Chapter 6: Meet Zammy.

20 3 4
                                    

Yeona P.O.V

Nandito na kami ngayon sa Van, Nagpabalik balik ang tingin ko sa pitong hari na mukhang puyat na puyat.

"Natulog ba kayo?" Tanong ko,
Agad naman silang nag ilingan,

"Anong ginawa nyo magdamag?" Takang tanong ko ulit. Nasa tabi kasi ako ni kuya kookie sa may unahan since sya ang driver,

Know why?

-_____-

Natalo kasi sya sa laro nilang bato batopik kanina -__-

"Nagtitigan kami." Lantutay na sagot sakin ni Marck (V)

Agad na nangunot ang noo ko. "Anong trip yun?"

"nagtitigan kami kasi nagtatalo kami kung sino ang pinaka pogi samin. Hindi kasi nila matanggap na ako nga yun eh" Gusto kong mapahalakhak ng makitang halos papikit na silang lahat. Maging si kuya ay hirap na ding labanan ang antok.

"Matulog muna kayo." napangisi ako sa bigla kong naisip. Tsk tsk.

"Pano naman ako Snoey?" Nakanguso pang tanong ni kuya kookie. Mas lalo akong napangisi. Uma ayon sa plano ko lahat. Haha!

"I can drive kuya" Agad syang napa preno kaya halos dumikit ang mukha ko sa salamin. Dinig ko din ang malulutong na mura nila sa likod. Mukhang nagising ang mga loko.

"Fuck! Dahan dahan naman margil!" Sigaw ni Charlie (Suga) sa bandang likuran.

"No fucking way snoey! Baka mabangga pa tayo" Matigas na sabi sakin ni kuya.

"Mababangga din tayo lalo na at papikit pikit kana dyan. Mas may chance pang buhay tayong makarating sa Airport kung ako ang magda drive kuya" Nginisihan ko pa sya. Oyeah! Im enjoying this. Sa mukha ni Kuya kookie ay mukhang malapit ko na syang ma convince.

"Let her drive pre, Gusto ko pang mabuhay ng matagal ikakalat ko pa ang magandang lahi ko" dinig kong sabi ni Aaron (Jimin) Paaimple naman akong nag thumbs up sa kanya. Thats right Aaron. Hehe.

"Oo nga. Lilibutin ko pa ang mundo para magkaron ang lahat ng tao ng chance na makakita ng totoong gwapo" Muntik na kong mapangiwi nang kay dave ko marinig ang mga salitang yan, pero hindi na ko kumontra pa. I really want to drive!

"Hayaan mo na si Baby Yeona Margil. Diba tinuruan naman sya ni titong mag drive?" Mabilis akong tumango kay Nicolo (Jin)

"Ugh! Fine! Just be careful Yeona!" kung wala lang ako sa Van ngayon ay baka nagtatalon na ko sa tuwa. alright!

"Copy that kuya!" Nagawa ko pang mag sallute sa kanya bago sa nagtanggal ng seatbelt at nagpalit kami ng pwesto.

Dream come true na itooo!

"Bagalan mo lang" dagdag nya pa na agad kong inilingan.

"Hindi kuya. Malelate tayo," Magsasalita pa sana si Kuya ng mabilis kong pinaharurot ang Van. Wuhooooo! This is so cool!

Dinig ko din ang malutong na mura mula sa mga Hari.

"WAAAAH! PANDA! SLOW DOWN!" Sigaw ni dave (Jhope) na hindi ko naman pinansin. Sa halip ay mas lalo kong binilisan ang pagpapatakbo at nag overtake sa ibang mga sasakyan, Nakarinig din ako ng mga busina.

"Fuck! Kaskasera ka pala Baby Yeona!" Sigaw din ni Emil na ikinatawa ko.

"ITIGIL MO NAAAA HUHU NAHIHILO AKOOOOO" sigaw din ni Marck (V) habang mahigpit na nakakapit sa upuan nya.

Nginisihan ko lang sila sa salamin. "Diba gusto nyo kong sumaya?" Kahit mga hirap ay nagtanguan sila.

"Then this is my happiness" Bakas man ang pagtutol sa mga mukha nila ay mas hinigpitan nalang nila ang kanya kanyang pagkapit.

Mr Hot Vs Ms ColdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon