Chapter 03

22 4 0
                                    


"May anemia ka?" Yan ang huli kong narinig kay Blade bago magdilim ang buong paligid ko. I theb heard faint foot steps

I opened my eyes just to see two men staring at me like they haven't seen a girl for decades. Kaya bago pa ako matunaw sinabihan ko na sila

"I'll melt" sabi ko sa kanila at tinangkang  umupo sa kama nang biglang pumasok si Blade at tumakbo sa gilid ko

"No, rest princess" princess? Niloloko pa ako ng lalaking 'to?

"Kanina lang tinatawag mo akong idiot, ngayon princess? Anong nakain mo?" Sabi ko sa kanya at humiga na uli sa kama. Baka sumabog nanaman ang bulkan

Magsasalita palang yung lalaking may itim na buhok pero naputol yun nang may dalawang babaeng pumasok sa kwarto

"What's this?" Turo niya sakin

Diba sila yung babae kaninang umaga? Patay

"Ospital to Klaire. Ano ka ba?" Sabi nung maliit na dyosa
"Duh, alam kong ospital to Ash, I mean, bakit.. anong nangyari dito?" Tanong niya

Ah, sila yung Ashielle at Klaire

"Well, ano nga ba--" eto nanaman si Mr. Tagaputol

"Hinimatay ka kanina. Kung sinabi mo naman kasi sakin na may anemia ka nang mas maaga edi dapat nabilhan kita ng pagkain" sabi niya. Bakit ba ang hilig niyang mamputol?

"NAMUTOL KA NANAMAN!" Sabi nung apat sa kaibigan nila

"Alam ko naman kung anong itatanong at isasagot sa kanya eh, so ano?" Sabi niya

Bago pa makapagsalita yung mga kaibigan niya, nagsalita na ako

"Pero dapat pinatapos mo manlang muna ako" I said coldly at bumangon na sa kama at naglakad papunta sa pinto only to see a doctor approaching

"Oh? Gising ka na pala?" Tanong niya

"I'm sorry pero dapat mag-stay ka muna dito hanggang bukas. Magpahinga ka na muna" sabi niya at ngumiti sa akin

"Pero, first day palang ng school ngayon! At wala ako! At scholar lang ako dun! Ano nalang mangyayari sa grades k--" naputol nanaman ako

"I'm sorry, if not because of my short-tempered, idiotic son, this would not happen to you" sabi niya

Mag-ama nga, ang hilig mamutol=.=

"Pero-" sabi na nga ba mapuputol rin ako eh

"Pero kung gusto mo, pumasok ka bukas at kopyahin mo ang notes nadadalhin ko bukas. Mag-isa ka nga lang" sabi nung lalaking maitim ang buhok na di ko alam ang pangalan

"Sorry, who are you?" Tanong ko, at nagulat naman sila

"I'm sorry. Ako nga pala si Zen Lucas Hiro. At ito naman nasa tabi ko na napakatahimik at blonde ay si Xenon Dauntale" sabi nung lalaking black na medyo gray ang buhok

"Leanna, Leanna Brookstone" sabi ko at ngumiti nalang

"Hi, ako nga pala si Klaire Yoon.  At ito namang pandak kong bestfriend ay si Ashielle Lyanna Grey" at napatango lang ako sabay sabi

"Nice to meet you"

"Blade, pakilala ka" sabi ni Klaire

"Thunder Blade Flynn" yun lang? Okay, wala naman ang ine-expect dito sa lalaking to

Where It All StartedWhere stories live. Discover now