Chapter 31: So far away

463 30 3
                                    


(Play niyo yan guys ng paulit ulit hanggang sa hindi kayo natapos magbasa, yan ang kantang pinlay ko nung ginagawa ko tong chapter)




(Play niyo yan guys ng paulit ulit hanggang sa hindi kayo natapos magbasa, yan ang kantang pinlay ko nung ginagawa ko tong chapter)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

(Zoe's POV)


Malalim na ang gabi at hindi parin ako makatulog dahil sa nangyari kahapon. Araw araw nalang ganto, hindi ako makatulog kakaisip sa nangyari.


Di ko rin pinaalam kahit kanino ang tungkol sa nangyari kahapon, baka magkagulo lang.


Hindi man lang ako nakapagpasalamat don sa nagligtas sakin, kung di rin dahil sakanya ay baka nadamba nako ng mga wolf at tigok nako ngayon.


"Kung sino ka man, salamat sayo." Wala sa sariling sabi ko atsaka pumikit na para matulog.

***

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mata ko, pumasok agad ako sa banyo kahit nahihilo pa ko para maglinis ng sarili. Buti nalang at walang training ngayon dahil linggo.


"Makikipagkita ako kay kuya mamaya, gusto mo sumama?" Tanong ni Rosè habang umuupo sa upuan para sa almusal.


"Sige." Sabi ko at sumubo ng hotdog pero agad ko din itong naluwa dahil ang init.


"Takaw mo kasi." Sabi niya pero napairap nalang ako.


"By the way, nabalitaan ko na may ball next week ata? Di ako sure pero matagal tagal pa naman. Pupunta ka?" Tanong niya.


"Bakit naman hindi?" Sagot ko at sumubo ng hotdog at kanin. Hello, ball yon at bakit ko naman tatanggihan? Oras na rin yon para mag saya dahil puro nalang training at laging pagod ang katawan kaya it's our time to be happy.


"May gusto nga papa kong itanong sayo." Seryosong sabi ni Rosè kaya bigla akong napa ayos ng upo.


"Ano yon?" Sagot ko.


"Ilang buwan narin ang nakalipas simula nung mapunta ka dito, ni minsan ba ay hindi mo naisip na magpakita sa prinsipe? Hindi mo man lang ba inisip yung nararamdaman niya dahil ayaw mong magpakita sakanya at nagtatago ka. Para lang kayong nagtataguan sa iisang lugar. Wag mo ng patagalin at mag pakita kana bago pa mahuli ang lahat. Pag isipan mong mabuti Zoe." Sabi niya kaya napanganga ako, actually may punto siya don eh pero hindi pa talaga ko handa.


Siguro ay pagkatapos nalang ng training na to para may maihaharap ako sakanya? Sakanila. Like hello sino ba namang maniniwala na may isang babaeng napunta sa mundo ng bampira at ang mas nakakagulat pa ay ng malalaman niyang vampire's soon to be wife siya.

The other world: The beginning (BangPink #1)Where stories live. Discover now