Chapter 36: The End is Near

300 9 0
                                    

Zoe's POV

Hingal na hingal kong isinandal ang katawan ko sa mataas na sanga ng puno, namimilipit din ako sa hapdi nito. Tanging inda lang ang magagawa ko sa ngayon.

Tinaas ako ang laylayan ng gown ko at pigil hiningang tumingala. Bilog na bilog ang napaka liwanag na buwan ngayon. Napangiti tuloy ako, pangarap ko kasing isayaw sa ilalim ng maliwanag na buwan.

Ngunit agad din akong naalarma ng may marinig akong kaluskos, kala ko ay natakasan ko na sila...

Tumayo ako at napadaing nang kumirot nanaman ang leeg ko, damn that girl! Pano niya nalaman na tao ako, hindi kaya...
May hinuha na ako ngunit di ako ganoon kasigurado.

Flashback

"Zoe, kaylangan mo ng maghanda lalo na at pakiramdam ko nalalapit na ang pagkikita ninyo ng mahal na prinsipe." Nakangiting sabi niya at hinawakan ang kamay ko.

Napaisip tuloy ako, gwapo ba yung prinsipe na yun? Charot haha. Napailing ako sa naisip ko.

"Oh bakit ka umiiling?" Tanong niya ngunit napailing ulit ako at hinila siya sa pinaka sulok ng library na ito upang walang makarinig saamin.

"How come Rose? Prinsipe siya ng mga bampira..at isang hamak na tao lamang ako." Mahinang sabi ko kasabay non ay narinig namin na may kumaluskos kaya napalingon ako at nakita ko ang bulto ng babae na mabilis umalis palayo.

"R-rose." Kinakabahang sabi ko, posible kayang narinig niya kami? Napapikit ako ng mariin, ang tanga ko.

Mabilis tumulo ang luha ko, dahil sa takot at kaba. Hindi ko hawak ang susunod na mangyayari, ang pabebe ng mundo saakin.

Mabilis akong umalis palayo don, tinatawag pa ni Rose ang pangalan ko ngunit hindi na ako lumingon.

Hanggang sa dinala ako ng mga paa ko sa tahimik at magandang hardin. Naghanap ako ng lugar kung saan sinigurado kong walang tao.

The other world: The beginning (BangPink #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon