Chapter 33

3.4K 68 0
                                    

Cindy's POV

*FLASHBACK*
-4 YEARS AGO-

Niyakap ko sila Danny ganun ang Black Tigers maliban kay....Haruka

"Kapag bumalik ka gusto ko, classmates tayo ah"sabi ni Danny

"Take care of yourself Cindy, call us if you have a problem"sabi ni Mika at niyakap ako

Ngumiti ako sa kanila "Ano ba yan? Parang ilang taon lang tayo magkakalayo eh. Wag kayong magalala, pagbalik ko walang magbabago. Ako parin si Cindy na nakikilala nyo, yung cold, tahimik....."

Pinutol ni Felix ang sinasabi ko "Wag na, Cindy. Ayokong makasama yung cold, tahimik, sadista at mataray na Cindy. Gusto ko yung palangiti, sweet at mabait"sabi ni Felix

Inirapan ko lang sya at kinurot ang pisngi nya "Ewan ko sayo"sabi ko at binitawan ang pisngi nya

"Apo, tara na"sabi ni Lola at nginitian sila Danny

They hugged me and kiss my cheek "See you next time, mamimiss ko kayo"sabi ko at ngumiti bago pumasok sa limousine ni Lolo

Till next time, guys and you too......Haruka

*FLASHBACK ENDS*

Im back guys, i miss all of you

****
Haruka's POV

"The famous Cindy Chase Park is coming to the Philippines to continue her Grandfather's Business...."

Pinatay ni Theresa ang TV at pabagsak na binaba ang remote sa center table

"What the hell, Theresa?!"inis na sigaw ko

"Ano ba naman, Haruka?! Bakit ba sya parin? Nandito naman ako ah, ginawa ko na lahat para makuha ka pero bakit sya parin? Ganun ba sya kahalaga sayo at ganyan ka nalang magreact sa kanya"sabi nya

Tinignan ko lang sya ng malamig at tinukod ang dalawang siko ko sa hita ko at ngumisi

"Oo, sya parin. Kasi ayoko sa mga mangagamit na katulad mo"sabi ko

"Manggagamit? Sino ba sa tingin mo ang manggamit samin ng babaeng yun?! Sya ang lumandi sayo hindi ako!"sigaw nya

Tumayo ako at hinawakan ang pisngi na gamit ang isang kamay ko at tinignan sya ng masama. Kitang tumulo ang luha sa mga mata nya "Mahal ko si Cindy at alam kong mahal nya din ako, ikaw biglang sumulpot na parang kabute sa tabi at dinikitan ako na parang linta. Ano ba ang tingin mo sa sarili mo at hanggang ngayon hindi mo parin matanggap na hindi kita mahal at kahit kailan hindi kita mamahalin"sabi ko at binitawan ang mukha nya at umakyat sa kwarto ko

Nilock ko ang pinto at humiga sa kama. Kinuha ko ang picture namin sa side table at tinignan ang picture ni Cindy na nakangiti

"I miss you, Cindy very much"bulong ko at pinikit ang mata ko

****
Cindy's POV

"Ahh Jade, what's my next schedule again?"tanong ko sa Secretary ko

"A Party with Mr. Hayabusa Shiro and Mrs. Katsumi Michiko Furukawa and their son, Haruka Shiro Furukawa"sagot nya

Natigilan ako sa sinabi nya at napatingin sa picture nya sa table ko "Thank you, Jade. Lumabas ka muna"sabi ko

Rinig ko ang pagbukas ng pinto at pagsara nito, napabuntong hininga nalang ako at sumandal sa swivel chair

Hinarap ko ang malaking picture frame namin nila Lolo at Lola kasama si Mom at Dad "Sana nabubuhay pa kayong lahat at sana hindi nalang sumabog yung kotseng sinasakyan namin dati para......nakasama ko kayo ng mas matagal"sabi ko at mapait na ngumiti bago harapin ang table ko kung saan nandun ang picture nya

"Sana hindi nalang ako umalis para napatawad pa kita, namimiss na kita at hanggang ngayon ikaw parin......Haru"

****
A/N

Cut!!!! Tapos na ang shooting, joke

My ghod magkikita na sila?! Ano kayang mangyayari?

Hmmmm

xoxo

Lovelotz

-clazore_love

The Missing Cinderella of Mr. MafiaWhere stories live. Discover now