Nakaupo ako I mean kami ngayon sa sofa na nakaharap sa isa pang single sofa kung saan dun nakaupo si mommy..
Galit ang nakikita ko sa mga mata nya. Alam kong mali ako. Alam kong di ko dapat toh ginagawa pero wala na ehh.. Andito na.
Nagawa ko na.
Nagsinungaling pa ako. Nakapag sinungaling pa ako.
"Spill it now Mia .. May relasyon ba kayo ng lalaking may asawa na toh?"
Di ako nakasagot. Natatakot ako. Natatakot ako na baka pag hiwalayin nya kami.. Natatakot ako sa maaaring mangyari..
"TELL ME !" Omy god.
Lumalabas nanyung side ni mommy.. At ang lumabas ay yung super nakakatakot.."M-mom, A-ano k-kasi..." Di ko alam kung anong sasabihin ko..
"Ano?!"
"May relasyon po kami ng anak nyo." Sabi ni Alex.
"God !" Napatampal si mommy ng mukha nya at para syang umiiyak..
Lumapit ako sa kanya at saka sya niyakap kahit na inaalis nya ako sa tabi nya di pa rin ako nagpatalo.. I feel sorry to her.
"Ma, sorry" I said while stroking my hand to her back..
"May asawa yang tao mia!" Sabi nito habang nakalagay pa din yung palad nya sa kanyang mukha.
"Pero ma hiwalay na sila."
"So ano? Ha?! Mia! Nakakahiya ka!"
Sabay tayo nito dahilan ng pag alis ko sa yakap sa kanya..
"Your dad will know about it.!"
Tska sya umalis ng unit na ito..
Napaiyak na lang ako sa harap ni alex naramdaman ko naman ang kamay nya sa aking likod habang hinahagod nya ang aking likod ay lalo akong napapaiyak .. Pag mas lalo akong kino comfort lalo akong napapaiyak.. Haii..
~~~~
Dumating yung hapon. Kanina pa wala dito si Alex kasi pina alis ko na sya. May posibilidad kasi na pumunta ulit dito sila mommy ng walang paalam..
Hanggang ngayon natatakot pa din ako. Ayokong mag isip na papunta sila ngayon dito. Ayoko talaga isipin kasi once na maisip ko na pupunta sila dito paghihiwalayin talaga kami kahit na sinula una palang ay alam ko na mangyayari ito.
Sa mga sandaling nakaupo ako dito sa sofa sa may sala ay napapatingin ako sa may mini monitor doon dahil na bukas yun nakikita ko yung mga dumadaan at kung sakaling baka andyan sila daddy. Mas makakapag handa ako ng sarili ko.
Nung mag alas- sais na ng gabi ay agad akong tumayo sa kinauupuan ko at nagpunta sa may kusina para magluto ng kakainin ko dahil sa gutom na ako. Ayoko namang magpa room service dahil nakakasawa na din kaya minsan ang mga putahe nila kahit masasarap ito.
Habang busy ako sa pag luluto ay nakarinig ako ng pag doorbell na nagmumula sa labas. Sila dad na kaya yun??
Sana naman hindi. Pinatay ko muna yung stove at naglakad . Kaba at takot ang nararamdaman ko. Habang papalapit ako ng papalapit dun ay naaninag ko na yung isang imahe ng babae ang nasa labas ng unit ko. Hindi nga ako nagkakamali. Ang babaeng ito ay walang iba kundi si kyla. Ang asawa I mean ex ni alex.
Naalala ko na nag pafile na sya ng hearing. Alam ko na ngayong linggo yun pero di ko alam kung anong araw.
At anong ginagawa nya dito? May alam na ba sya tungkol sa aming dalawa ni Alex ? Sana naman wala. Kung meron isa pa ito sa mga gulo.
Binuksan ko iyon ng dahan dahan. Nasalubong ako ng isang malakas na sampal na nagmula sa mga palad ng babaeng ito. Anong karapatan nya para sampalin ako!? Gulat pa din ako sa ginawa nya.
"Hiwalayan mo ang ASAWA ko!"
Inemphasize pa nya yung word na ASAWA. Alam kong asawa nya pa rin si alex pero wag namang ipagmukhaan noh? Ang sakit lang eh. Mas masakit pa sa pagsampal nya sa akin!"Ano!? Hindi mo gagawin? Huh? May anak kami Miss Mia. At mapanghahawakan ko yun! Mas malakas pa din ang aking side kesa sa kanya. Kahit anong sabihin nya sa magaganap na hearing alam kong ako pa din ang mananalo!"
Hindi ko alam ang sasabihin ko.
Hanggang sa.
"Misis Kyla Delgado." Napatingin ako sa nagsalita. Si dad kasama si mom.
Nakita ko ang ekspresyon ni Kyla na parang gulat at kinabahan.Misis Delgado~~ shit !
"Hindi pa tayo tapos." bulong nito sakin tska naglagpas kanila dad. Hindi pa tayo tapos ?? Anong ibig nyang sabihin dun?
Naramdaman ko na lang ang pagpasok nila mommy kaya nasundan ko na lang ito ng aking tingin. Bawat kilos nila di ko mabasa.
Alam kong sermon ang makukuha ko sa kanila pero hindi yung basta sermon na pagsasabihan lang. Alam kong mas malalalim pa sa inaakala ko.
Goodluck sakin ~~~
~~~~
Thank you :)
BINABASA MO ANG
MISTRESS [COMPLETED]
RomanceHindi sa lahat ng pagkakataon, ang kabit ay palaging pangalawa, sa batas oo pero sa puso hindi. Bakit ba naghahanap ng bago kung kuntento naman ang tao sa'yo? Minsan hindi natin kailangang husgahan ang kabit base sa kung anong nakikita natin, hindi...