Chapter 10: Special Meeting with..

192 18 4
                                    

Sa totoo lang ay hindi ko talaga alam kung ano ba talaga ang trabaho ko bilang personal assistant. Ngayon ay wala man lang akong ginagawa dahil nasa loob lang naman ng office ang boss ko.

Napatingin ako kay Aries na busy sa pag-aayos ng mga files.

"Aries."tawag ko rito.

"Ano yun?" sagot nito ng hindi man lang tumitingin sa akin.

"Ano ba talaga ang trabaho ng P.A.?" tanong ko dito. Bahagya naman itong napatigil sa kanyang ginagawa at tumingin sa akin.

"Hindi ko rin alam eh. Baka pinagsamang yaya at secretary." sagot nito sa akin na ikinabuntong hininga ko na lamang.

Tiningnan ko ang oras at ten'o clock pa lamang. Mahaba haba pa ang bubunuin ko ngayong araw. Bigla akong napahikab. Inaantok na talaga ako.

"Mukhang kulang ka sa tulog ah." sabi nito. Tumango tango na lamang ako. "Ito oh." alok sa akin nito ng coffee.

Nagpasalamat naman ako sa kanya at ininom ito. Bigla ko namang naalala si Kiel. Kumusta na kaya ang lalaking yun? Hindi pa kami nakakapagusap simula ng dumating ako dito sa Pilipinas.

Napagpasyahan ko na lamang tulungan siya sa kanyang trababo. Katulad ng sinabi niya ay parang secretary rin ako. Bonus lang na nandiyan siya at wala ako masyadong ginagawa.

Lumipas ang oras at natapos namin lahat ng dokumento na inaayos niya. Napatingin ako sa orasan, lunch time na pala.

"Tara, kain tayo sa cafeteria." sabi ko rito.

Tumango naman siya bilang sagot kaya pumunta na agad kami. Marami-rami na rin ang emplyadong nandoon. This is my first time seeing the cafeteria. In fairness, maganda naman ito at malinis.

Napatingin ako sa mga pagkaing nasa aking harapan at napalunok. Mukhang masasarap ito. Namiss ko na rin kumain ng lutong bahay.

"Ate pwede po ba tag-iisang order ng Chicken Adobo, Menudo at Kare-Kare tapos apat na order ng kanin. Dine in." sabi ko rito.

"Naks. Mukhang ililibre mo kami ni boss ah." sabi ng kasama ko ngayon habang nakatingin sa mga inorder ko.

"Anong libre? Hoy wala ng libre ngayon! Akin 'to. Umorder ka ng sayo." sagot ko dito at kinuha ang tray.

Napakamot naman siya ng batok sa sinabi ko. Umorder na rin ito ng sakanya kaya humanap na kami ng bakanteng table. Habang tumatagal ay parami na ng parami ang pumapasok na empleyado. Mabuti nalang at maaga-aga kami.

"Sigurado ka bang kaya mong ubusin yan? Halo halo pa inorder mo. Baka mamaya ay manakit tiyan mo niyan." patuloy na pamumuna nito sa order ko.

"Alam mo, ikaw mind your own food. Tsaka sanay na ako sa mga ganito no." sabi ko rito at sinimulan ng kumain.

"Paano si boss?" tanong nito sa akin.

"Hayaan mo na yun. Malaki na yun." sagot ko rito.

"Ahhh.. Pabayaan na pala ah." muntik ko ng maibuga yung kinakain ko dahil sa boses na narinig ko sa likod.

Unti-unti akong pumihit at nakita ang matipunong katawan ng boss ko. Inangat ko ang aking tingin at nakita itong nakakunot ang noo habang may hawak hawak na tray.

Umupo ito sa tabi ko dahil nasa harapan ko na si Aries. Pansin ko naman ang pagtahimik ng cafeteria. Lahat ng mga mata ay nakatingin sa amin. Tila nakakita sila ng multo. Gayun pa man, nagsimula ng kumain ang lalaking nasa tabi ko na walang pake sa tingin na ipinupukol sa kanya ng lahat. Maging si Aries ay napansin kong napatigil.

Ikinibit balikat ko na lamang ito at kumain na ulit.

"Miss Xien may I remind you that your job is to make sure I always eat on time."

Napanguso na lamang ako sa sinabi nito. Mukhang hindi nagustuhan nito ang sinabi ko kanina.

