Chapter 8: Quiz 😂

15 2 1
                                    

Yeona P.O.V

Walang gana akong naglalakad papasok ng DU. Ewan ko ba, Parang tamad na tamad akong ngayong araw.

"Grabe. Balita ko Girlfriend na daw ni king Nicolo si Crisanta"

"Baka naman Chismis lang, Duh. Hindi sila bagay"

"Sinabi mo pa! That skwater girl"

Napakunot ang noo ko sa mga narinig ko, Bah! Iba yata ang taste sa babae ngayon ni Nicolo. Narinig ko kagabi na nag uusap sila ni kuya sa phone. Mukhang may problema sa babae si Nicolo.

Napaka babaero kasi eh. -___-

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa room ko, Agad na bumungad sakin ang nakangiting si nerd. Hindi parin ako nakakapag desisyon kung kakaibiganin ko ba sya.

Hindi ako gumanti ng ngiti sa kanya at umupo nalang sa pwesto ko sa tabi nya. Ina asahan ko ng kakausapin nya ko kaya hindi na ko nagulat ng kalabitin nya ko.

"Oh?" Kunot noong tanong ko sa kanya.

Ngumiti muna sya sakin. "Anong Org ang sasalihan mo?"

Mas kumunot ang noo ko. "Org?"

Tumango tango sya. "Hindi mo ba alam? Kanina inanounce na May mga Org. Required na sumali ka dun."

"Ano ano bang org yun?"

"May Swimming, Photo Capturing, Musicians,Dancing,Poetry Writing, Song Writing. Ginawa daw yun para maipakita ng mga istudyante ang mga talento nila.
Diba astig? So saan ka sasali?" Mahabang paliwanag nya.

Napaisip ako, Marunong akong kumanta at mag gitara, Mahilig din akong sumulat ng kanta.

Dapat ba sa Musicians ako sumali?

"Ano namang mapapala ko pag
Sumali ako dyan?" Ngumiti sya ng malaki sakin.

Nagkibit balikat sya. "Required naman kaya wala kang choice." Dumikit pa sya lalo sakin. Medyo lumayo naman ako. Feeling clode nanaman to.

"So anong sasalihan mo?" Tinaas baba pa nya ang kilay nya. Tsk.

Umiwas ako ng tingin. "Pake mo ba?" May part sakin na gustong matuwa dahil kinukulit nya parin ako kahit na sinusungitan ko lang naman sya lagi.

"Ang sungit sungit mo naman." I mentally smiled. Napansin nya din pala? Akala ko manhid lang talaga sya.

"Tigilan mo na kasi ako para hindi na kita sungitan" Hindi ko sya nilingon.

"Hmmm.." Dinig kong sabi nya kaya napalingon ako sa kanya. Naabutan ko syang parang nag iisip. Pero napakunot ang noo ko ng makitang nakangiti parin sya. Jusko! May saltik na yata ito.

"Ayoko" nalaglag ang panga ko sa sagot nya. "Hindi ako titigil hanggat hindi ka pumapayag na maging kaibigan ko, Hindi ako marunong sumuko Yeona."

Hindi na ko nakapagsalita ng biglang pumasok yung prof namin.

Napailang ako. Tsk tsk, ibang klase.

_______________
Dave's P.O.V

"Hoy! Pakopya" Kalabit ko kay Marck (V) Langya makatakip ng papel to,

May Quiz kasi kami sa Accounting ngayon. At Swear! Hindi ko alam kung anong isusulat sa napaka laking papel na to! (Kung college na kayo. Maiintindihan nyo ko haha)

Nginusuan nya lang ako. "Wala tong laman tanga!" Agad ko syang nilakihan ng mata. Ang damot pota.

"Taena ka maka takip! Wala naman palang laman" Gustong gusto ko syang batukan. Langya. Nagpakahirap pa ko ng kasisilip sa papel nya wala naman palang laman yun? Buset -_____-

"Siraulo ka pala eh. Nagpapabalik balik si Miss sa tabi ko, Sinisilip yung gawa ko! Paano kapag nakita nyang walang laman yung papel ko? Edi nalagot naman ako!" Mahinang bulong nya sakin. Dahan dahan naman akong napatango, Sabagay... may point sya dun.

