Chapter 23
"Mang Rajul, kayo na lang ho ang mag-uwi ng kotse ah. Dadaan lang ho ako kay Cedric. Pakisabi na lang ho kay Nana Lucia. At pakibigay na lang din 'yong susi," pakiusap ko sa aming driver. Galing kami ng Maynila kung saan dumalaw ako kay Tiya Patricia at nang matanaw ko ang bahay ni Cedric ay tila mina-magnet ako niyon. Araw ng Linggo ngayon so he must be home. I missed him already though it was only the other day when he confessed his love for me. At hanggang ngayon ay tila nasa alapaap pa rin ang pakiramdam ko. Nakangiting ipinilig ko ang aking ulo.
Huwag masyadong hibang, Diana.
Right.
Taking a deep breath sapagkat tila nagwawala na naman ang puso ko ay deretso na akong pumasok sa gate. At dahil nakabukas naman ang main door ay deretso na rin akong pumasok doon. Sosorpresahin ko na lamang ito.
"Hi, Diana. Ikaw pala. Come in," salubong na bati sa'kin ni Clarissa. Halos manlaki ang mga mata ko at malaglag ang panga sa matinding pagtataka sapagkat naroon ito sa bahay ni Cedric. Natulos ako sa kinatatayuan ako.
Naka-maong mini-skirt ito at red off-shoulder blouse na lalong nagpatingkad sa kaputian nito. Tila fashion model ang figure nito.Gusto kong itanong kung ano ang ginagawa nito rito ngunit hindi pa rin ako makahuma. Kaya iginala ko na lang ang mga mata ko searching for Cedric.
"Wala pa si Cedric. But you can wait for him if you want. Mayamaya lang siguro ay darating na 'yon. Sit down and I'll prepare something for you," anyaya ni Clarissa sa'kin. Tila ba normal lang talaga na naroon siya sa bahay ni Cedric. She really looked like she was really at home in this house.
"Huwag na, Clarissa. Salamat na lang. Lumuwas kami ni Mang Rajul at napadaan lang ako,"mahinahong saad ko. Kabaligtaran ng nararamdam ko ng mga sandaling iyon because I could feel my heart pumping blood into my veins so fast. Halos marinig ko ang kalabog ng dibdib ko. Naghalo-halo na ang nararamdaman ko. Galit, selos, sakit.
"Are you sure you don't want to wait?" She sounded so gracious. Bahagya pa akong nakonsiyensya. Baka naman may malinaw na dahilan kung bakit nakakapasok ito sa bahay ni Cedric kahit wala ang lalaki maliban pa sa iniisip kong may relasyon ang dalawa.
"No. B...babalik na lang siguro 'ko," saad ko as if makakaya ko pa ngang tumuntong sa bahay na iyon. "Paano ka nga palang nakapasok sa bahay kung wala si Cedric?" May pagka-masokista rin talaga ako. Hindi pa ko nakatiis na itanong iyon.
"I have a key to this house," walang kakurap-kurap na sagot nito. Bigla akong nagsisi kung bakit naitanong ko pa ang bagay na iyon. Napalunok ako. Parang may bumikig sa aking lalamunan. If I still didn't get out of this place, I would surely cry. Kumilos ako upang tuluyan nang lumabas ng bahay. Ngunit muling napatigil nang muling magsalita ang babae.
"You know if I were you, I wouldn't take Cedric so seriously," anito.
Ano ang tinutukoy ng babaeng ito? At ano ba ang alam nito tungkol sa'ming dalawa ni Cedric?
"Sinabi sa'kin ni Cedric na you used to have this school girl crush on him. At alam kong hanggang ngayon ay may pagtingin ka pa rin sa kanya," patuloy ng babae. Buong kumpiyansa pa itong humalukipkip mula sa pagkakasandal sa isang lamesitang nasa isang corner ng sala. Parang gusto ko na rin talagang magtaray ngunit pinigil ko ang aking sarili. Hindi ko papatulan ang babaeng ito. She's not worth of my time, my feelings, or any effort whatsoever from me.
"You know nothing about Cedric and me so don't act like you do." Halos manigas ang buong katawan ko sa matinding pagpipigil na sigawan ito.
"Tama ka. Pero I know Cedric. Mahilig siya sa mga rich girls, you know, mga heiress." Sinundan nito iyon ng mahinang tawa. "Siguro dahil sa galing siya sa wala. Well, mas alam mo 'yon kaysa sa'kin. Did you know that Cedric and Aubrey Syjuco used to be an item? You know Aubrey, right. Ang unica hija ng may-ari ng napakalaki at sikat na bus company dito satin."
Sino'ng hindi makakakilala sa mga Syjuco? Lahat ng yata ng bus na bumibiyahe sa buong Luzon ay pag-aari nila. O malamang sa buong Pilipinas na.
Napailing ako. Ayaw tanggapin ng utak ko ang nais tukuyin ni Clarissa. Hindi golddigger si Cedric. At kung nagkarelasyon man ito kay Aubrey, so what? Lalaki siya. Gwapo, matalino, may pera. Natural na maraming babaeng magkagusto rito.
Isa ka nga din doon, diba? Gusto kong idugtong ngunit pinigil ko na lang ang aking sarili. I really didn't want to get into fight with her.
"Hindi ko alam kung paano mong nasasabi ang mga 'yan tungkol sa kanya, eh naririto ka sa pamamahay niya."
"I'm just doing you a favor here. You should be thanking me." Nagkibit ito ng balikat pagkasabi niyon.
Bakit niya ako gagawan ng pabor? At bakit dapat akong magpasalamat? Kapal ng mukha. Hindi na lang ako sumagot. Umiiling na tumalikod na ako. Baka hindi pa ako makapagpigil kung ano pa ang magawa ko sa babaeng ito.
"Ah, Diana, I think you need to see this."
Bago pa ako makalabas ng bahay ay muli kong narinig ang boses nito. Paglingon ko ay may hawak itong white envelope. Agad itong lumapit sa'kin at iniabot iyon. Halos nangangatog pa ang aking mga daliri nang abutin iyon. Pangalan ni Cedric ang nakasulat sa sulat-kamay ni Mommy Tita.
Buong pagtatakang agad kong binuksan iyon. Tsekeng nagkakahalagang tatlong milyon na nakabalot sa isang liham ang nasa loob. Daig ko pa pinagsakloban ng langit at lupa nang matapos kong basahin ang nilalaman ng liham.
Napapikit ako at ilang beses na huminga nang malalim. Pilit inuunawa ng utak ko kung bakit at paanong nagawa iyon ni Mommy Tita. Ano ang pumasok sa utak nito upang bayaran si Cedric ng tatlong milyon upang pakasalan ako. For goodness' sake!
At dahil doon bigla na lang nagliwanag sa'kin ang lahat ng mga nangyari.
"S..saan mo nakuha ang envelope na 'to?" natutulalang tanong ko kay Clarissa. Hindi pa rin ako makapaniwalang gagawin iyon ni Mommy Tita. Ngunit malinaw na sulat-kamay iyon ng matanda.
Paanong nakuha iyon ni Clarissa? Nakabukas na ang envelope kaya malinaw na nabasa na nito. Kung gayon ay batid na nito ang nilalaman ng liham at tungkol sa tseke.
"Sa drawer na 'yon," sagot nito. Sabay turo sa lamesitang kanina ay sinasandalan nito.
"Diana. I'm so sorry."
Umiiling na tumalikod ako at halos takbuhin ang pintuan palabas ng bahay. Malapit nang bumagsak ang aking mga luha at ayokong makita ni Clarissa iyon. Halos manginig ang buong katawan ko sa matinding sakit.
Everything just made perfect sense. I had been blind.
Too much love can make you blind.
Ngunit ngayon ay malinaw na ang lahat. It was money he wanted, after all. Everything was all about money. Palabas lang pala ang lahat ng pagtanggi niya sa mga bigay ni Mommy Tita. At ako kusa ko namang inialay ang aking sarili sa kanya.
He didn't even have to work hard to get me. Halos magdilim ang paningin ko dahil sa luhang nag-una-unahang bumagsak. Ayaw tanggapin ng isip ko. Nagrereklamo ang puso ko. There must be some explanation. Ngunit ano ba ang maaaring maging paliwanag doon sa nilalaman ng envelope na iyon?
*****
Thank you for reading. Please vote also. Comments are welcome. Nyt-nyt :)
BINABASA MO ANG
All I Need is You (Completed)
RomanceHighest rank #201 in Romance Matapos ang walong taong paninirahan sa Amerika, napilitang umuwi si Diana sa Pilipinas. Sumakabilang buhay na kasi ang kanyang Mommy Tita. Kapatid ito ng kanyang ina at siyang nagpalaki sa kanya simula nang siya ay mau...