Chapter 05

6 3 0
                                    

(A/n: pasensya na talaga kung sobrang pangit. Pwede niyo naman ako patigilin eh)

-----**

Nakarating na kami sa tapat ng gate at isa isa nang bumaba. Pag-baba ko naman ng van, bigla akong nakarinig ng mga bulong... na parang hindi bulong =.=

"Kahapon si Blade lang kasama niya, bakit ngayon yung buong grupo na?"

"I they're... ya know what I knows? Deceives?"

"Gaga, ayusin mo nga muna yang grammar mo!"

"Ay! Wala na akong pake dun!"

Ayusin mo muna nga kasi=.=

"Ano yan? Magiging official member na ba siya?"

"Okay na rin. May itsura naman siya. "

"Basta dapat si Klaire parin dapat ang Queenka, tapos si Ashielle ang Sweet princess.. at... siya... innocent?"

"Baka, bagay naman. Pa-inosente nga lang"

"Baliw! HAHAHA"

Binale-wala ko nalang sila at tumuloy na rin sa pagpasok sa school, pero bigla akong pinatid ng isang babaeng... coloring book?

Coloring book na naglalakad, buhay, at nakasuot ng uniform ng Moonlight Academy. Posible ba yun?

Bumangon ako sa putik, akala ko mukha ko lang yung sumubsob pero pati pala yung uniform ko! Nakakainis! Puno pa naman yung labahin, tapos.. argh!

"Stand up" sabi ng lalaking kasama ng babae

Ano naman siya ngayon? Jewelry shop?! Dinaig pa yung babae sa mga suot niyang abubot eh!!

Tumayo nga ako pero tinulak niya ako, at yung lima, andun, nakatalikod sa akin

Kaya ayokong umaasa sa iba eh

Nakita kong napatigil si Blade at tinanggal ang headphones niya, tumingin sa likod at napalaki ang mata niya sa nakikita niya. Binubuhusan lang naman ako ng suka pagtapos nila akong batuhin ng itlog at lagyan ng harina.

Napatingin din yung dalawang lalaki(Zen at Xenon) na kanina lang hawak hawak ang mga cellphone at kung ano ano ang kinakalikot

"Princess!" Sabi ni Xenon

"LEA!!"-Zen

"Anna!"- Blade

Tumakbo silang tatlo sa 'kin at tumingin naman sina Ashielle at Klaire kung bakit

"Lean!!"

"Besh!!"

Tumakbo rin sila papunta sa direksyon ko kaso sinisimulan nang bugbugin nila Xenon, Zen at Blade yung mga lalaking naka-hawak sakin at yung mga pasimuno, wala namang babae na nambato sakin ng itlog o ano eh. Mga lalaki talaga. Minsan iniisip ko kung mga bakla ba yung mga andito

*PRRRRRRRTT!! PRRRRT PRRT PRRRRRRRT!!*

May narinig kaming lahat na sumipol, at nakita ko na yung adviser ng mga senior namin

"ANONG NANGYAYARI DITO?!" Naptigil naman sila sa pagbubugan

Yung pose nila, si Xenon hawak hawak yung ulo nung lalaki at dapt sasampalin na, si Zen hawak yung collar ng dalawang lalaki at dapat paguuntugin na niya dapat, si Blade naman, nakayuko at hawak yung braso nang lalaking nakahiga sa lupa

At ngayon ko lang din napansin na andami nang nakapalibot sa amin at yung iba hawak hawak yung mga cellphone nila at vini-videohan lahat nang nangyayari, pati yung mga taga-ibang school nakatingin na rin sa labas ng gate at nagbubulungan

Aish, Tignan niyo anong ginawa niyo! TO MY OFFICE! NOW!!" Sabi ng Dean slash adviser ng mga Senior namin, napatingin naman siya sakin at napansin na amoy suka ako

"And you! Palitan mo ang damit mo bago ka pumunta sa office, ayoko nang madudumihan ang office ko!" Huling sigaw niya bago siya pumunta sa loob ng building

●●●Dean's Office ●●●

Natapos na akong maligo... uli, at pinahiram ako ni Klaire ng uniform. Pagpasok naming dalawa, nakita namin si Ash na umiiyak sinasabi na "ngayon lang ako napa-office" "mama tulong" at iba pa

"Ngayon, pwede bang paki-explain ang nangyari kanina?" Sabi ng Dean

"............" Walang nag-salita, ni isa sa amin

"*sigh* sino nag-simula?" At dun nagka-gulo gulo

Sina Xenon, Blade at Zen tinuro sina, Jason, Matthew at John at sina Jason, Matthew at John naman tinuro ako

Ano ba to?

Tumingin sakin yung dean at parang may usok na lumabas sa tenga at ilong niya

"Ms. Leanna Brookstone. Kabago-bago mo palang eh nagdudulot ka na agad ng gulo, alam mo naman siguro na kritikal na ngayon ang sitwasyon mo lalo na't scholar ka diba?" Tumango ako atsaka sinabing, "Sorry po. Di na po mauulit"

"Sir 'di naman kasi siya yung nagsimula eh!" Sabi ni Klaire

Klaire's POV:

(Hi sa inyo)

"Sir 'di naman kasi siya yung nagsimula eh!" Sabi ko

Bakit? Totoo naman eh. Batukan ko mag-sabi ng OO diyan. Tamo

Ngayon, pagtapos ng ilang minutong pagle-lecture sa amin(na di naman talaga namin kailangan)

Inutusan kami ng panot na Dean na to, na linisin yung soccer field as a punishment para sa ginawa naming "kasalanan"

---

"Bakit ba di kasama yung bruha?" Tanong ng isang lalaking akala mo gwapo

"Maarte amp!" Sabi naman ng isa

Sabay nakita ko na naka-upo lang sila sa hagdan na upuan din

Binatukan ko silang parehon gamit yung handle ng walis ting ting

"Aba mga loko pala kayo eh! Sasabi-sabihin niyo na maarte at hahanapin niyo kung nasan siya eh di naman kayo nakilos?! Wag puro dada letse" sabi ko. Hinawakan naman ako ni Blade sa wrist ko

"What?!" Reklamo ko, kasi tinignan niya ako ng tumigil-ka-na-sa-ginagawa-mo look na para bang may ginawa akong mali

Isa pa to eh

Ano nanaman ginawa ko?!" Tanong ko

"Basta" sabi niya sa 'kin tsaka hinatak palayo sa dalawang lalaking binatukan ko kani-kanina lang, pero bago yun, tinignan niya muna nang masama yung dalawang lalaki

"Naka-inom na kaya ng gamot si Lea?" Tanong ni Zen habang nagwa-walis

Tumingin naman si Xenon sa kanya

"Tawagan niyo" maikling sabi nito

Itong lalaking 'to talaga, ang lakas makapag-praise sa sarili kapag sa chat pero sa personal ang tahimik. Ang gulo niya

"Wait" sabi ni Blade

May number siya ni Lea? Ang alam ko napaka-private nun at ako lang ang nakaka-alam. Pero bat pati si Lea alam na? Ano ba talaga meron dito kay Blade? Nag-iiba siya kapag si Lea pinag-uusapan

"May number ka niya pre? Naks!" Sabi no Zen na nabatukan naman ni Ash

;edi kunin mo number niya mamaya! Di yung naiingit ka diyan sa wala!" Sabi ni Ash

Napa-iling nalang ako sa mga pinag-gagagawa ng mga kasama ko at pinagpatuloy na ang ginagawa ko

---

Hi sa mga nakakatiis magbasa. Naawa naman ako haha

Naputol kasi, so yeah

Where It All StartedWhere stories live. Discover now