Chapter 23

6.5K 135 6
                                    

TAWA lang ako ng tawa sa pinapanood kong palabas sa ABS na It's Showtime. Nakakatawa kasi si Vice pati si Anne isama mo na rin si Vhong.Maga-ala-una na pero hindi pa din tumatawag si Xander sa akin. Netong mga nakaraang araw lagi na lang ang dahilan niya eh busy siya.

Hindi naman sa nagdududa, may tiwala naman ako kay xander pero yung magi-isang linggo na na ganito lagi ang dahilan niya, minsan nagtataka na ako kung bakit laging ganito yung nangyayari.

May time nga na kumakain kaming dalawa bigla nagring yung phone niya at nag-excuse na aalis na daw siya kasi may important meeting 'kuno' siya. Patida maga-alasingko na yun.

Kinuha ko ang cellphone ko at dinial ang numero ni xander. Nakaka sampung ring na ito saka lamang nito sinagot ang tawag ko. Hindi naman ito ganito dati eh, kapag nakita niya na ako ang tumatawag walang pang 2 ring na sagot na nito yun.

"Hello, jen? Sorry mamaya ka na tumawag may meeting ako sa kompanya. Sorry jen." Anito.

"Per--" Hindi pa ako natatapos sa sinasabi ko ng ibinaba na nito ang tawag. Fuck?! Anong nangyari? Binabaan niya lang ba talaga ako ng cellphone? I smell something's fishy.

Hinanap ko sa cellphone ko yung app na "detect my friend" at ng mahanap ko ito ay kinlick ko iyon at tinype ang pangalan kung sino ba yung dindetect ko.

Ang purpose ng App na ito ay idetect o hanapin ang gusto mong ipahanap, ng natype ko na ang buong pangalan ni Xander at ang numero nito ay agad din namang nag-appear yung arrow.

At isa pang Fuck?! Did he just said na may meeting siya sa kompanya? E bakit ang bilis ata ng galaw niya. Lalong umusbong ang galit ko sa binata. Umayos ayos ka lang xander, mapapatay talaga kita.

Agad akong kumaripas ng takbo sa sasakyan ko habang sinusundan ang arrow kung saan tinuturo nito kung na saan na ito.

Nagsalubong na lamang ang kilay niya ng mapansin na huminto na ang arrow, ibig sabihin lamang nun ay huminto na din ang sasakyan nito.

Kinakabahan si jen habang tinatahak niya ang pagpunta kung na saan naroroon si Xander. Hindi ko alam kung iiyak ba ako hindi, ano naman ang gagawin ni Xander sa Hotel? Fuck!

Hindi ko alam kong itutuloy ko pa ba ang paglalakad ko papasok sa Hotel, na pansin na lang niya na nasa tapat siya ng Inforrmation Deck.

"Yes, miss. What can i do for you?" Tanong ng babae sa counter.

"Ahm. May pumasok ba dito na lalaki, matangkad, matangos ang ilong, gwapo. O di kaya may nag check-in po ba dito na ang pangalan ay Alexander Lincoln?" Tanong ko.

Pinagpapawisan na ang kamay ko, hindi ko alam kung bakit. Pero nanghahawak pa din ako sa salitang 'may tiwala ako kay xander'

'pero bakit ka nandito, at sinundan mo pa talaga si xander?' Anang isip ko.

"Ah si, Mr. Lincoln po ba ang hinahanap niyo? Yes po nag-check in po siya ngayong ngayon lang." Sabi nito.

"Pwede ko bang malaman kong anong room niya ngayon?" Tanong ko.

"Sorry maam, bawal po kasi kaming magbigay ng impormasyon sa mga costumer namin, lalo na't special costumer namin si Mr. Lincoln." Anito.

Bagsak ang balikat niya na nagtungo sa sasakyan niya. Aantayin niya na lang ito na lumabas.

May tiwala ako kay xander, pero bakit ako kinakabahan?

Dalawang oras na ang nakakalipas pero wala pa ding xander ang lumalabas sa hotel na yan. Ni hindi ko nga napansin na nakatulala na pala ako eh.

Hangang sa lumabas na yung hinahantay ko. Sa kaniya lang ako nakatingin, sinusundan ko lang ito habang naglalakad, halata dito ang pagod at ang stress sa mukha nito.

Hanggang sa dumako ang mata ko sa kasama nito. Gusto ko sanang isipin na baka nakasabay niya lang talaga sa paglalakad, o di kaya hindi niya kilala pero hindi eh. Nakipag-beso beso pa ito, left and right tsaka sumakay sa kotse nito.

