CHAPTER BENTE SAIS

1K 45 7
                                    

REINHART'S POV

Nag-isip ako kung ano ang magandang negosyo na mabilis pagkitaan. Ayaw kong masayang lang ang perang pinaghirapan ko sa wala.

Negosyo nalang ang nasa isip ko ngayon at hindi na ako nag-isip ng lab layp kasi sakit lang dulot nito sa akin. Hindi kagaya sa negosyo na masaya ka na, may pera ka pa. Ayaw kong maghirap muli ang pamilya ko.

Gusto kong hindi nila maranasan ang pait na dinanas ko sa mga taong walang kwenta. Mga taong walang modo. Nagpasalamat na rin ako dahil nakatagpo ako ng mga gano'ng tao. Dahil sa kanila, nagpursige akong magsikap para maabot ang mga pangarap ko. Mga pangarap ng mga kapatid ko.

Nagpapasalamat din ako sa pamilyang Empuerto na 'yon dahil kung hindi sa kanila, hindi siguro ako maging ganito.

Isang matibay na Reinhart, matatag at determinado.

Naisip ko na kausapin ko si Wendel. Matagal na ding hindi kami nag-usap at kung papayag siya, gusto kong magsusyo kami sa negosyo para malaman ko din kung paano patakbuhin ang negosyo.

Sana ay may alam din siya sa negosyo.

May number pa ako sa kanya pero hindi ko alam kung gumagana pa rin ba ito at nagbago na rin ako ng number simula noong birthday ko 3 years ago.

Sinubukan kong tawagan ang number ni Wendel at nag-ring naman ito.

Wendel: Hello!

Ako: 'Tol! Kumusta?

Wendel: Sino 'to?

Ako: Hindi mo na ba natatandaan ang boses ko 'Tol?

Wendel: Hmmm. Hindi e. Sino ka ba?

Ako: Si Reinhart 'to oy!

Wendel: Aw. Hahahaha! Kumusta?

Ako: Okay lang. Ikaw?

Wendel: Okay lang din. Nakabalik ka na pala dito sa Pinas 'Tol?

Ako: Oo. Kahapon lang. Saan ka ngayon 'Tol?

Wendel: Nasa Cebu na ako 'Tol. Ikaw? Sa Manila o nasa Cebu ka na din?

Ako: Nasa Cebu na ako 'Tol. Sa amin. Kita tayo.

Wendel: Sige ba! Saang banda?

Ako: Saan ang mas malapit sa'yo 'Tol? Nasa Moalboal ako ngayon e.

Wendel: Moalboal?

Ako: Oo

Wendel: Maganda kung gano'n kasi papunta na ako d'yan e.

I Love You FOREVER (bxb) (COMPLETED)Where stories live. Discover now