Chapter 14-Don't Grow Up so Fast

2 0 0
                                    


Xenon: Uiiiiiiiiiiiiiiiiiiii, ano na? Tapos ka na ba sa ginagawa mo??!!

Me: hindi pa nga. Ang kulit neto eh. =.=

Xenon: Sensya na princess. Bored ako eh

Me: so ako pampalipas oras mo ganun?

Xenon: Hindi naman sa ganun...

Me: anong 'Hindi naman sa ganun"?! Kutusan kita dyan eh!

Xenon: Yiie. Nagch-chat na sya oh

Me: Qt que kasi

Xenon: Ay ganun?

Me: Oo wala ka nang magagawa

Xenon: ....

Me: oh problema mo?

Xenon: ayiieee. Worried sya

Me: ay ewan ko sayo

Xenon: ay eto naman. Baeb sorry na

Me: Babe mo mukha mo =.=

Xenon: opkors! Gwapo ako eh

Me: Kasing gwapo ng baboy

Xenon: ganun ba ako kataba?

Me: Obvious ba?

Xenon: cold as always

Me: Alangan hot?

Xenon: H.O.T ka kaya

Me: Tigilan mo ako

Xenon: ayoko nga

Me: Bahala ka sa buhay mo

Sa limang minuto, yan ang napag-usapan namin ni Xenon sa chat. Ang kulit kasi, palibhasa kung san nalang mailagay yung gamit niya okay na sya

Narinig ko naman na may nagbabangayan sa taas, at sa tingin ko, sina Xenon at Ash yun

Seryoso. Umamin nalang kaya sila sa isa't isa at tigilan na yung away away na yan?

Umakyat ako sa taas at inabutan ko na hinatak ni Ash pabalik si Zen sa music room

Interesting

"Ano nanaman?!" Zen

"Anong ano nanaman ka dyan?! Ako dapat nagtatanong niyan eh!" Ash. Feel ko na gigil na gigil na siya

"Oh anmeron?" Zen. Cold. Kelan pa? Kala ko isa pa tong mahangin

"Argh!! Pupunta punta ka dito tapos di mo sasabihin dapat mong sabihin?!" Sabi naman ni Ash

"Wala naman akong sasabihin eh."

"Eh bakit ka umakyat dito?"

"Akala ko kasi may angel na nakanta kaya pinuntahan ko. Yun pala boses lang yung mala-anghel, ampangit kasi ng kausap ko. Buti pa ako gwapo" Zen. Kahit kelan talaga

Pumasok na ako sa music room kasi baka kakalipat lang namin masira na buong bahay

"Mag-aminan nalang kaya kayo?" Sabi ko habang naka-taas ang kanang kilay and naka-cross ang mga braso

Where It All StartedDonde viven las historias. Descúbrelo ahora