Chapter 34

3.7K 80 1
                                    

Cindy's POV

"Good evening, Miss Park"bati sakin ni Mr. Furukawa

Ngumiti ako sa kanya at napatingin kay Haruka "It's nice to see you again, Mr. Furukawa and your family"sabi ko

"Hay, parang 2nd lang kayo nung huli kitang makita"sabi ni Mrs. Furukawa

Nawala ang ngiti ko ng maalala ang araw na yun, yun yung araw na nagpush up si Captain kasi ang nakakainis sya

"Naaalala nyo pa po pala yun"sabi ko at napatingin sa paligid

Snipers.......

Napabuga ako ng hangin at iniwas ang tingin ko at pasimpleng tumingin kung saan nakatutok ang baril

Nanlaki ang mata ko ng makita si Mikaela....sa kanya nakatutok ang baril ng sniper

"Excuse me"sabi ko at lumapit sa pwesto ni Mikaela

"Mygod! Cindy"sabi nya ng makita ako at niyakap ako

Niyakap ko sya pabalik at ngumiti "Kamusta ka na?"tanong ko bago kumalas sa kanya

"Im actually fine and breathing"sagot nya at ngumiti

"Oo nga pala, nakita ko kanina ang Black Tigers with Dale and the TMB"sabi nya

Napatingin ako sa paligid at pasimpleng sinulyapan ang sniper "Hindi ko sila nakita eh, halika ituro mo sakin kung nasan ang CR"sabi ko

Hinila nya ako papunta sa CR. Agad ko syang hinila para mapasandal kami sa pader at nag 'shhh' sign

Sumilip ako at agad ding nagtago "May isang sniper paligid, magpunta ka sa mataong lugar at siguraduhin mong hindi ka tatamaan ng bala. May nakaparadang SUV na White dyan sa labas sakin yun, katukin mo lang yun at sabihin mong ikaw si Mikaela Chin papapasukin ka nila"sabi ko

"Magingat ka"dugtong ko bago lumabas sa pinagtataguan namin at tinawagan si Jade na papasukin si Mikaela Chin kapag kumatok ito sa kanila

Pagkatapos ko syang tawagan ay dumiretsyo ako sa second floor para puntahan ang sniper. Nagtago ako sa isang pader ng makarinig ako ng ingay

"Bwisit! Yang Cindy na yan! Ibahin mo ang target gawin mong si Cindy Chase Park"......pamilyar ang boses na yun ah

Sumilip ako at agad ding nagtago ng may lumingon sa direksyon ko. Bumaba ako ng hagdan at diretsyo sa table nila Mr. Furukawa. Napabuntong hininga ako at kumuha ng wine sa waiter na dumaan at ininom yun "Ganyan na ba talaga ang mga taong malaki ang pinagbago? Nagiging snober na?"

Napatingin ako sa nagsalita "Hindi naman po ako nagbago"sabi ko at nilapitan sila

Nakipaghigh five ako sa Black Tigers at ganun din kay Dale "Kamusta na ang mataray naming Manager?"tanong ni Captain Storm

"Ganun parin, walang pinagbago. Lapitin ng gulo"sabi ko at pasimpleng tumingin sa sniper at nginitian sila

Biglang tumayo si Thunder at inakbayan ako "Alam mo, Cindy. Ang ganda mo parin, pwedeng manligaw?"tanong nya

"Sorry dude, hindi tayo talo"sabi ko at tinanggal ang kamay nya sa balikat ko

"Ouch! Tol rejected"

"Kawawa naman"

"Hahahaha pahiya ka ngayon, kulog"

Kantwayan nila kay Thunder "Hanggang ngayon ba broken ka parin?"pabulong na tanong ko sakin

"No, im just playing around"bulong nya at kinindatan ako

Napairap nalang ako at umupo sa tabi ni Felix "Bestfriend, namiss kita promise"sabi nya at hinalikan ang pisngi ko

Pinunasan ko ang pisngi ko at hindi sya pinansin "Uyy, Austin"sabi nya

Napatingin ako sa kanya ng tawagin nya akong Austin "Ayy Chase na nga pala"sabi nya at napakamot sa ulo nya

Napangiti ako at niyakap sya. Pasimple kong sinulyapan ang sniper na nakatutok sakin ang baril bago kumalas kay Felix at ininom ang kinuha ang wine na hawak ni Felix at ininom yun

"Grabe, Cindy depress ka ba at ganyan ka kung uminom"sabi ni Robin

Sinuot ko ang earpiece sa tenga ko at uminom muli ng wine "Pumasok kayo dito sa loob, sakin nakatutok yung baril"sabi ko sa kabilang linya at sumandal sa upuan

Ilang sandali ay naramdaman kong may palapit sakin kaya napaligon ako at agad na humarap sa mesa

Nakita kong nakakalat na sila sa paligid "Sa second floor nandun yung sniper"sabi ko at ininom ang wine na nasa harapan ko

Biglang may umupo sa bakanteng upuan sa gilid ko kaya agad akong napaiwas ng tingin

Ayaw ko syang masangkot dito sa gulong to

The Missing Cinderella of Mr. MafiaWhere stories live. Discover now