CHAPTER BENTE CUATRO

994 40 6
                                    

BRUCE'S POV

Ang sarap kapag may jowa. Ang sarap mabuhay pero napakasakit rin masaktan. Ang sarap makpakamatay. Ang sarap magpakain sa lupa ng buhay.

Wala na talaga akong pag-asa na makita pa si Reinhart. Kasalanan ko lahat.

Tao lang ako na pwedeng magkasala. Kung alam ko lang sana na ganito pala ang mangyari, sana ay hindi nalang ako pumasok sa isang relasyon na wala palang kasiguraduhan.

Wala akong makitang Reinhart sa airport o sa pier. Siguro, nakaalis na siya. Hindi ko na rin siya makontak.

Hays.

Kailangan kong pupuntahan siya sa Cebu kahit hindi ko alam kung saan siya nakatira sa Cebu basta hahanapin ko siya pero kailangan ko munang kausapin si Wendel.

Del, pwede bang magkita tayo? message sent to Wendel Gwapo.

Nag-reply naman agad siya.

Okay! Saan ka ba? Puntahan kita. message received from Wendel Gwapo.

Sinabi ko kay Wendel kung saan ako ngayon para dito nalang kami magkita at magkausap. Gusto ko siyang sumbatan kung bakit niya nagawa sa akin 'to.

Lumipas ang isang oras at nakita ko na si Wendel na paparating kaya umayos na ako at naghanda sa mga sasabihin ko sa kanya.

"Bakit gusto mong makipagkita sa akin 'Tol?" tanong ni Wendel pagdating niya.

"Gusto ko lang malaman kung ano ang totoo." sagot ko at medyo tumaas ang boses ko ng kaunti.

Nakasimangot ako habang nakatingin sa kanya.

"Ano'ng totoo?" mukha din siyang galit.

Ewan ko ba kung bakit galit siya. Galit yata siya dahil sa ginawa ko kay Reinhart.

"Kung bakit mo ginawa mo sa akin 'to? Kaibigan pa naman ang turing ko sa'yo."

Tiningnan ko siya sa mata na may galit. Uminit ang ulo ko habang nakatayo kaming dalawa.

"Ano ba ang ginawa ko?" pagtatakang tanong niya.

Ang galing din ng taong 'to ah! Nagmaangmaangan pa kahit alam na niya kung ano ang tinutukoy ko.

"Ikaw ang nagsumbong sa Ate ko noong gabing hinalikan ako ni Reinhart sa labi 'di ba?" deretsahan kong tanong.

"Oo! Ako nga!" pag-amin niya. "Sinumbong kita sa Ate mo dahil nag-alala lang ako sa'yo. Nag-alala ako na baka maging bakla ka at totoo nga ang hinala ko na bakla ka pero tanggap pa rin kita bilang isang kaibigan kahit naging bakla ka na."

"Kaibigan? Hindi ganyan ang isang kaibigan 'Tol! Kung totoo kitang kaibigan, hindi mo ako isumbong sa Ate ko. Ikaw ang dahilan kung bakit nagkandaleche leche ang relasyon namin ni Reinhart. Hindi sana ako mapadala at makasama ko ang put@ng inang Niel doon sa Cebu kung hindi ka nagsumbong. Hindi sana ako ma-inlove sa gagong 'yon. Hindi sana kami magkahiwalay ni Reinhart at mas lalong hindi ko sana masaktan ang damdamin niya!!!!" sinigawan ko siya.

"H'wag mong ibintang sa akin ang kasalanan mo 'Tol!" sumigaw din siya at galit na galit. Kulang nalang yata ay magkasuntukan na kami. "Hindi ko kasalanan kung bakit nagkaganyan ang relasyon n'yo dahil ikaw mismo ang sumira nito."

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya dahil tama siya. Kung hindi ako nakipagrelasyon kay Niel, sana hindi kami nagkaganito ni Reinhart.

"Oo! Aaminin ko na kasalanan ko 'To! Kasalanan ko na nakipagrelasyon ako ni Niel pero tao lang ako na pwedeng matukso! Tao lang ako na pwedeng magkasala!"

I Love You FOREVER (bxb) (COMPLETED)Where stories live. Discover now