CHAPTER BENTE

882 37 2
                                    

REINHART'S POV

Ang saya ko ngayon dahil narinig ko ang boses ni Mama. Mabuti nalang at tumawag sila sa akin dahil nabawasan kahit kaunti ang pagkasabik ko na makita ko sila.

Pero pansamantala lang pala ang sayang naramdaman ko dahil pinalitan na naman ito ng lungkot nang pinutol ko na ang tawag nila sa akin.

Gustong gusto ko na silang makita at mayakap.

Ang sayang naramdaman ko kanina ay napalitan na ng lungkot ngayon.

Umiiyak na naman ako dahil sa ginawa ni Bruce sa akin. Mahal na mahal ko pa rin siya kahit ang pakiramdam ko ay iniiwasan na niya ako. Bihira nalang siyang mag-reply sa mga text ko.

Palagi ko pa rin siyang iniiip.

Iniisip din kaya niya ako ngayon?

Bakit gano'n? Akala ko ba ay mahal niya ako? Bakit ginawa niya sa akin 'to?

Hindi ko kaya ang ginawa niya.

Nasasaktan na ako.

Nagpatuloy ako sa pagtrabaho at umiiyak pa rin.

Habang nagtrabaho ako, iniisip ko na baka may iba na siyang ipinalit sa akin. Pero sa tingin ko naman ay hindi niya magagawa sa akin 'yon at malaki ang tiwala ko sa kanya dahil mahal na mahal namin ang isa't-isa.

Oo! Mahal ko siya at mahal din niya ako kaya hindi niya ako kayang lokohin. Hindi niya kayang palitan ako sa puso niya. Hindi niya kayang burahin nalang ng basta basta sa isipan niya ang mga masasayang nangyari sa buhay namin.

May tiwala ako sa kanya at mahal na mahal ko pa rin siya kaya hindi na ako nag-isip na may iba siya.

Kumakapit pa rin ako sa sumpaan naming dalawa na mamahalin namin ang isa't-isa habang buhay at pagmamay-ari ko ang puso niya at siya din ang may-ari sa puso ko.

Walang tao na pwedeng umagaw nito. Kahit sino.

Nanatili pa rin akong positibo sa relasyon namin ni Bruce kahit na pwedeng totoo ang nasa isip ko. Binalewala ko lang 'to at patuloy ko pa ring e-text ang mahal ko. Kung hindi siya mag-reply o mag-text sa akin, okay lang. Tanggapin ko kahit masakit basta maipadama ko lang sa kanya ang pagmamahal ko. Ang pag-aalaga ko sa kanya. Hindi ako mapapagod na e-text siya o tawagan dahil hindi nakakapagod ang magmahal.

Kahit positibo pa ang pananaw ko sa relasyon namin, may kirot pa rin akong naramdaman sa puso ko.

Paano kung totoo ang iniisip ko na may mahal na siyang iba?

Paano kung hindi na niya ako mahal?

Paano kung hindi na niya ako babalikan dito? Matatanggap ko kaya?

Kung mahal niya ako, babalikan niya ako. Paano kung may binabalikan na siyang iba?

Huhuhu!

Napaisip ako na baka nagkabalikan na sila ni Jenny.

No! Hindi pwede!

Alam kong hindi gagawin ni Bruce ang iwanan ako.

Wala na akong gibagawa kaya nag-text ako kay Reinhart at ini-expect ko nalang na hindi na siya mag-reply sa akin.

Bahala na kung ayaw niyang mag-reply basta malaman lang niya ang mga ginagawa ko dito. Malaman lang niya na mahal na mahal ko siya.

Hindi ko kailangang magpaapekto sa ginawa niya sa akin na parang binabalewala na niya ako.

"Reinhart!" sigaw sa akin ng isang pamilyar na boses. Hindi man malakas ang pagkasigaw niya sa akin pero sakto rin ang lakas ng boses niya para lingonin ko siya.

I Love You FOREVER (bxb) (COMPLETED)Where stories live. Discover now