•01• Loser

130 7 19
                                    


Chapter 1: Loser

"Give me that bracelet." Utos ni Sydney.

Sydney Jacobs.

Most popular, rich, slut, and bad girl in our campus. Walang kahit na sinong matapang na kayang talunin siya sa kahit na anong bagay. Lahat ng gusto nya nasusunod. Lahat ng lalaking gusto nya, dapat sakanya lang, at lahat ng babae dito sa campus inggit sakanya. At isa na ako doon.

Paano ba namang hindi ako maiinggit? Eh nasakanya na ang lahat. Lahat ng uri na magugustuhan ng mapa-babae man o lalake. Samantalang ako...walang nakakakilala sa akin. Walang kahit na sino ang gustong kumausap sa akin. Walang magagarang kotse na maipapakita, at wala din magagandang damit na maipapasikat sa iba.

I'm just nobody with my black skirt and old, dirty shoes.

At ang bracelet na tinutukoy nya na ibigay ko sakanya, yun lang ang meron ako.

Binigay iyon sa akin ng ex-boyfriend ko na si Troy. Siya ang pinaka una kong naging boyfriend at sya din ang nag iisang lalaking nagbigay sa akin ng ganito ka eleganteng bracelet.

He's the only one who made feel so special.

Pero nawala din sya sa akin. Kasabay nun ang pagkawala din ng kaibigan ko na si Kylie. Trahidor sya. Hindi ko inaasahan na ang isang kagaya nya ang gagawa sa akin ng ganon kasakit na bagay.

She stole the only guy in my life. The only guy who made me happy.

Naglalakad ako papuntang locker room non, at nakita ko silang dalawa na naghahalikan. Hindi muna ako pumasok non at tinignan ko pa ang susunod na gagawin nila. At doon ay narinig ko ang usapan nila. Kung paano nila sasabihin sa akin ang tungkol sa kanilang dalawa.

Niloko nila ako. At yun ang pinakamasakit na nangyari sa akin. Hindi ko na kinaya pa ang naririnig ko at tumakbo na ako papalayo. Kasabay ang walang hintong pagbuhos ng mga luha ko.

I never stopped crying after that day.

I stopped eating.

I stopped attending school for days.

And I also stopped talking to them.

Pagkatapos ng ginawa nila, hindi ko na kakayanin pa na makita ang pagmumukha nilang dalawa.

Pero ng muli kaming magkita ni Kylie, doon ko sinabi na alam ko na ang lahat. At sinabi ko na din na wag nya na akong kausapin, at huwag na din lumapit sa akin. Umiyak sya at humingi ng tawad pero, sa oras na yon, sa tingin ko ay hindi ko pa kaya. Nilayuan ko na silang dalawa.

Even if it's the hardest thing to do.

Even if it's going to kill me.

Even if I'm going to be a wallflower again.

I don't care. Hindi ko kayang makita ang manlolokong kagaya nila.

At ngayon, sila din ang dahilan kung bakit papasok ako sa isang bagay na hindi ko inakala.

Kinausap ko si Sydney. Bagay na hindi ko inakalang makakaya ko. At doon ay sinabi ko na gusto kong sumali sa grupo nila.

And guess what, tinawanan lang nila ako.

Hindi ako nagpatinag at pinatunayan ko na gusto ko talaga masali sa grupo nila. At sinabi ko din na gagawin ko ang lahat para lang payagan nila ako.

Siguro nga maiisip niyo na baliw na ako para lang ipagsik-sikan ko ang sarili ko sa isang kagaya nila, pero sa tingin ko, ito nalang ang last choice para hindi ako maging mag isa.

Dahil ang pagiging mag isa ay ang bagay na pinaka kinatatakutan ko.

At kahit na paulit-ulit na nila akong kawawain-yes you heard was right, this isn't the first time- ay hindi pa din ako sumusuko.

What Losers Can WinWhere stories live. Discover now