Chapter 6

154 10 0
                                    

Author's note:
Hello guys. I know I don't have that much readers yet but to those people na nabasa na to before pa lumabas itong chapter na 'to, I want you to know na I changed the main character's background. Ashley is a Grade 12 student instead of Grade 11. Her age would be 18 instead of 17 (may scene kasi where I need her to be in legal age) there's an explanation to that, though. Due to her absences when she was 10 (her age when her parents died) nag-repeat siya. So yeah. Thank you for reading this note. :)

---

Selena's Point of View

Mas naging malapit kami ni Ashley matapos ang pangyayaring iyon.

Hindi niya na ako pinapatulog sa maalikabok at madilim niyang basement. Nagulat ako noong bigla niya akong tinanong kung saan ako pupunta noong isang gabi. Tumugon ako ng, "Sa basement, para matulog." Pero pinigilan niya ako at sinabing sa papag ako matulog.

Kumuha siya ng futon mula sa cabinet niya at inilapag sa sahig. Kumuha din siya ng isa pang unan pagkatapos ay inilagay doon.

"Starting tonight, you'll be sleeping here." Pagkatapos ay ngumiti siya at humiga sa kama niya. "Do you prefer the lights on? Or off?"

"N-nakapatay."

"Hmm. All right. Go down from your swivel chair already and rest. Have a nice sleep Selena. Good night."

Pagkababa ko sa swivel chair ay gumapang na ako papunta sa futon at humiga. Di hamak na mas komportable dito kumpara sa basement.

Nang makita niyang okay na ako sa higaan ko, pinatay niya na ang ilaw (meron siyang remote para di na niya kailanganin tumayo) pagkatapos ay nag-"goodnight" muli.

"G-goodnight din, A-Ashley..." Tugon ko naman sakanya.

Tumitig lang ako sa kawalan. Inisip ang buhay ko nitong nakaraang araw.

It has been 10 days? 11? I already lost count... since nawala ako saamin. Simula nung araw na sinubukan kong patayin si Ashley, nagkamabutihan kami lalo. Hindi ko parin maiwasan na matakot sakanya pero nabawasan naman na. Hindi na rin ako masyadong binabangungot na ang tanging laman na eksena ay ang pag gilit ni Ashley sa aking leeg.

Mas komportable nga dito pero sa kung anong dahilan ay parang hindi ako makatulog.

"Why aren't you sleeping yet?" Nagulat ako dahil biglang nagsalita si Ashley.

"P-paano mo nalaman? Akala ko tulog ka na..."

"You snore really loud when you sleep, Selena. I always check on you before. Pfft. That's cute."

Namula ako sa "cute" niya.

"S-sorry naman..."

"Anyway, naninibago kasi ako. Nandyan ka lang sa baba. I'm kind of feeling uneasy for some reason."

Pagkatapos ay walang nagsalita saamin. Hindi naman siya awkward silence o ano. Pinapakiramdaman lang namin ang isa't isa.

"Ashley..." I finally decided to speak.

"Hmm?"

"W-wala lang. Ano... Gusto ko lang sana sabihin na salamat sayo. Salamat sa ginawa mong pagligtas saakin noong grade 10 tayo. Alam kong hindi mo man lang ako naalala noong araw na iyon. Sigurado din ako na para sayo wala lang yung ginawa mo. Pero Ashley, para saakin napakalaking bagay na 'yon. Kaya salamat... M-mahal kita." Namula ako ng sobra sa huling salita na sinabi ko.

Kahit hindi ko nakikita, pakiramdam ko ay nakangiti siya.

"I see. I guess I should thank myself, too, for doing that. If not for me saving you... Hindi sana kita makikilala," she paused for a while, pagkatapos ay nagsalita ulit. "Thank you, too, Selena. For loving me. Anyway, I'm already feeling sleepy sa mga sinabi mo kanina. This is my last goodnight na, I swear. Goodnight Selena."

"Y-yeah, Ashley. G-goodnight."