Tinapos ko na lamang ang pagkain at dahan dahang umalis sa pwesto ko. Feeling ko kasi hindi ako matutunawan sa kinalalagyan ko eh. Ngunit tumayo rin si Sir Frost at para akong batang pinaupo.

"Sit. I'm not yet finish with my food." napabunga na lamang ako ng hangin sa sinabi nito.

Dahil sa ginawa niya ay nakaagaw ulit kami ng pansin. Napatingin naman ako kay Aries na lihim na nakangiti. Palihim din itong sumenyas sa akin ng parang sinasabing 'lagot ka.'

"Sir mauna na po ako sa taas." paalam nito. Tinanguan naman siya ng magaling kong boss.

Pinanlakihan ko siya ng mata pero ang loko kinindatan lang ako.

Matapos niyang kumain ay umalis na kami ng cafeteria. Balak ko sana tumambay na lang ulit sa desk ni Aries pero pinapasok ako ni boss.

Pagpasok namin sa office ay bumalik lamang siya sa table niya habang ako ay pinili na lamang umupo sa sofa.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako doon. Ginising lang ako ni Aries at sinabing pinapagising lang daw ako ni Sir Frost at pinapasunod na dahil may meeting pa daw kaming pupuntahan.

"May tumawag bang client sayo? Sa pagkakaalam ko kasi ay wala ng appointment si Sir Frost para sa araw na ito eh." tanong nito.

Napaiwas na lamang ako ng tingin. "Uhh.. Ano kasi.. Biglaang tawag lang yung client. Sige, mauna na ako."

Nakita ko naman ang kotse ng magaling kong boss sa harapan. Agad na akong pumasok at pinaandar na niya ito.

Tahimik lang kami sa byahe kaya binuksan ko nalang ang radio niya. Good thing, hindi siya nagreklamo.

I can't beat my sad heart
Again I am enduring the dark and sleepless nights
Without regards of my despair
The morning indifferently wakes me.

Napatingin naman ako sa kasama ko. Tahimik lang ito na nagdridrive. Naalala ko tuloy nung makita ko siya na kinakausap yung drawing na gawa ni ate.

The wound burns more than expected
The hurt goes deeper than expected
The countless night resenting you are like hell to me.

Ate can I really help this guy? Can I really help this guy to move on? Can I really bring back his smile? For more that six years nakayanan niyang hintayin ka. Ikaw pa rin ang mahal niya kahit hindi ka niya nakikita.

Pagkarating namin sa MOA ay pumunta na kami sa isang restaurant kung saan namin imemeet yung client niya.

Mahigit isang oras na kaming naghihintay ngunit wala pa rin dumarating. Nagsisimula na ring mainip itong kasama ko. " Darating pa ba yung kliyente?"

Lihim naman akong napangiti. So nuubusan din naman pala siya ng pasensya sa paghihintay ng mga kliyente niya.

"Alam mo sir kanina pa nandito yung client mo." sabi ko dito. "Dahil ako ang nagpareserve ng oras na to."

He looked at me with a confuse expression. Hindi ko na hinintay na magsalita pa siya at agad na hinila ito sa may ice rink.

Pangarap ko kasi na makapag-ice skating. Nagulat ako nang bigla akong akayin nito sa gitna. Patay na! Hindi pa naman ako marunong sa ganito.

"Come on, Sunny. Show me what you got." sabi nito sabay bitaw sa akin.

Tinangka kong humakbang ngunit nadulas lamang ako at napaupo. Nakita ko naman siya umiwas ng tingin at nagpipigil ng tawa.

"Humanda ka talaga sa akin kapag nakatayo ako dito!" sabi ko sa kanya.

"We'll see." sabi lamang nito.

Dahan dahan naman akong tumayo. Medyo nawawalan pa ako ng balanse pero hindi na ako nadulas katulad ng kanina. Sunod ko namang ginawa ang paghakbang patungo sa kanya pero ang loko tuwang tuwa ata na pagtripan ako. Porket marunong siya magskating.

Akalain mo ba naman na pinaiikutan lamang ako nito. Tatangkain ko na sana na hablutin ang kanyang damit nang mawalan muli ako ng balanse. Napapikit na lamang ako dahil sa nangyari. Ngunit hindi katulad kanina ay may sumalo na sa akin. Pagtingin ko ay bumungad ang mukha ng aking gwapong boss na mabilis ang paghinga.

Agad naman niya akong tinayo at inakay palabas ng ice rink.

"Next time, be careful." sabi nito sa akin.

"T-thank you."

A Winter's FallWhere stories live. Discover now