Chapter 9: Ang muling pagkikita 💔

29 2 3
                                    

Yeona's P.O.V

"Yeona kausapin mo naman ako, Nakakabaho ng hininga pag matagal kang hindi nagsasalita"
Napangiwi ako sa sinabing yun ni Nerd. Hanggang ngayon ay hindi ko parin alam ang pangalan nya. Gusto ko mang tanungin pero medyo nahihiya ako,

Hindi ko sya nilingon kalalabas lang kasi ng last prof namin mag la-lunch break na din kasi.

Nanatili akong nagpaka busy sa pag aayos ng mga gamit ko.

"Look who's here" Hindi ko mapigilang mapailing ng marinig ko nanaman ang boses ni irez sa likod ko.

Huminga muna ako ng malalim bago sila hinarap, Kami nalang kasi ang tao sa room.

Sinukbit ko yung bag ko tsaka sila tinaasan ng kilay. Si nerd naman ay nanatiling nakaupo habang nakatingala din kayla irez at miss pres.

"Ano nanaman ba yun?" Walang gana kong tanong sa kanila. Nakakapagod palang makipag patayan ng tingin araw araw at makipag batuhan ng mga salita sa kanila. Feeling ko nabawasan ang pinag aralan ko -___-

"Nothing, I just want to teach you some lesson." nag umpisa na syang ikot ikutan ako. Napaikot ang mata ko, Heto nanaman tayo. Tsk tsk.

Kita ko pang tinanguan nya si Miss pres, Kaya agad namang tinungo ni Miss pres ang pinto at nilock yun.

"Sorry but im not interested" Bored kong sabi na agad nyang kinainis. Nanatiling nanonood samin si nerd.

"Pinapa bilib mo ko Yeona. Masyado kang matapang" Gusto kong dukutin ang mata nya ngayon din sa sobrang talim ng tingin nya sakin,

"Bilib? O takot?" Napangisi ako. Tss. Ang lakas lakas sumabak sa asaran pero mga asar talo naman.

Naramdaman kong hinawakan nya ko sa wrist. Ramdam ko ang pagbaon ng mga kuko nya dun pero hindi ko yun ininda, Hindi ko papayagan na makita nila na mahina ako.

"Alam mo hindi kasi ako pumapatol sa mga immature eh." Nginitian ko sya. "College kana ba talaga? Do you know the word Professionalism?"

Nilakihan nya ko ng mata pero hindi ako nagpakita ni katiting na pagkasindak sa kanya.

"I think hindi mo alam yun no? Kasi yung word lang na Bitch ang na master mo" tsaka ko marahas na hinatak ang kamay ko mula sa kanya.

Sinamaan ko sya ng tingin. "Tigilan mo na ko, Nagsasayang ka lang ng oras sakin irez. At sinasayang nyo rin lang ang oras ko." Tsaka ko binalingan si Miss pres na nakabantay sa pintuan.

Tsaka ko hinatak si Nerd sa pagkakaupo. Hindi naman na sya umangal at nagpatangay nalang.

Ng marating ko ang pintuan agad akong hinarangan ni Miss pres. Ang sama sama ng tingin nya sakin.

"Get out of my way" I said wearing my serious poker face.

"Why would i?" Ganti nyang sabi.
"Kusa kang aalis sa daraanan ko, o ako nang gagawa para sayo? Wag mo kong susubukan Miss Pres." Nginisihan ko sya ng makita ko ang sandaling pagdaan ng takot sa mga mata nya. Tsk tsk, Eto ang mahirap sa kanila eh. Pinipilit nilang magtapang tapangan. Tsk! Trying hard eh?

"Hindi pa tayo tapos!" Tsaka sya nagmamadaling umalis sa daraanan ko. Ng sandaling mabuksan ko ang pinto ay agad ko ulit hinatak si nerd. Wala syang imik kaya nilingon ko sya.

And there she is.

Smiling like stupid.

Super stupid!

"Why the hell are you smiling?"
Marahas kong binitawan ang kamay nya.

"Yieeeeh. Kunyare ka pang wala kang pake alam sa iba, Pero ang totoo meron!" Mas lumaki pa ang pag ngiti nya. Napaiwas ako ng tingin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 26, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mr Hot Vs Ms ColdWhere stories live. Discover now