Chapter 7

6.5K 138 1
                                    

Cindy's POV

Lagot ako nito kay Tita Monique eh

Gabi na ako nakauwi

Tinigil ko ang bike ko sa gilid ng bahay namin at

"Bakit ngayon ka lang?"tanong ni Tita

"Tita....."

"Wag mo na akong sagutin"sabi ni Tita at naglabas ng dalawang malaking traveling bag

"Tita, anong ibig sabihin nito?"tanong ko

"Lumayas ka na sa pamamahay ko"sabi ni Tita

"Tita, please maawa po kayo. Wala akong ibang tutuluyan maliban sa bahay ni Daddy"sabi ko

"Kapal ng mukha mong bata ka! Maawa?! Yan ang bagay sayo, dahil sayo nawalan ng cellphone ang anak ko!"sigaw ni Tita

"Ang babaw nyo, Tita. Napakababaw nyo!"sigaw ko at kinuha ang dalawang traveling bag ko

Rinig ko ang pagsara ng pinto

Napaupo ako sa sahig at mariing pinikit ang mata ko

Sawa na ako umiyak, hindi na ako umiiyak this time

At ngayong gabing to malaya na ako

*beep beep*

Minulat ko ang mata ko at tinignan ang tumigil na van sa tapat ko

Bumukas ang pinto nito at.....

"Sakay na, Ms. Manager"sabi ni Captain

"Pero...."

"Sakay na"matigas na sabi nya

"Yung bike ko, pano?"tanong ko

"We'll go after you"sabi ni Haruka at bumaba

"Okay bro"sabi ni Mike

Pinasok nila sa loob ang dalawang traveling bag at school bag ko

"Sakay na"sabi ni Haruka

Sumakay ako sa likod ng bike ko at pinulupot ang dalawang braso ko sa bewang nya

"Chansing na yan ah"rinig kong sabi nya at pinatakbo ang bike

"Mukha mo"sabi ko

Ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin

"Furukawa! Inggatan mo yan si Cindy! Mamahalin ko pa yan!"sigaw sa loob ng van

Napairap nalang ako at nilapat ang pisngi ko sa likod ni Haruka. Pagod na ako, sawa na ako sa buhay na to

Bukas haharapin ko ang nabinagong buhay na meron ako. Yung walang aalipin sakin, malaya na ako

****

Minulat ko ang mata ko at nilibot ang paningin ko sa paligid

Pano ako napunta dito?

5:40 AM palang

Tumayo ako at.......

Oo nga pala, pinalayas ako ni Tita Monique

Ginawa ko ang rituals ko bago bumaba. Wala pang gising sa mga Black Tigers

Black Tigers ang pangalan ng Basketball Team, ewan ko ba sa mga baliw na members ng BT kung bakit Black Tigers

Hinanap ko ang kusina at......oh

Ang kalat!

Mga hindi marunong maglinis kahit kailan talaga

****

Pumasok ako sa kwarto na may nakalagay na Ramirez

Obviously, ang Threeplets ang natutulog dito

Ang kalat din! Hanep talaga!

Napailing nalang ako at napabuntong hininga

Lumapit ako sa kama ni Captain at tinapik-tapik sya

"Captain, gising na. Uyy gising"sabi ko at inalog-alog sya

"Hmmm"ungol nya

"Gising na dyan!"sigaw ko

Napaupo naman sya sa kama at......

"Ahhhhh!"

Shit! Ang aga-aga ang ingay!

"Ingay mo!"sigaw ko na kinatahimik nya

"Gisingin mo na nga yung iba kung hindi ibabato ko sayo lahat ng pwede kong ibato dito!"sigaw ko at lumabas ng kwarto nila

Napatingin ako sa bumukas na pinto

"Ang ingay naman"

Rinig kong reklamo ng Black Tigers. Bumaba ako ng hagdan at umupo sa couch

Tapos na akong kumain. Nalinis ko na ang mga kalat ng mga hinayupak na to

"Good morning, Ms. Manager!"

Inirapan ko lang sila at sumandal sa couch. Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan yun

"Kumain na kayo"sabi ko at tinignan ang message ni Danny

'Sabi ni Dean, may bagong transfer nanaman daw at pogi hihihi'-Danny

Napailing nalang ako sa nabasa ko

"Ang sweet mo talaga, Loves"

Napalingon ako sa gilid ko "Tigilan mo ako, Tyler"sabi ko at binalik sa bulsa ko ang cellphone ko

"Pano ka nyan?"tanong ni Warren at umupo sa tabi ko

Diba dapat sa lamesa sila kumakain? Mga sira talaga

"Bahala na, siguro dun nalang ako sa apartment ko"sabi ko

"No, your stay here"

Napalingon ako kay Captain "Wag na, nakakahiya na sa inyo"sabi ko

"Tss. Okay lang yun, hindi ka naman na iba samin eh"sabi ni Thunder at inakbayan ako

"Ewan ko sayo"sabi ko at napatingin kay Haruka

"Pano nga pala ako napunta sa kwartong yun?"tanong ko

"Hahahaha"bigla silang nagtawanan

Woah! Ganda ng sagot!

"Epic kaya yung nangyari, Ms. Manager"sabi ni Rex

"300 push ups, Rex Antonio"sabi ko at matalim syang tinignan

"Kayo kasi eh"sabi ni Rex at nagpush up na

"I carried you, muntik pa ngang matumba yung bike ko sa sobrang bigat mo eh"sabi ni Haruka

"Ako mabigat?"gulat na tanong ko

"Oo, ang sakit nga ng braso ko eh"sabi nya

Inirapan ko at tinanggal ang pagkakaakbay sakin ni Thunder

"Thunder, wag mo ng pormahan yan si Ms. Manager kay Tyler nalang yan"sabi ni Rain at hinila si Thunder

"Oo nga, Loves diba tayo na?"tanong ni Tyler

"Kapal mo din noh?"sabi ko

*bzzt bzzt*

Kinuha ko ang cellphone ko at sinagot ang tawag. Lumayo ako sa kanila ng konti

(Ms. Sanchez, it's me)

****
A/N

Hinata Satto on the media

The Missing Cinderella of Mr. MafiaOù les histoires vivent. Découvrez maintenant