Chapter 5: BestFriends ❤

21 3 4
                                    

Yeona P.O.V

Madaling araw na ngunit nanatiling dilat na dilat ang mga mata ko.

naka ilang milyong tupa na din ako pero hindi parin ako dinadalaw ng antok. Naalala ko yung sinabi sakin ni kuya kanina.

~Flashback~

Sa Garden ako dinala ni kuya para dun mag usap.

"Sit down Snoey" Tsaka nya tinapik ang pwesto sa tabi nya. Nagpakawala muna ako ng malalim na hininga bago umupo sa tabi nya.

"You know how i really hate to see you cry right?" Dahan dahan ko syang tinanguan.

"Ayaw na ayaw ko ding nakikita kang nasasaktan" Tango lang ulit ang isinagot ko sa kanya, Hindi ko sya binalingan ng tingin dahil alam kong maiiyak nanaman ako, Naaalala ko nanaman lahat.

"As your brother, i want you to be happy" Napatungo ako, Alam ko naman eh. Alam kong nahihirapan din sya lalo na at ang laki ng ipinagbago ko. Hindi na ako yung dati nyang kapatid na laging nakangiti at laging masaya.

"Please Snoey. Humanap ka ng kaibigan wag kang magpakulong sa nakaraan. Its been 3 years! Move on Yeona" Hindi ko na napigilan ang mga luha ko at para silang ulan na patuloy sa pagpatak.

"Sinusubukan ko naman kuya eh. God knows how hard i tried to Forget everything! But im.."

"You're afraid" Pagputol ni kuya sa sasabihin ko, Hinarap nya ko sa kanya atsaka ako hinawakan sa balikat. Sinalubong ko ang mga mata nya. "dont be Yeona. Kuya is here, Wag kang matakot na magkamali ulit, Wag kang matakot na sumubok ulit. Kasi yung kilala kong Yeona? Matapang yun! Laging nakangiti, hindi takot magkamali. Kaya please Yeona... Miss na miss ko na yung dating ikaw." Pinunasan nya ang mga luhang patuloy na dumadausdos sa pisngi ko. And then he smiled. "bunso. Ayokong makikita kang umiiyak ulit ha?" Hindi ko mapigilang mapangiti, im so lucky to have kuya kookie.

"Fix yourself then rest, Magmo movie marathon lang kami sa sala" tumango ako. Tumayo si kuya at agad nyang inabot ang isang kamay sakin.

Nakangiti kong tinanggap iyon tsaka tumayo na din.

~end of flashback~

Hindi ko mapigilang mapangiti,

Tama si kuya kookie. Magkamali man ako ulit alam kong lagi lang syang nandyan sa tabi ko.

Tumayo ako sa pagkakahiga dahil nakaramdam ako ng pagkauhaw. Medyo kumalam din ang sikmura ko dahil hindi ako masyadong nakakain ng maayos kanina, lalo na at Alam kong lahat ng mata ng mga kings ay nakatutok sakin.

pababa na ko ng hagdan ng mapansin kong patay ang ilaw sa Bandang sala, Agad pa kong napatakip sa tenga ng may biglang sumigaw.

"FUCK! FUCK! TAKBO BILIS! MAY ZOMBIE DYAAAAN!" Gusto kong mapatawa ng marinig yun. Nasisuguro kong boses yun ni Marck. (V)

"WAAAH STUPID! WAG DYAN! MARAMING ZOMBIE DYAAAN!" boses naman ni Kuya kookie ang umalingawngaw. Jusko! Buti nalang nasa isang exclusive subd. Kami nakatira, Malalayo ang bahay dito sa isat isa kaya malaya silang magsisigaw ng ganyan.

"HALAAAA KAKAININ NA SYAAA! YUCK! KINAIN YUNG KAMAY! EEEW! MAALAT YAN BRAD!" Agad akong napangiwi ng sundan naman ng boses ni dave (Jhope) heck. Kadiri naman yung pinapanood nila.

"WILL YOU ALL PLEASE SHUT THE HELL UP!? HINDI NA NAMIN MAINTINDIHAN YUNG PALABAS OH!" napangiti ako agad ng marinig ang boses ni Charlie(Suga) Ang dakilang tigasaway nila. Oh well hindi ko naman sya masisisi eh. Kahit ako ayaw kong manood ng ganyan kaingay. Nawala bigla ang gutom at uhaw ko, Parang mas gusto kong makinig sa kanila.

Ang sarap ngang may kaibigan,

Yung kaibigan na totoo sayo. Katulad ng mga kaibigan ni Kuya kookie. Alam kong bago nya mahanap ang mga totoo dumaan muna sya sa mga peke.

Mr Hot Vs Ms ColdWhere stories live. Discover now