Parang may pumipiga sa puso ko, parang may tumutusok dito, mabigat sa dibdib, ang hirap huminga. Ang sakit. Yung tipong nabasag lanng ng ganon ganon yung tiwala mo, yung tipong pinagkatiwala mo ng buong buo sa kaniya pero mababasag lang pala. Fuck?!

Pina-andar ko na yung sasakyan ko at naghanap ng mas mabilis na ruta pabalik ng bahay, baka kasi makita ako ni xander. Alam pa naman niya kung ano yung plate number ng sasakyan ko.

Wala na akong time para punasan ang sunod sunod na pag-tulo ng luha ko, sobrang sakit. Napaka sakit.

Nang makarating ako sa bahay grabe ang hagulhul ko, dumiretso agad ako sa kwarto. Siguro itutulog ko na lang ito. Kung makakatulog ba talaga. 

Nagising ako ng maramdaman ko na maay humahalik sa leeg ko, nakikiliti ako na hindi ko maipaliwanag. Alam kung si Xander ang humahalik sa leeg ko, dapat galit ako dito eh, anong oras na ito lagi dumadating.

"Sweetheart kumain ka na?" Tanong nito. Pero nanatili lang ako na nagtu-tulog tulugan ayaw kung kausapin ito at baka makatangap lang ito ng magasawang sampal.

"Sweetheart, alam kung gising ka. I can see your eyelids moving."  Pero nanatili lang akong nakapikit bahala siya sa buhay niya. Hahayaan kong siya yung magsabi ng kasinungalingan niya. Sana lang, sana lang hindi totoo yung hinala ko. Please lord.

Pipi akong nagdasal na sana, sana sabihin nito na nasa hotel siya. Na may trinabaho siya dun, please. 

"Sweetheart, i'm sorry late na akong nakauwi ang dami kong inasikaso sobrang pagod na talaga ako. Bukas na lang natin pagusapan yung problema mo ha. Good night." At dun na nga nawasak ng buong buo yung puso ko. Tangina yun lang?! Hindi mo sasabihin kung bakit ka nasa Hotel at bakit may kasama kang babae. Bullshit.

At sa buong gabing yun hindi ata ako natulog sobrang basang basa na yung unan ko kulang na lang mapipiga mo na to.

KINABUKASAN nagising ako ng wala na sa tabi ko si Xander. Naabutan ko na lang ito na kumakain mag-isa sa lamesa. Hindi naman ganito ito, usually aantayin niya akong magising o di kaya gigisingin niya ako gamit yung kaibigan niya pero ngayon... shit.

Umupo ako sa katabing upuan niya, busy pa din ito sa pagtitipa ng kung ano ano sa laptop niya at ang masakit pa ni hindi niya man lang ata ako napansin na umupo na.

"Oh, sweetheart gising ka na pala. Sorry nauna na akong kumain nagmamadali kasi talaga ako, may aasikasuhin pa ako. Bye na, sweetheart." Sabi nito sabay alis na. Nakatanga lang ako sa papalayong bulto ni Xander. Babae  niya ba yung aasikasuhin niya? Shit please wag, wag naman sana.

Kakain na sana ako ng biglang may nagring sa ilalim ng mesa. At nang makita kung ano yun, bigla akong dinapuan ng kaba. Cellphone ni xander ito nalaglag siguro.

Hindi ko alam kung bakit natagpuan ko ang sarili ko na binubuksan ang cellphone niya. At nang makita ko kung sino yun, kinakabahan na agad ako, kasi pangalan ng babae ang nakalagay doon.

"Alex, na saan ka na? Naiinip na ako."

"Bilisan mo, para matapos na natin 'to ng mabilis. Nae-excite na ako mamaya."

"Abraham. Saan ka na, baka mahalata ka ni Jen ah. Ayusin mo!"

Ang daming tanong sa isip ko. Anong meron? Sino si Hannah? Anong gagawin nila? Bakit bawal kong malaman? Tangina!

Sunod sunod na ang pagpatak ng luha ko. May babae nga ba talaga si xander? Niloloko niya lang ba talaga ako?

Ang sakit na.

Author's Note:

Hi mga beshlogs, ilang years ba? Haha sorry sobrang busy. Peace. Buka niyo lang, ay mali hindi yung hita ah yung book ko BUKAS niyo lang nakalimutan ko yung S hahaha. Bye. Sorry ang unti.

#IbukaLangNgIbukaHangangSaMapunitAngPantalon
#FeelFreeToCumAyReadPala

BASTARD SERIES 1: Alexander Lincoln - COMPLETEDWhere stories live. Discover now