"Shet! Paano ko to sasagutan? Huhu" Dinig kong turan ni Margil (Jk) Nilingon ko sya.

"Ramdam kita pre" Sinamahan ko pa ng tapik sa balikat nya para mas maramdaman nyang dinadamayan ko sya.

"Tangina. Sino ba kasing nagpa uso ng Accounting na yan! Langya. Dumudugo na yung utak ko"Napasabunot pa sa sariling buhok si Aaron.  Mabuti nalang sa dulo namin naisipang magsi upo. hindi kami rinig ni Miss na nasa harapan ngayon.

"Lol Aaron! Wag kang magpanggap! Wala ka namang utak" Sigunda naman ni Charlie (Suga) Napatungo ako para dun tumawa. Pigil na pigil pa yun para hindi marinig ni miss.

"Nagsalita ang may utak" Tatawa tawang ganti sa kanya ni Aaron. Napailing nalang ako sa kanila. Yan ang napapala ng mga hindi nakikinig sa klase.

napabaling ako ng tingin kay Emil (Rm) na seryosong seryosong nagsusulat sa worksheet nya.

Kinalabit ko si Margil na titig na titig sa Worksheet nya. "Woy" Agad naman nya kong nilingon.

"Masasagutan mo yan kung tititigan mo lang" Tatawa tawang sabi ko bago tinuro si emil na seryosong seryosong nagsusulat.

"Silipin mo nga papel nun. Parang ang daming sagot eh" Nginisihan nya ko bago pasimpleng sinilip ang Papel ni Emil. Katabi nya kasi si Emil sa kanan nya. Sa kaliwa naman ako sa kaliwa ko naman ay si Margil. Nasa likuran sina Aaron,Marck at si Nicolo na may katext yata.

"Brad. Kamay mo!" Pasimple Kong tinitingnan yung dalawa paminsan minsan din akong sumusulyap kay Miss dahil baka mapansin na yung ingay namin dito sa likod.

"Ano ba?!" Mahinang tanong sa kanya ni emil.

"Pakopya naman! Damot pota" Dinig kong sabi sa kanya ni Margil.

"Ano bang kokopyahin mo?" Agad akong napadikit sa kanila ramdam ko din ang prensensya nung tatlo pa sa likod namin. Mukhang medyo sinilip din nila yung papel ni Emil. (RM) sya nalang ang pag asa namin.

"Patingin ng sagot mo" Bigla nyang hinatak yung worksheet ni Emil (Rm) Muntik pa kong mapasutok sa hangin ng saktong lumabas ng room sandali si Miss.

Pero halos malaglag ako sa kinauupuan ko ng makita ang laman ng Worksheet nya.

"Tangna! Drawing?" Hindi Makapaniwalang sabi ni Nicolo.

"Anong ini expect nyo? Na may isasagot ako dyan? Tsk! Pasensya na mga brad. Mukhang mas may talent pa ko sa pagdo drawing eh" kibit balikat nyang sabi. Agad ko syang binatukan. Ganun din ang ginawa ng iba pa.

"tangina! Akala ko may sagot kana. Seryosong seryoso ka dyan!" Singit pa ni Charlie. (Suga)

"Atleast may laman yung worksheet ko. Sa inyo may laman ba?" Sabay sabay kaming napatingin sa kanya kanyang worksheet.

"Wala" Bagsak balikat naming sagot.

"See?" Nagmamalaking turan nya. "Im so great!"

At yun. Sa huli ay pare parehas kaming walang naisagot. -___-

"Sana hindi ko nalang pinasa yung papel ko. Wala namang laman eh" Biglang sabi ni Marck (V)

"Tanga! Ayos lang yan, kapit bisig tayo!" Sabay akbay ko sa kanya.

"Oo. Kapit bisig tayo, Sabay sabay tayong babagsak" Sarkastiko nyang sabi. Na ikinatawa namin.

"Ang tunay na magkakaibigan, Hindi nag iiwanan brad" Singit pa ni Margil tsaka umakbay din.

_____________
Bonus chapter lang po! Hihi medyo maikli 😁 sinasamantala ko lang talaga yung wifi. 😘

Thankyouuu sa mga nagbabasa. Kung meron man. Sana magustuhan nyo 😉

#Musicutie28
//Elaikaaaaaaa.

Mr Hot Vs Ms ColdWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu