CHAPTER 1

1.8K 23 1
                                    

 PABAGSAK na nahiga si Venice dahil sa sobrang pagod. Malapit na kasi ang exams nila kaya naman todo bigay ng mga requirements at projects ang mga teachers sa University na pinapasukan niya. Kaya ngayon  eto siya at todo kayod para lang makapasa ng mga requirements na kailangan niya.

Natatamad na bumagon muli si Venice mula sa pagkakahiga at kinuha ang kanyang laptop para nga tapusin ang thesis na isa din sa tinatapos niya ngayon. Matatawag na siguro niya itong kalbaryo ang linggong ito dahil  wala siyang pahi-pahinga simula ng ibigay sa kanila ang mga gawain na ito.

"Kaya mo to Venice. Malapit na lang talaga matatapos mo na ito. Kaya tiis tiis lang" pagche-cheer niya sa sarili. Malapit niya na din naman matapos ito at makakapag pahinga na din siya sa wakas.

"YES!" napatili na lamang siya nang sa wakas ay natapos niya na din ang thesis. Mga tatlong araw niya na rin itong ginagawa. Hindi naman sa nahihirapan siyang gawin ito pero syempre kailangan niya ding umpisahan ang iba pang mga requirements kasi hindi lang naman sa thesis niya naka focus ang mga grades niya.

Iniligpit niya na ang kanyang laptop at inayos ang mga gamit niya sa kanyang bag. Muli siyang humiga at iniisip kung ano nga ba ang magandang gawin ngayon dahil wala naman siyang gagawin bukod sa magpahinga.

"Kanina lang gustong gusto ko makapag pahinga tapos ngayon naman gusto ko naman na may gagawin. Seriously Venice, ano bang nangyayari sayo?" pagkausap niya sa kanyang sarili.

Napabuga na lamang siya nang hangin at tumingin sa gilid ng kanyang kama. Bumangon muli siya para kunin ang picture frame kung saan kasama niya dito ang kanyang mga magulang pati na din ang nag-iisang ate niya.

Para namang nakaramdam siya ng lungkot ng maalala niya ang mga panahon na kasama niya ang ate niya.

Dati kasi noong mga bata pa sila, palagi silang magkasama nang kanyang ate. Siya ay limang taong gulang pa lamang at ang ate niya naman ay siyam na taong gulang na. Palagi silang naglalaro ng bahay-bahayan, tagu-taguan, luto-lutuan at kung ano ano pa. Magkasama din silang nanonood ng mga cartoons na ipinalalabas sa TV.

Magkasama rin sila kung matulog. Sa totoo nga eh magkaiba sila ng kwarto ngunit dahil na din sa closeness nilang dalawa ng kanyang ate ay naisipan nila na dapat magkatabi nalang silang matulog. Laking tuwa pa nga nila noon ng pumayag ang kanilang mga magulang.

Masaya naman at tahimik ang takbo ng buhay ni Venice noong bata pa siya hanggang sa dumating ang araw na kailangan nilang lumipat sa ibang lugar. Noong siya ay tumuntong na ng siyam na taong gulang  iyon na yata ang pinaka malungkot na nangyari sa buong buhay niya.

Kinailangan kasing umalis ng pamilya niya. Akala niya nung una ay isasama siya nito ngunit laking gulat niya na lamang nang sabihin sa kanya nang kanyang mga magulang na hindi siya maaaring sumama sa kanila sa di maipaliwanag na dahilan. Wala lang naman kasi itong sinabing rason kung bakit siya iniwan ng mga ito sa mansyon. Basta ang alam niya lang ay kailangan niyang manatili dito hanggang hindi pa sinasabi ng kanyang mga magulang na maaari na siyang pumunta doon.

Labis ang lungkot na nadarama ni Venice noong araw na iniwan siya nang kanyang mga magulang. Iyak siya ng iyak noon sapagkat hindi niya na makakasama pa ang kanyang ate Andrea dahil kasama din kasi ito sa kanyang mga magulang na aalis. Bago pa man umalis ang kanyang ate ay may sinabi pa ito sa kanya.

"Venice mamimiss kita tandaan mo na mahal na mahal ka ni ate huh? Wag kang magagalit kung maiiwan ka dito kasi kahit naman na sa ibang lugar kami ay hindi ka pa naman din namin pababayaan. Lagi kitang babantayan kahit na magkalayo tayo." Yun ang huling sinabi ng kanyang ate sa kanya bago siya nito niyakap at umalis.

Samantala ang kanyang mga magulang naman ay malungkot at umiiyak na niyakap siya at umalis na din. Wala man lamang itong sinabi sa kanya bukod sa hindi siya maaring makasama sa pupuntahan nang mga ito hanggat hindi pa nila sinasabi.

A Vampire's Love Where stories live. Discover now