Chapter 7

237 10 3
                                    

Selena's Point of View

Nilaro-laro ko ang panda na binigay ni Ashley saakin. Kasalukuyan akong nasa kwarto niya para panoorin ang ginagawa niya.

"Ano yan Ashley?" Tanong ko sakanya.

"Ahh. It's a job. I'm working online because physical works are tiring. I'd rather proofread and edit stuffs rather than doing costumer service in fastfood chains."

Pagkatapos ng maiksi naming paguusap ay katahimikan naman. Ang tanging ingay lamang na maririnig ay ang pag tipa niya sa keyboard sa kanyang computer.

Maya-maya ay naginat siya. May pinindot pa siyang huling key at pagkatapos ay ngumiti.

"I'm finally done," sabi niya.

Nakita ko na sinubmit niya na ang trabaho niya at nagreply ang kaniyang employer.

Maya-maya, tumunog ang kaniyang cellphone.

"Ah, yes? Oh hey, Josh. Sorry, I didn't bother to look at the caller id. Hmm? Nah. I think I'll be able to go today. Although I also need to go home agad. 5?" pagkatapos ay tumingin siya sa kanyang relo, "alright, sure. Basta 5 ako uuwi ha."

Tumayo siya mula sa upuan niya.

Nagulat ako dahil bigla siyang naghubad sa harap ko. Napalunok pa ako dahil nakasuot lang siya ng bra at underwear.

"What are you staring at, Selena?" Then she smirked, "Oh. I'm just changing clothes. Don't tell me you're getting turned on?"

Umiwas ako ng tingin. Naginit ang mukha ko dahil sakanya pero tumawa lang siya.

Nagsuot lang siya ng simpleng knitted na color white sweater at pants na fit sakanya. Sunod naman ay ang color white niya na converse.

"Anyway, I'll be home at 5o'clock Don't go anywhere, okay?" She walked towards me, then kissed my forehead. "Stay here sa house. Bye."

Sinundan ko siya palabas ng kwarto niya to see her off. Nang nasa pinto na siya, nag paalam uli siya saakin habang nakangiti, pagkatapos ay isinara ang pinto.

"I'll be home at 5o'clock."

Napatingin ako sa orasan na nakasabit sa pader. 3:12pm.

Alas-tres palang. I still have two hours.

Tinitigan ko ang pinto. Pagkatapos ay ang shoerack malapit rito.

Wala na siya. Sampung minuto na ang nakalipas. Sigurado akong nakaalis na siya.

Gustuhin ko man na umabante... Hindi ko magawa.

Selena... Papatayin ka niya. Papatayin ka niya pag sinubukan mong tumakas. Paglumagpas ka sa linya na ginawa niya, gigilitan ka niya ng leeg.

Nanginginig parin ako. Ang mga kamay ko ngayon ay namamawis, nanlalamig.

Selena mamayang alas singko pa ang uwi niya. Kailangan mong dalian.

Butil-butil ng pawis ko ang tumutulo mula sa aking noo. Ang kabog ng dibdib ko ay napakalakas, animo'y nagwawala na't gustong makawala.

"Kailangan ko lang lumabas diba? Pagkatapos ay sumigaw, humingi ng tulong. At pagkatapos noon ay ayos na. Ligtas na ako mula sakanya."

Sana ay sa kung anong ikinasimple ng sinabi ko ay ikinasimple rin ng gagawin ko.

Sa bawat pagiksi ko ng distansya mula sa linya na kanyang ginawa, ay siya namang paglakas lalo ng kaba ko.

Crazy in Love (GirlXGirl)On viuen les histories. Descobreix ara