"Great ! So when will you start ate??" Tanong sa akin ni mara ng maibalita ko sa kanya na natanggap na ako sa trabaho ko. Wala kami sa bahay andito kami sa isang bake shop sa may QC.
"Bukas, inayos ko lang kanina yung mga kailangan ko.. Kumusta ang studies mo?""Okey naman ate. Anyway, mom and dad always fighting this past few days. And I also heard your name. Do you know what the cause of their arguement?"
"Ahm I don't know.." I said in a low tone. Oo nga pala after namin kaninang mag usap ni alex eh inihatid nya ako sa resto . And then after I did everything in resto I called mara to meet me here and syempre we need some bonds.
"Ahh I thought you're involved. So how's kuya bry?"
"I think he's fine... We're not seeing each other this past few days because of some reasons.. "
"Ow. Are you two in a relationship already??"
"Mara !""Haha you're so defensive ate. I'm just asking. May chemestry naman kasi kayo ehh"
"Ha-ha funny tsk."
Were just talking hanggang sa mag 6pm na. Nagkahiwalay na kami dahil baka hanapin na sya sa bahay. Ako naman ay nag stay muna dito ng mga ilang minuto dahil parang ayaw ko pang umuwi.
Maya maya ay nagtunog ang cp ko kaya kinuha ko agad yun sa bag ko na dala dala mula pa kanina.
ALEX CALLING...
I swipe the answer button.
"Alex? "
(Nasan ka ? Wala ka pa dito sa condo mo)
Hayy nandun ba sya?? Ano ba yan..
"Nasa isa pa akong bake shop.. Kanina ka pa dyan?"
(Hindi naman. Text me the address i'll fe----)
"No, ahm aalis na din ako. Magtataxi na lang ako. Just wait for me okey? Bye"
Tska ko hinung up yung tawag. Agad naman akong tumayo sa kinauupuan ko at nag alis na ng bake shop na yun.
Mukhang traffic pa. Agad akong nagpara ng taxi at tska sumakay.
Nagpahatid ako sa condominium where I am living..
Pero mukhang matatagalan pa ako makarating dahil sa super traffic na.
I text alex na mukhang matatagalan pa ako dahil sa traffic nga..
"Manong hindi ba umuusad??" Tanong ko sa mamang driver.
"Pasensya na ma'am pag ganito po talagang oras eh sobrang masikip na ang daan." Nagtango naman ako. Napasandal na lang ako sa board netong upuan. Dapat pala kanina pa ako umalis ehhh.
---=-
"Masyado bang traffic?" Tanong sa akin ni alex pagkadating ko dito sa condo ko. Napansin ko na may suot syang apron nagluluto ba sya??
"Oo eh. Nagluluto ka?"
"Yeah. Mag bihis ka muna tska tayo kakain.. We'll talk after we eat" Nagtango naman ako at nagderetso na sa kwarto ko. Napansin ko yung isang black na malaking back pack sa may kama ko kaya lumapit ako dun at binuksan yung zipper nung bag.
Mga gamit ito ni alex. May damit , short and i think underwear. Sa may maliit naman na zipper eh may lamang mga pabango at kung ano ano pa.
Anong balak nya?? Mamaya ko na lang sya kakausapin tungkol dito. Nag kuha ako ng damit , short at pang ilalim ko tska ako nagpasok sa cr para maligo.
After kong maligo ay naglabas ako ng nagpupunas ng buhok gamit ang aking towel na kulay pink.
Nag upo ako sa kama at doon nagpatuloy magpunas maya maya ay bumukas yung pinto dito sa kwarto ko.
"Kakain na , tara?" Nagtango naman ako sa kanya ini hunger ko muna yung towel at isinabit sa likod ng pinto. Nagsunod ako sa kanya papunta sa may kusina.
Naka ayos na lahat kakain na lang talaga ang kulang.
"Adobo? Thanks alex for preparing this food"
"No problem. I like your scent huh.." Umupo na ako sa upuan dito at naupo na rin naman sya sa may tapat ko. Pinagsandok nya ako ng kanin at ulam.
"Anong ginagawa mo sa bake shop kanina?" Tanong nya sa akin. Ako naman ay tinapos ko muna yung nginunguya ko tska nagsalita
"Nagkita kami ni mara kanina.. We talked hanggang sa mag 6 na. "
"Ahh. .. Kumusta na parents mo? Galit ba sila?""I think yes."
"Don't worry. I will tell you a good news after this"
"Ano ba yun?"
"Later."
After naming kumain ay sya na ang nag offer na maghugas dahil sa hindi ko alam na dahilan wala syang sinabi sakin eh. Pinauna nya na ako sa may sala, binuksan ko lang yung TV at nanuod ng kung anong palabas dito.
Maya maya ay nakaupo na pala sya sa tabi ko ng di ko napapansin. Siguro ay masyado akong nalibang sa panunuod ko.
"Napaperma ko na si Kyla sa annulment paper namin.. " agad naman akong napatingin sa kanya.
"Really??"
"Yes.. Hiwalay na kami legally kaya wala ng dapat ipag alala... "
"How about your children?"
Bigla naman syang natahimik. Ano??
"Pero sa kanya ang bata.. "
"Huh? Bakit di mo kinuha?"
"Pag kinuha ko ang mga bata. Hindi nya pepermahan ang paper.""Basta mahiwalay na kami sa papel okey na yun. Para yun sayo kaya ko ginawa yun. Alam mo namang mahal na mahal kita mia" tska nya hinalikan yung noo ko.
Nakaka konsensya ang mga ginawa nya. Baka sa kabila ng lahat ng mawalan sya ng responsibilidad sa bata.
"Oo nga pala bakit may gamit ka sa room?"
"Ahh i'll stay here mga 2 days"
"Ehh bakit parang walang mga suits yun?"
"Nag leave ako"
"Bakit?"
"Nakakapagod din magtrabaho ehh... "
"Bahala ka. Basta ako wala dito bukas at sa susunod na araw dahil magiging busy ako""I know. Bibisita rin naman kasi ako sa bahay eh" nagtango naman ako sa kanya..
----=-
D2 MUNA POOOO!!
THANKS!!
BINABASA MO ANG
MISTRESS [COMPLETED]
RomanceHindi sa lahat ng pagkakataon, ang kabit ay palaging pangalawa, sa batas oo pero sa puso hindi. Bakit ba naghahanap ng bago kung kuntento naman ang tao sa'yo? Minsan hindi natin kailangang husgahan ang kabit base sa kung anong nakikita natin, hindi...