ngunit kapag inaangat niya ang ulo upang tumingin sa'kin ay kaagad naman akong tumitingin sa pagkain ko.

"Nice. Sarap," hindi ko napigilang sabihin habang ngumunguya. "Hindi ako nagtataka kung bakit dinadayo ng mga tao ang restaurant mo. You got a great chef in here."

"Thanks. Tama ka. Pumili talaga ako ng mahusay na chef," anitong tatango-tango. "I'm so glad that you like everything. Your opinion means a lot to me."

Napatingin ako sa mukha niya dahil sa sinabing iyon. Totoo ba? Mahalaga sa kanya ang mga opinyon ko? Para kasing hindi naman. If it was true, he had a funny way of showing it.

"Really?"bulong ko habang patuloy sa pagkain. He must have heard me because he stopped eating and watched me instead. Nagpatuloy lang naman ako sa pagsubo. Then I felt his hand covering mine.

"Diana," aniya sa mahinang tinig. My heart started to drum inside my chest. Naghintay ako sa sasabihin niya. Pero malamang kung ano man iyon ay hindi na niya masasabi pa sapagkat lumapit sa kanya ang waiter na nag-served sa'min kanina. May ibinulong sa kanya. Then he excused himself. Pasado alas nuwebe na noon at puno ng customers ang bawat mesa. When he came back, he was in a waiter's uniform.

"Don't tell me, I know it," kaagad kong sabi nang makalapit sa'kin. "Kaya ka nandito ngayon at isinama mo pa'ko ay dahil sa..."

"Ah..yes. Usually dumu-duty ako on Tuesdays pero wala naman akong balak ngayon because you're with me. Nakiusap lang si Lind, iyong headwaiter ko. Marami na kasing tao and they are short."

Halos mapanganga ako. Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng malamig na tubig. Buong akala ko kasi ay isang date ito. Parang nais kong batukan ang sarili ko. Bakit naman kasi ako ide-date ni Cedric?

"Okay lang ba sa'yo kung iwan kita saglit?"

Hindi agad ako nakasagot.

"O..okay lang." Napailing na lang ako habang sinusundan ng tingin ang likod nito. Dalawang damdamin ang naglalaban sa dibdib ko. Paghanga at pagkairita. Hindi na 'ko nagtataka kung bakit sa loob lamang ng halos anim na taon ay isa na siyang matagumpay na negosyante. Kaso lang kahit humahanga ako hindi ko maiwasang mainis. Ngunit baka dapat sa sarili ko ako mainis dahil ako lang naman ang nag-aasume na date ito.

Kung bakit hindi naman maiwasan ng mga mata ko na sundan siya habang nagse-serve sa mga customers. Lumapit ito sa isang grupo ng mga kababaihang bagong dating. Obviously, kilala nito ang mga iyon sapagkat naririnig ko ang biruan nila. Narinig ko ang paghalakhak ng isang seksing babaeng nakakawit pa ang kamay braso ni Cedric. Binawi ko ang tingin at inaliw na lamang ang sarili ko sa panonood sa tumutugtog na live band.

All I Need is You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon