Chapter 6: Frost Kierre

229 20 1
                                    

Napagdesisyunan ko munang tumambay sa may desk ni Aries kesa harapin ang dragon sa opisina.

"So you were hired by his mother?" tanong nito sa akin pagkaupo ka sa harapan ng desk niya. Tumango naman ako bilang sagot.

Nagtanong tanong nalang ako sa kanya katulad ng anong klaseng boss si Sir Frost, ano and mga dos and don'ts, at mga kailangan kong kunin katulad ng schedules nito.

Nasa kalagitnaan kami ng pag aayos ng schedule nito nang biglang tumawag si Sir Frost sa telephone na connected sa office niya.

"Good afternoon, sir. Is there anything that you need?" tanong ni Aries.

Tiningnan ko lamang ito at bumalik na sa pag aayos ng schedule. Kinakailangan ay matapos ko na ito ngayong araw para malaman ko at maupdatan ko din siya bilang boss ko.

"Sir Frost wants you to get inside." parang nagslow motion ang mga salitang sinabi niya sa akin. Ito na ba ang araw ng paghuhusga?

Lumunok ako at tumingin kay Aries. "K-kung sakaling may mangyari man sa akin, Aries, sabihin mo nalang sa mga magulang ko na mahal na mahal ko sila ah. Ipagdasal mo nalang ako ah."

Natawa naman siya sa sinabi ko. "Seriously? Do you really think Sir Frost will kill you?"

"Ba-bakit? Tingin palang niya kanina parang pinapatay niya na ako ah!" sagot ko sa kanya.

He just chuckled because of my answer and patted me on my head. "He may be strict but one thing is for sure. He will not kill you."

Napahinga nalang ako ng malalim at kumatok na sa pinto. Matapos ay pumasok na ako at isinara ito. Naabutan ko siya na may mga pinipirmahang mga dokumento kaya nanatili na lamang ako sa lugar ko.

"What are you doing there?" tanong nito sa akin.

Nakatayo kasi ako malapit sa pinto. Mahirap na, baka mamaya may binabalak na pala siyang masama sa akin. At least kapag nandito ako, madali lamang ako makakatakbo.

"S-sir, d-do you need anything?" pagbabale-wala ko sa tanong niya. Mas okay na hindi niya alam yung escape plan ko.

"Tch." sabi nito habang nakatingin sa akin. Bahagya niya hinilot ang kanyang sentido. "Don't you know what time it is?"

"Eh?" naguguluhan kong tanong. Tining ko ang akin orasan. Tatlong minuto nalang pala bago magalas-dose.

"Never mind. Just sit there." turo niya sa may sofa sa kanan. May parang tinawagan siya at pagkalingo niya sa akin ay nandoon pa rin ako sa may pintuan. "Didn't I told you to sit?" puno ng awtoridad niyang tanong.

Dali dali akong umupo. Mahirap na, baka mamaya bigla niya nalang akong patayin dahil sa inis.

Maya-maya lang ay pumasok na si Aries na may kasunod na mga waiter. Mistulang nasa resturant kami habang sineserve ang pagkain.

Isang baby back ribs, cup of rice and a cup of mashed potatoes ang nakalatag ngayon sa harapan ko.

Matapos nila itong iserve ay umalis na din sila. Nginitian lamang ako ni Aries at lumabas na rin.

Napatingin muli ako pagkaing nakahanda. May plano ba talaga siyang patayin ako? I mean, oo nga't masarap ang pagkain na hinanda. Pero one cup of rice? Ano 'to? Appetizer?

Lumapit na si Sir Frost sa kinaroroonan ko at nagsimula ng kumain. Napansin niya na hindi ko man lang nagagalaw ang pagkain ko kaya napatigil ito.

"Eat." utos nito sa akin.

Napatingin ulit ako sa pagkain at sinimulan itong kainin. Mamaya, sisiguraduhin ko na pupunta ako ng cafeteria para makakain ng tama.

Hindi pa man nangangalahati ang kanyang pagkain ay tumigil na ito at lumabas. Tumingin ako sa natira niyang pagkain at bahagyang napalunok. Tila inaakit ako nito na kainin at ubusin ito.

Pumasok na muli ito at pumunta na ulit sa desk niya.

"Aren't you going to finish your food?" tanong ko sa kanya.

"I'm full." maikling sagot nito at tila may ginawa na sa computer niya.

"A-arasso." sabi ko sa kanya at kinuha na ang natira niyang pagkain at inilagay sa plate ko. Patay gutom na kung patay gutom. Pero lang'ya makakapatay ako kapag ako nagutom kaya mas mabuti na 'to.

Napansin ko na bahagya siyang nagpipigil ng pagngiti ngunit hindi ko na ito pinansin at tuloy tuloy nalang kumain. Baka nababaliw lang kaya siya ganyan.

Matapos kumain ay inayos ko na ang aming pinagkainan at iniligpit. Mabuti nalang at iniwan nong mga waiter yung service tray at alam ko kung saan ito ilalagay.

Nagpaalam na rin ako sa kanya at sinabing gagawin ko lang yung naputol kong trabaho. Hindi naman ako nito pinansin kaya inapply ko nalang yung sinasabi nilang silence means yes.

"Are you done eating?" bungad na tanong ni Aries pagkapunta ko sa desk niya. Tumango naman ako at nagsimula ng mag ayos ng schedule niya.

Good thing, nandito si Aries para tulungan ako. Itinuro niya din sa aking ang mga dapat kong malaman at nagbigay ng mga contacts ng importanteng kliyente.

Isang construction company kasi ang pinamumunuan ng boss namin.

Dahil sa sobrang dami naming ginagawa, hindi na namin namalayan na mag-aalas'nuwebe na pala. Nauna ng nagpaalam si Aries dahil out niya na habang ako naman ay hinihintay na lumabas ang dragon mula sa kanyang lungga.

Napansin kong bukas pa ang desktop ni Aries kaya napagpasyahan ko muna itong gamitin. Mabuti nalang at may internet ito kaya nagsearch na ako ng pwedeng panoorin.

"Kyaaahh!! Bakit kasi ang gwapo niyong lahat. Hindi tuloy ako makapili." gigil na reaksyon ko habang nanonood ng Scarlet Heart Ryo.

"Don't you know that using the internet on useless thing is not allowed in this company." napapitlag ako ng marinig ang malamig na boses galing sa malamig ko ring boss. "Why are you still here?"

"Uhh.. Sir as you know, I am your personal assistant. At bilang P.A. niyo, makakasama niyo po ako mapabahay man o opisina, twenty-four six, since may day off ako every Sunday." he looked at me in disbelief pero wala na rin siyang nagawa.

Umalis na siya agad at hindi na ako hinintay kaya agad kong shinut down yung desktop at kinuha ang mga gamit ko.

Pagkarating ko sa parking ay wala na akong nakitang sasakyan. Mukhang iniwan na ako ng magaling kong boss. Matapos ko siyang hintayin.

Naglakad ako pabalik ng lobby at napagpasyahan na sa harapan nalang ng kumpanya maghintay ng taxi.

"What took you so long?"

Biglang nagliwanag ang mata ko ng makita siyang naghihintay sakay ng kanyang

Mukhang hindi naman pala tuso ang boss ko.

A Winter's FallWhere stories live. Discover now