Chapter 1

214 8 0
                                    

Selena's Point of View

"Ugh..." Ang sakit ng ulo ko.

Sinubukan kong imulat ang mata ko pero kahit nakabukas na sila, medyo malabo parin ang paningin ko.

Maya-maya, bumalik na ako sa huwisyo ko. I just realized na my hands are cuffed and yung paa ko rin. Hubo't hubad ako at tanging underwear ko lang ang suot ko.

Sinubukan kong gumalaw pero saka ko naramdaman na masakit ang paa ko.

Pinilay niya pala ako habang wala akong malay.

Umikot ako... Pero nagsisi ako sa ginawa ko.

Sa likod ko pala ay nandoon yung lalaki. Nakamulat ang mata, duguan, naka bukas pa ang bibig.

Napasinghap ako sa takot.

Patay na ba siya?!

"Oh... Gising ka na pala." Tumingin ako sa pinanggalingan ng boses.

Nakita ko si Ashley na nakangisi ng nakakatakot. Nakaupo siya sa may hagdan.

"Hmm. Yang lalaking yan yung anak nung nagmamayari sa pharmacy sa may unahan. Nadadaanan mo ba yun?"

Hindi ako makapagsalita kasi may nakalagay na kung ano sa bibig ko.

Bumaba na siya at in-on ang flashlight niya. Sinipa sipa niya yung katawa ng lalaki pagkatapos ay sinampal sampal pa ito.

"Nakakatawa. Sigaw siya ng sigaw sayo ng "Tulong!" akala mo naman maririnig mo. Wala ka kayang malay nun." Pagkatapos ay tumawa siya ng mahina. Nakakatakot. Hindi ganun yung tawa niya na naririnig ko sa eskwelahan.

"Masyado siyang maingay. Kaya ayan... Pinatahimik ko nalang siya habangbuhay," then she grinned, "If you didn't go to my house... This wouldn't have happened. He wouldn't have died. It means, ikaw yung dahilan kung bakit namatay siya. Ikaw ang dahilan kung bakit hindi na siya humihinga. Naiintindihan mo ba ako?"

Lumapit naman siya saakin. Hinaplos haplos ang pisngi ko.

"Hmm. Gutom ka na siguro. Ilang oras ka na ding walang malay eh. Madilim na sa labas, maliwanag pa kanina nung nawalan ka ng malay," tumayo siya, "Maghintay ka dyan. Babalik ako. Bibili lang ako ng pagkain." Pagkatapos ay naglakad na siya paakyat at isinarado ang pinto.

Ang dilim... Wala akong makita.

Kahit na hindi ako pumikit, pakiramdam ko nakapikit parin ako.

Tulong... Tulungan niyo ako. Palabasin niyo ako dito. Natatakot ako.

Ang laman lang ng isip ko ngayon ay ang itsura ng patay na lalaki na kasalukuyang katabi ko ngayon.

Nakakatakot siya... Natatakot ako sakanya.

Makalipas ang ilang minuto, nakarinig ako ng footsteps mula sa taas. Nakarating na siguro siya.

Mas lumalakas pa lalo ang tunog nito, hanggang sa nabuksan niya na nga ang pinto at bumaba na siya papunta dito.

"I bought a soup for you. Malamig ang sahig." Pagkatapos ay tinanggal niya ang parang plastic na nakatakip sa may styro.

Tinanggal niya yung nakatakip sa bibig ko.

"Open your mouth." Pero hindi ko binuksan. Masyado akong naging busy sa pag titig sakanya at pagisip kung ano ba ang nangyayare.

"ARE YOU DEAF?! I SAID OPEN YOUR FUCKING MOUTH! Ikaw na nga tong pinapakain tapos ang bingi bingi mo pa! Alangan naman ako pa magbubukas sa bibig mo ha?!" Nabalik ako sa huwisyo ko nung sumigaw na siya.

Crazy in Love (GirlXGirl)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora