Part 24: We Are Bulletproof

588 32 1
                                    


Clue: Napanood niyo naman na siguro ang BLOOD, SWEAT AND TEARS ng BTS diba? Kung ano si Taehyung dun ay yun siya sa story dito hahahaha kaya matatagalan pa bago siya lumabas, siguro pag nagkita na ang dalawa at sa book two madalas na siya.

Para sa di nakakapanood, nasa taas na po.

Ilang chaps to go nalang at magkikita na sila.

Pagmulat ko ng mata ko ay agad napakunot ang nuo ko ng mapansin na nasa isang hindi pamilyar ako na silid

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pagmulat ko ng mata ko ay agad napakunot ang nuo ko ng mapansin na nasa isang hindi pamilyar ako na silid.

Bigla akong umupo pero napadain din ako agad ng makaramdam ng kirot ng ulo.
Nasan ako?

"Zoe, buti gising kana." Agad akong napalingon ng marinig ko ang boses ni Rosè na halatang kakagising lang dahil pipikit pikit pa siya.

"Bakit ako nandito?" Diretsuhang tanong ko.

"Bigla kang nahimatay nung nandito na tayo tapos ito nga, dinala ka namin dito sa Clinic." Sabi niya kaya napatango ako, don't tell me nakatulog siya kakabantay sakin?

"Ganun nga." Sabi niya kaya napasimangot ako, binabasa nanaman niya isip ko.

"Anong oras na?" Tanong ko kaya napatingin siya sa wrist watch niya.

"5:45 ng madaling araw."

"Saan ang kwarto ko sa dalawa Rosè?" Tanong ko ng makarating kani sa dorm, medyo kumikirot parin ang ulo ko pero kaya ko na naman.

"Kaliwa." Sabi niya kaya agad kong binuksan ang pinto dun, napa 'wow' ako sa nakita ko dahil ang laki, may king sized bed na may black at pink na bedsheet, may sariling banyo at closet.

Nahagip rin ng mata ko ang sliding door kaya agad akong pumunta don, may terrace at makikita mo ang tanawin sa ibaba, medyo maliwanag na kaya may natatanaw na ako.

Medyo gininaw ako kaya pumasok na ko sa loob bago ko sinara ang sliding door at niladlad ang kurtina don.

Naglibot kibot ako at nagkalkal sa kwarto, naghahanap ng taguan para sa bracelet na binigay sakin. Isa pa to sa nagbigay ng malaking katanungan sakin eh, para saan to?

Nang makarating ako sa malaking drawer ay nagulat ako dahil naka salansan na ang nga gamit ko doon, inayos siguro ni Rose no? At ang mas nakakagulat pa ay may iba pang damit na magaganda.

Nagkibit balikat nalang ako at kinuha nag twalya para maligo, mamayang 7 daw kami pupunta sa field sabi ni Rosè at 6:15 na kaya dapat na nga akong maligo.

Nang matapos akong maligo ay nagmadali akong mag bihis dahil 6:45 na, Simpleng Black jeans na may ripped sa tuhod at white sando na tinernuhan ko ng black boots na hanggang binti na nakita ko lang sa lalagyanan ng sapatos dito sa drawer.

Dahil tinuyo ko ang wavy kong buhok gamit ay naisipan ko nalang itong iponytail para wala na kong hahawiin.

Bago ako lumabas ay kinuha ko ang black leather jacket bago ko ito tinali sa bewang ko at tuluyan ng lumabas.

The other world: The beginning (BangPink #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon