CHAPTER BENTE DOS

975 31 6
                                    

REINHART'S POV

Kinabukasan ay tulala pa rin ako. Walang gana sa mundo. Naramdaman ko pa rin kasi ang sakit na ibinibigay sa akin ni Bruce at hindi ko alam kung paano mawawala 'yon.

Nagtapangtapangan lang ako sa harapan niya kahapon pero ang sakit pala.

Put@ng ina!!!!

Ang sakit!!!

Hindi ko napaghandaan na maranasan ko pala ang masaktan. Alam ko naman sana na sa isang relasyon ay hindi lang puro sarap pero hindi ko naman akalain na ganito pala kasakit.

Nakakabaliw!

Nakakamatay!

Ipinadama ko sa kanya na mahal ko siya. Araw-araw ay siya ang iniisip ko.

Araw-araw ko siyang tinetext. Halos lahat ng oras ay siya ang laman ng isip ko dahil ang akala ko ay siya na ang taong magmamahal sa akin pero nagkakamali ako dahil ang galing niyang manloko. Ang galing niyang magkunwari na mahal niya ako.

Nadale tuloy ako ng sobra.

Dahil sa ginawa sa akin ni Bruce, mas mabuti pang umuwi nalang ako dahil masasaktan lang ako kapag nakita ko siya. Hindi ko na kaya ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

Inisip ko na kitilin nalang ang buhay ko para mawala na ang sakit na nararamdaman ko pero naisip ko na may mga magulang at mga kapatid pa akong naghihintay sa akin. Sila lang ang totoong nagmamahal sa akin at wala ng iba.

Kung matanggap ko na ang sahod ko mamaya ay magpaalam na ako ni Maam Gloria na uuwi na ako sa Cebu dahil hindi ko na kayang manatili pa sa bahay na ito.

Ngayon ko lang naalala na may pera pala akong nakita at hindi ko pa nasauli kay Maam Gloria.

Mamaya ko nalang to isauli sa kanya kapag makapagpaalam na ako na uuwi na ako.

Nasa lababo lang ako ngayon dahil ako ang naghuhugas ng mga pinagkainan nila. May mga waiter naman na galing sa caterer na nagsisilbi sa mga kumakain at sila na rin ang nagliligpit ng mga pinagkainan ng mga bisita at pagkatapos ay dinadala nila sa akin para ako naman ang maghugas.

"Reinhart!" tawag sa akin ng isang pamilyar na boses ng isang babae habang naghuhugas ako sa mga plato. Nilingon ko siya. "Ito ang sahod mo oh!"

Ibinigay ni Maam Cathy ang isang puting envelope sa akin kaya tinanggap ko at ipinasok sa bulsa ng pantalon ko. "Salamat Maam."

"Okay! Usap tayo mamaya." tinalikuran niya ako.

Nagpatuloy nalang din ako sa trabaho ko.

Ano kaya ang pag-usapan namin?

Hmmpp.

Hindi ko pa nakita si Bruce at nakasiguro na ako na nasa labas na rin siya. Hindi ko pa kasi natingnan ang labas dahil busy ako dito sa paghuhugas.

Nagpatuloy pa rin ako sa paghugas ng mga plato.

"Gutom ka na ba?" tanong ng isang boses na lalaki at alam ko kung sino siya. Bigla akong kinabahan pero nilingon at sinagot ko siya.

"Hindi p..." naputol ang sinabi ko dahil hindi pala ako ang tinanong ni Bruce. May kasama siya na isang lalaki at kitang kita ko na hinalikan niya ito sa labi.

Nagtaka ako kung bakit dito pa nila ginawa ang paghalikan. Dahil ba alam nila na nandito ako at gusto nila pagsilusin ako? O dahil hindi nila magawa 'yon sa labas dahil marami ang taong makakiita sa kanila?

Halatang kakarating pa lang ng lalaki.

"Sorry po." dagdag ko at pinagpatuloy ko nalang ang paghugas ko. Mabilis na ang pagtibok ng puso ko.

I Love You FOREVER (bxb) (COMPLETED)Where stories live. Discover now