Part 26: Danger

639 27 1
                                    

Tumakbo ako ng mabilis para makaiwas don sa bampirang humahabol sakin, yung suot kong bracelet ay may kakayahang pabilisin ang takbo ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tumakbo ako ng mabilis para makaiwas don sa bampirang humahabol sakin, yung suot kong bracelet ay may kakayahang pabilisin ang takbo ko. Kaylan ko lang ito nalaman simula nung tumakbo ako at suot ko tong bracelet. Pero sa wala akong nararamdamang enerhiya kaya siguro ay takbong bampira lang ang magagawa neto. Kahit ganon ay salamat parin dahil naprotektahan neto ang singsing na suot ko.

Mabilis akong humarap ay pinaikot ang kadenang hawak ko at hinampas sa parang mabilis na dumaan, may bilog na bakal sa dulo to kaya siguradong pag nahampas ka neto ay ewan ko nalang.

Nainis ako nung wala akong natamaan kaya naman mabilis akong humarap sa likod at tinira yon sa hangin.

"Gotcha." Sabi ko ng matamaan yon at biglang natumba. Remember Zoe, illution lang ang lahat. Hindi ka nakapatay ng totoo. Pinagmasdan ko nalang ang bampira na nakahilata sa kalsada na nakasuot ng itim.

"Ahhh." Daing ko ng may parang kumalmot sa likod ko at naramdaman ko nalang na may tumangay sa katana ko.

"Sht." Mura ko naman ng may humila sa buhok ko kaya napatid ang tali. Lalo akong na bwisit ng lumugay ito dahil maiirita ako.

"Fck." Mura ko nanaman ng may nag angat ng buhok ko, napapanain ko ring ang daming nakapalibot sakin.

Agad kong pinaikot ang chain sa kanan kong kamay samantalang agad kong kinuha ang baril sa bulsa ko gamit ang kaliwa kong kamay.

Tumakbo ako papunta sa kotseng malapit sakin at umakyat don bago ko pinagbababaril ang ibang nakikita ko at pinaghampas ang ibang matamaan ng mata ko.

May papalapit nanaman kaya naisipan ko ng tumalon at sinipa sa muka yon bago ako nag landing ng maayos.

"4 more to go." Sabi ko at tumakbo ng mabilis, alam kkng sumunod sila kaya lalo ko pang binilisan hanggang sa medyo nakalayo na ko ay humarap ako bago ko pinagbabaril ang humabol sakin. Asintado yata ako ngayon ah?

Nasan ang katana ko?

Sunod sunod na tumumba ang apat sa sahig kaya napahinga ako ng maluwang. Naglakad lakad ako nagbabakasakaling makahanap ako ng iba kong ka grupo.

Agad akong napatingala ng may bumagsak na tubig sa ulo ko kaya naman mabilis kong sinuot ang jacket sa bewang ko para makaiwas sa lamig.
Puro talsik ng dugo narin ang puti kong sando.

Dahil sa tingin ko ay wala naman akong mapapala kung papasok pa ko sa building ay hinayaan ko na lang ang sarili kong maglakad sa gitna ng kalasada habang umuulan.

Binuksan ko ang pinto ng isa sa mga kotse na nakakalat doon at nagkalkal ng medkit mag babakasakaling meron.

Ng may mahanap ako ay mabilis akong pumasok don at hinubad ko ang jacket ko para gamutin ang mga kalmot na natamo ko.

The other world: The beginning (BangPink #1)Where stories live. Discover now