Pinikit ko na ang mata ko. Makalipas ang ilang minuto, dinalaw din ako ng antok at sa wakas ay nakatulog na.

Kinabukasan

Gumising ako ng maaga para mag luto ng almusal.

Hotdog at itlog lang naman ang niluto ko. Wala din naman akong maisip na menu dahil hindi din ako kagalingan sa pagluluto. Tama lang.

Nakarinig ako ng paglagapak ng tsinelas sa sahig. Senyales na gising na si Ashley.

Narinig ko ang tunog na palapit saakin. Liningon ko siya pagkatapos ay nginitian.

"Gising ka na pala," I said to her.

"Yeah. What're you cooking?"

"Ah. Hotdog and egg lang naman. Teka luto na yung itlog." Nilagay ko na ito sa isang plato pagkatapos ay pinatong sa mesa.

Umupo siya sa usual na seat niya. Ipinatong niya ang kanyang siko sa lamesa at ang kanyang ulo naman ay ipinatong niya sa kanyang palad. Ramdam ko ang pares ng inaantok pa niyang mata na nakatitig saakin.

Nilagay ko na din sa harap niya ang kaniyang kutsara't tinidor at ang plato niya na nasandukan ko na din ng kanin.

"You really do look cute with that apron on."

Namula ako, natawa naman siya ng mahina.

Bigla niyang hinawakan ang pisngi ko at hinaplos iyon. Nagulat ako kaya napatingin ako sakanya. Nginitian niya ako pag katapos ay hinalikan. Saglit lang naman ang pagdampi ng labi namin pero naramdaman ko na ang kuryente na dumaloy sa buong katawan ko.

"Let's eat. Stop staring at me," then she smirked.

Dali-dali pa akong pumunta sa harap ng lamesa ko. Itinago ko ang namumula kong mukha sa pamamagitan ng pagyuko.

Nang umayos na ang pakiramdam ko. Naglabas ako ng hangin pagkatapos ay tiningnan siya at pinanood siya sa kanyang pag kain.

Napansin niya yata kaya tumingin din siya saakin.

"Hmm? Why are you staring at me like that? Do you need anything?"

Umiling ako. Pero ang totoo niyan, gusto ko sanang umupo sa hapagkainan at kumain na kasama siya sa iisang mesa.

"Are you sure?"

Hindi ako tumango o ano. Tinitigan ko lang ang pagkain sa harap ko.

Ang lamesa na nasa harapan ko ngayon ay halatang luma na. There are also dents all over it. Hinawak-hawakan ko pa yung mga marka na parang hinampas ng kung ano.

"Hey, Selena." Tumingin naman ako sakanya.

"Do you seriously don't need anything? Hindi mo pa ginagalaw pagkain mo."

Lumunok ako, pagkatapos ay nagsalita.

"Bakit madaming sira itong lamesa na 'to? Gusto ko sanang kumain sa iisang lamesa k-kasama mo..."

"Ohh... I see," pagkatapos at ibinaba niya ang kutsara't tinidor niya at itinuon ang buong atensyon saakin. "Do you hate that table?"

"H-hindi naman."

"That table is really... special to me," then she paused for a while. As if reminiscing an event from the past. "That's the table where my mom and I would eat pag nandito si papa. This seat is also exactly where he's always at pag kumakain. He loves looking down on the both of us."

"The dents, marks and shits on that table is also caused by my dad. Pag nauubos yung sigarilyo niya sa pakete niya, ibinabato niya saamin ang ashtray. Kung hindi saakin o kay mama, tumatama ang ashtray sa mesa."

Nginitian niya ako pagkatapos ay nagsalitang muli, "That table holds a lot of memories that's why I love it." Then she continued eating.

Bumalik ang tingin ko sa mga sira ng lamesa niya. Iyon pala ang rason kaya may mga sira ito.

"But hey, Selena. Next time we eat, you can sit anywhere you want. You can sit beside me, in front of me. It's all on yours."

Napangiti ako.

Crazy in Love (GirlXGirl)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