Chapter 38

2.9K 52 18
                                    

“TOUCHDOWN MANILA”

Madam: Woooh! Hello Philippines! I missed you soooo much!

Tin: Madam, maghulos dili ka. Daming nakatinging tao oh.

Madam: Pake ko ba sa kanila Tinny? Eh sa namiss ko ang beloved country natin eh. Wait. Where’s Mika?

Tin: Sabi niya comfort room.

Madam: Oh. Let’s just wait for her here.

(MIKA’S POV)

Mika: (Mika… This is it. Ano ba… relax ka lang. Malaki ang Pilipinas, di kayo magkikita!Yan, yan ang itatak mo sa isipan mo)

            Ito ang mga salitang tumatakbo sa isip ko ngayon. Paulit ulit. Parang feeling ko aatras ako. “NO! Andito na tayo, push na natin to.” Sagot ng isang isip ko. Ewan ko naguguluhan na talaga ako.

“tok! Tok! Tok!”

            Natauhan naman ako sa kumatok. Saka ko lang naisip nasa cubicle pala ako ngayon at KANINA pa ako nandito.

“Ring… Ring… Ring…”

 Madam calling…

            Jusko! Malamang nainip na sila sa kakahintay sa akin. Kailangan ko ng lumabas dito. Pagka labas ko ng cubicle, nagulat ako dahil ang haba ng linya at lahat sila nakatingin sa akin. Napayuko naman ako.

            Dali dali na akong lumabas ng cr at nakita sila Madam at Tin na nakaupo sa bench.

Madam: Hay salamat at bumalik ka! Akala ko kinain ka na ng inidoro eh.

Mika: I’m sorry Madam, ang dami lang kasing tao sa loob.

Tin: Oh sha tama na yan. Madam, dericho na tayo sa condo ng kapatid mo?

Madam: Yeah. Ilalagay lang natin tong gamit natin at pagkatapos kakain na tayo.

            Madam decided na sa condo na lang ng kapatid niya kami mag sstay. Pero dahil mabait si Madam papayagan daw niya akong mag sleepover sa bahay basta ba’t hindi ako makakasira sa sked namin at di malalate sa mga appointment namin.

            Nakarating na kami sa condo at inilagay ang mga gamit. Pagkatapos, lumabas na kami ng building at naghanap ng makakain, pero dahil nagtext si bes… Nag iba ako ng location.

Ara: BESTFRIEND!!!!!

            Nawindang ako sa boses ni bes. Jusko! Sakit sa eardrums ha!

Mika: Bes, 5 years na ganyan pa din boses mo? Walang pinagbago.

Ara: Kainis ka. Hindi talaga nagbago pero ikaw? Look at you… *looks at me from head to foot* ANG GANDA MO BES!

            Nakatitig lang ako sa kanya and looked at myself too. Ano naman kinaganda ng suot ko? Shorts, plain white shirt at naka tsinelas lang. Tinulak ko naman ng bahagya ang noo niya.

Mika: Loka loka ka talaga. Kumain na nga tayo. Gutom na ako eh.

Ara: Hay naku. Di ka pa rin nagbabago.

            We started eating while chatting. Dami rin kaming napagkwentuhan. Si bes lang kasama ko. Why? Si Camille kasi may flight. Next week pa ang dating. Si Cienne, well, pre school teacher sa U.S at si Carol sa clothing line nagtatrabaho sa isa sa mga well-known brands sa US. At si bes? Chief Cook lang naman sa isang five star hotel dito sa Manila. Oh diba? Ang layo ng mga trabaho namin sa volleyball? Hehe. Actually, marami din namang kumukuha sa amin to join leagues, kaso di talaga  maiwan iwan ang mga trabaho namin.

The Heart Never Forgets (Jeron Teng and Mika Reyes Fan Fic <3) COMPLETE!Where stories live. Discover now