Chapter 11: His other side

197 21 0
                                    

Napagdesisyunan namin na kumain muna. Noong una ay gusto na niyang umuwi ngunit dahil sa acting skills ko ay napilit ko pa siya na maglibot muna dito.

"Jollibee nalang tayo." pagpupumilit ko sa kanya.

"No." maotoridan nitong sabi.

Dahil sa inis ko ay hindi ko na napigilan ang sarili ko. "Edi kumain ka sa restaurant mo! Basta ako sa Jollibee."

Hindi naman kasi nakakabusog yung mga steak steak na inoorder niya tapos ang mamahal pa. At least sa Jollibee yung perang gagastusin niya para sa steak eh sandamakmak na ang maoorder ko dun.

Pumila na agad ako at nag-isip ng kakainin. Napansin ko naman na may tumabi sa akin sa pili. Lihim naman akong napangiti dahil hindi na din niya natiis at sumunod sa akin.

"Anong gusto mo?" tanong ko rito.

"Two pieces of burger steak will do." sagot lamang nito.

Tumango na lamang ako. Nang sumunod na kami ay ako na ang umorder. Napansin ko naman ang malakgit na tingin ng cashier kay Sir Frost na ikinairap ko nalang.

"Ano miss? Papakinggan mo ba ang order ko o titingnan mo nalang ang kasama ko maghapon? Marami pang nakapila oh." sarkastiko kong sabi rito. Sinadya kong lakasan ang boses ko para marinig ng iba. Tila napahiya naman siya sa sinabi ko at inalis na ang pagkakatitig sa boss ko.

"Mean." bulong nito sa akin.

Hindi ko alam sa lalaking ito pero simula kaninang nadulas ako ay para bang may sumapi sa kanya na kung ano mang espiritu. Nawala ang pagiging seryoso at tahimik nito.

Ni hindi ko nga alam kung dapat akong matuwa na ganyan siya at nangyari ang plano ko o mainis dahil kanina pa niya ako pinagtritripan.

"Sigurado ka bang mauubos mo yan?" tanong sa akin nito nang mailapag na ng crew lahat ng order ko. Siya ang pinagbayad ko dahil wala naman akong dalang pera talaga. Sa totoo lang ay aalis din naman ako sa pila at susundan siya kung hindi lamang siya sumunod sa akin.

"Nako boss! Mag iisang linggo na ako sa inyo tapos wala ka pa ring tiwala sa bituka ko." sabi ko nalang dito.

Mataimtim muna akong nagdasal at sinimulan na ang kumain. Kagaya ng nakagawian ko ay pinagsama ko sa iisang plato ang kanin at pinagsama ang burger steak at chicken sa kabilang plato.

Sa kabuuan ay naubos ko ang lahat ng aking inorder. Napailing na lamang sa akin si Sir Frost.

"Ano na ang gagawin natin ngayon?" tanong nito sa akin.

Nag isip muna ako kung ano pa ba ang gusto kong gawin pa. "Sa seaside nalang tayo. May mini amusement park doon diba?"

Mukhang good mood talaga si boss. Dapat lubus lubusin ko na.

Nagpunta na kami sa seaside. Balak ko na sanang sumakay doon sa anchor's away kaso pinagbawalan niya muna ako. Baka daw kasi mamaya eh masuka lang ako dahil kakakain ko lang.

Wala na rin naman akong nagawa kung hindi ang sumunod.

Naglaro muna kami doon sa may tabi ng may prices. Hindi ko alam kung bakit kahit anong try ko doon sa bote na shoshootan ng parang ring eh hindi pa rin ako makashoot. Mag gigive up na sana ako nang lumapit si Sir Frost sa akin at siyang naglaro. Nakakuha naman ito ng tiger at ibinigay sa akin.

Matapos nito ay tuwang tuwa ko siyang sinundan. Naupo muna kami sa tabi habang pinapanood ang araw.

"Alam mo. Hindi ko talaga alam kung may balat ka lang talaga sa puwet or sadyang tulog ka nung nagbuhos ang Diyos ng talento. You don't know how to cook, you don't know how to skate and now, you don't know how to shoot that thing into the bottle."

Kahit talaga good mood siya, hindi pa rin nawawala ang panlalait niya eh. Marunong naman akong magpainting wala lang nakakaalam maliban kay ate.

"At hindi ko rin alam kung hinasa ba yang dila mo at napakatalas." sabi ko nalang sa kanya.

Natawa naman ito sa naging reaksyon ko. Hindi ko alam pero napangiti na lamang ako habang pinapanood siyang tumawa kasabay ng paglubog ng araw.

This is the first time that I saw him laugh like this. Ate nagtatagumpay na ba ako? Natutupad ko na ba ang pangako ko? I really don't know pero I promise I will do my best to make this guy in front of me be happy.

A Winter's FallWhere stories live. Discover now