Chapter 2

9.5K 187 1
                                    

Cindy's POV

Mabilis na lumipas ang oras. Breaktime na

2 hours ang Breaktime kasi first day pala

"Pagkatapos nito, anong una nyong pupuntahan?"tanong ko sa mga new students

"Ahh nasan ang cr?"tanong ni Jake

"Sa dulo meron"sabi ko

"Tara na"sabi ni Patrick at hinila ako palabas ng cafeteria at sinundan si Jake. Sumunod naman samin yung iba

"Dapat pala matagal na kaming nagtransfer dito....."sabi ni Patrick at tumingin sa mga kasama nya

"Bakit?"tanong nila

"Para dati pa kita nakita"sabi ni Patrick at tinignan ako

Tinignan ko sya ng malamig at inirapan "Hindi ako interesado"sabi ko at napahawak sa nagvibrate kong cellphone

Kinuha ko ang cellphone ko at medyo lumayo sa kanila. Tumawag si Danny

Sinagot ko ang tawag at tinapat sa tenga ko

"Kailangan mo?"tanong ko

(Whoa ah, ganda ng bati. Nasan ka?)

Napalingon ako sa paligid ng marinig ang malakas nyang boses. Naglakad ako palapit sa likod nya "Nasa likod mo"bulong ko sa tenga nya at binaba ang tawag

"Babae! Ginulat mo ako"sabi nya at pinalo ang braso ko

"Nasan si Ally?"tanong ko

"Susunod na daw sya, may pupuntahan ang bruha"sagot nya

Napatango nalang ako "Cindy, tara na"

Napalingon ako sa likod ko....oo nga pala

"Sama nalang ako sa inyo"sabi ni Danny

"Bahala ka"sabi ko

Hinila nya ako palapit dun sa new students at nakipagdaldalan

Naglakad kami papuntang......gym

"Eto ang gym, dito minsan nagpa-practice ang cheering squad at kung anu-ano pang dance groups ng M.U. Sya si Mikaela, stepsister ko, sya ang Cheerleader ng Basketball Club"sabi ko at tinuro si Mikaela

"What are you doing here, Cindy?"tanong nya

"Ahhh may new students, tinutour ko. Aalis na kami"sabi ko at umalis na

"Wait!"sigaw nya. Hindi ako lumingon, ayoko baka saktan lang nya ako kahit hindi nya ginagawa yun

"Ikaw ang kakanta mamaya sa Welcoming Ceremony ng Freshmen diba? Anong kakantahin mo?"tanong nya. Lumingon ako sa kanya "Open Arms"maikling sagot ko at umalis na

Ayoko silang kausapin, baka bigla nalang akong mag break down at napaluha. Pinunasan ko ang luhang kumawala sa pisngi ko at pumasok sa court

"Eto ang Basketball Court"sabi ko

"Yan si Coach Neil, mabait yan at sobrang galing magbasketball. Yung lalaking nakajersey ng number 2 ay si Storm Ramirez ang Team Captain ng team. Si Number 6 ay si Thunder Ramirez at number 7 si Rain Ramirex, threeplets sila"sabi ko

"Time out!"sigaw ni Coach

"Yow! Ms. Manager!"bati nila sakin

Ngumiti ako "At ako ang Manager nila"sabi ko at nilapitan sila para makipag-high five

"Hi there, Danny"bati din nila kay Danny

"Cindy, hinahanap mo ba ako?"tanong ni Tyler

"Wag umasa, Sebastian. Mas gwapo ako sayo"pang-aasar sa kanya ni Warren

Kahit kailan talaga "Umayos nga kayo, bukas tatakbo mo kayo sa field 500 laps pagkatapos 300 push ups"sabi ko

"Wala manlang break"reklamo ni Robin

"Baliin ko buto mo, break yun"mataray na sabi ko at inirapan sya

"PMS, Miss Manager?"tanong ni Rex

"100 push ups, Antonio! Ngayon na!"sigaw ko

"Aish! Ano ba yan"reklamo nya

"200 na pala"sabi ko at inirapan sya

"Hala!"sigaw nya

"Gusto mo 500 na?"tanong ko

"Ganda-ganda mo talaga Miss Manager. Eto na 200 na nga oh"sabi ni Rex

"Sige, Bagyo alis na ako"paalam ko kay Storm

"Wag ka ng babalik"sigaw nya

"Sira!"sigaw ko pabalik at hinila sila Danny

Mga baliw talaga

To be continue

****
A/N:

Hay ang kulit ng mga basketball players takot kay Manager. Tarayan ba naman kasi eh

Daniella Chavez and Allison Valdez on the side

The Missing Cinderella of Mr. MafiaWhere stories live. Discover now