Chapter 12: Day off

212 20 0
                                    

Hating gabi na rin nang makauwi kami. Sa sobrang pagod ay mas pinili ko nalang dumiretso sa kwarto. Ni hindi na nga ako nakapagshower o nakapagpalit man lang ng damit.

Kinabukasan ay day off ko na. Balak ko pa sanang magpaalam kay Sir Frost pero nang makita ko na tulog pa ito ay hindi ko na inabala. Naghanda na lang muna ako ng agahan niya at nag iwan ng note para kung sakali man na hanapin niya ako.

Dumiretso agad ako sa condo. Naisip ko na ang bilis pala ng araw. Parang kahapon lang kadadating ko lang sa Pilipinas tapos ngayon nakaisang linggo na akong kasama si Sir Frost.

Naisip ko naman ang nangyari kahapon. Yung unang boses na makita ko siya na ngumiti. Hindi ko alam pero may part sa akin na gusto ko na ang ginagawa ko. Hindi na lamang dahil sa wish ito ni ate kung hindi gusto ko talaga siyang makitang masaya. He suffered too much and I think he deserves now to be happy. I just don't know if I can give him that happiness.

Sooner or later malalaman niya din ang lahat. Na ako ang nakababatang kapatid ng mahal niya. Na all this time, tinago ko sa kanya ang balita patungkol sa pagkamatay ni ate. Hindi ko alam kung sa oras na dumating ang araw na malaman niya ang lahat ay mapapatawad niya ako. Pero sana.. Sana lang wag muna dumating ang araw na yun.

Dahil sa wala akong magawa sa condo ay nagbukas na lang ako ng social media. It's been two weeks na hindi ko nabubuksan ito. Habang nags'scroll ako ay biglang nagpop up ang message galing kay Ryan.

'Bakla face time naman tayo. Miss na namin yang pagmumukha mo.'

Natawa naman ako sa sinabi nito at nagreply. 'Game.'

Nag appear naman agad sa phone ko ang pangalan nito. Agad ko itong inaccept at bumungad ang mukha niya. Base sa nakikita ko ay nasa kwarto siya ngayon. Mukhang kauuwi lang din dahil nakapanglakad pa ito.

"Bakla!" bungad nito nang mapansin ako.

"Problema mo?" natatawa kong sagot dito. "Nasaan si Elle?"

"Ikaw ah, nakakahurt ka ng feelings. Natiis mong hindi kami tawagan." pag-arte nito. "Anyway, alam ko namang walang talab ang drama ko sayo. Musta naman ang lifesung mo?"

"Okay lang naman. Masaya." sabi ko nalang rito.

Tumango tango lang naman siya. Maya maya ay may tumabi na sa kanyang may dala dalang bowl ng chichiria.

"Nakahanap ka na ba ng bagong trabaho?" tanong ni Elle habang ngumangata ng chichiria.

Umiling naman ako bilang sagot. "Nagtry na akong mag apply pero wala pa ring tumatawag sa akin ni isa."

You heard me right. Wala pa talaga akong trabaho. Two weeks ago, the day after I arrive here in the Philippines ay pumunta ako sa bahay nila Frost. I talked to his mother about and my plan and explain to her the situatuion. Noong una ay nag aalangan pa ito ngunit sa huli ay napapayag ko rin siya.

Kaya talaga asar ako sa lalaking yun sa oras na nilalait niya ako dahil hindi bayad ang lahat ng yun. Bale ang pinakasalary ko lang talaga ay ang pagtira doon at pagkain. Bonus nalang yung mga galang libre niya katulad kahapon.

Triny ko din bago pumasok sa kanya na mag apply ng trabaho. Kahit barista lang o hindi naman kaya ay illustrator ngunit wala pa ring tumatawag sa akin hanggang ngayon. Mabuti nalag talaga at may ipon ako kaya kahit papaano ay nakakaya kong bayaran ang expenses ko dito.

"Kung sana ay tinanggap mo nalang ang offer ni Kiel eh."

"Ayoko maging unfair sa kanya. Hindi ako magiging hands on sa book niya ngayon unlike before." sagot ko nalang sa kanila.

"Alam mo bakla kung hindi lang kita kilala. Ang iisipin ko ngayon eh kumekerengkeng ka lang diyan sa Pinas." sabi ni Ryan. Nakatikim naman siya ng batok kay Elle.

"Baliw ka ba? Si Sunny? Maglalandi? Ano to? End of the world?" sabi naman sa kanya ni Elle.

Nako kung alam niyo lang talaga guys. Baka nga masabi niyong end of the world na. Dahil nakatira ako sa bahay ng isang lalaki.

"Malay mo lang naman." sagot nito kay Elle.

"Alam niyo hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o maasar sa mga sinasabi niyo eh." sabi ko dito na ikinatawa nilang dalawa.

"Ay bakla may chika kami sayo." pag iiba ni Ryan ng usapan. "Si Fafa Kiel pumayag na."

Napakunot naman ako ng noo. "Pumayag saan?"

"Pumayag na umattend ng book signing kaso with mascara para pamysterious effect. Once daw nalabas na yung book niya ay mag iikot muna dito tapo balak atang sundan ka sa Pilipinas."

"Sigurado ba kayo diyan?"

Nakakapagtaka lang. Dati naman nung pinipilit ko siya ay ayaw niya tapos ngayon pumayag na siya. At may balak pa talaga magpabook signing dito. Paniguradong maraming magwawalang fans nun.

Kahit naman may pagkaweirdo ang lalaking yun eh hindi pa rin maipagkakaila ang kagwapuhang taglay nito.

"Tuwang tuwa nga si boss ng malaman yun eh. Syempre dagdag kita din yun." sagot ni Elle.

"Teka, ikaw ba nagpainting nun?" tanong ni Ryan habang inaaninag yung nasa likod ko.

Napatingin naman ako sa likuran ko at nakita yung painting ko nung nakita ko si Frost na malungkot. Binitawan ko muna yung phone ko at iniligpit iyon.

"Wow. Ang galing mo pala magpaint eh." puri ni Ryan na ikinatango ni Elle.

"Kung sabagay hindi na rin yun nakapagtataka."

"N-nako. Bi-binili ko lang yun. Nagandahan kasi ako." palusot ko sa kanila.

Tumango nalang si Elle habang si Ryan naman ay nagkibit balikat.

"Sige ah. Baka pagod na rin kayo. May gagawin din kasi ako eh." pagpapaalam ko sa kanila.

Napabuntong hininga na lamang ako matapos ng tawag. Napagisipan ko munang mamasyal sana para kahit papaano ay makapagrelax.

Habang nasa mall ako ay nakita bigla si Sir Frost. Balak ko sana siyang batiin pero nilagpasan lamang ako nito. Galit ba siya sa akin? Bakit parang di man lang niya ako nakita. Nagpaalam naman ako dun sa note ah.

A Winter's FallWhere stories live. Discover now