•08• Savage Girl

54 1 0
                                    

_____________________________________

A/N: I just want to inform you guys that Pammie swears/curses a lot! HAHAHA. Please don't hate me :(
_____________________________________

Chapter 8: Savage Girl.

Pammie's P.O.V.

     Nagbabasa ako ng libro habang nakaupo. Nandito pa rin ako ngayon sa trabaho ko sa school. Isa akong crew /slash/ waitress /slash/  minsan taga hugas ng plato na rin.  Hirap diba? Pero yan yung buhay ko. Nagtataka siguro kayo kung nag aaral pa ako. Syempre oo! Mga ugok!

Dito rin ako nag aaral sa St. Querto University. At halos sa isang araw, dito na ako nakatira. Uuwi lang ako sa bahay para matulog, maligo at maghanda ng mga gamit. Minsan kasi kung uuwi pa ako sa bahay eh baka ma-late pa ako dito sa trabaho ko sa school. Oo, mahirap sya, pero worth it naman eh. Kasi nakakapag aral ako.

Ang mahirap lang talaga, eh pakisamahan yung mga famewhores, bitch, at mga maarteng babae na akala mo kung sino dito sa school. Oo, sinusubukan nila ako. Pero, gago ba sila? Hindi ako kumikilala ng kunsino ditosa school. Nandito ako para mag aral, at hindi para apihin ng ganun ganun nalang.

Hindi ako yung tipong mabait, at di rin naman masama yung ugali ko. May kasabihan ngang; "My attitude depends on how you treat me." Oh pak! English yan!

Hindi ko rin ginustong magsuot ng mga kuleretes sa katawan. Hindi ako nagsusuot ng dress. Kasi yung once na nagtry akong magsuot  dress, pinagtawanan ako ng mga kamag-anak ko kasi parang lalake daw ako maglakad.

Pero gusto ko lang malaman niyo na kahit ganito ako, maton, boyish, parang di lalake, at di nagsusuot ng dress o kung anong pang babaeng damit, babae pa rin ako! Okay? Lalake, este, BABAE pa rin ako!

"Oy Pammie, aalis na 'ko ah? Bye!" Sabi sa akin ni Audrey kasama kong nagtratrabaho dito sa canteen.

Hay, buti pa sya makakauwi na.

Tinungo ko ang ulo ko sakanya, "ay sige, ingat!" Tumayo ako at nilagay muna ang libro na binabasa ko sa ibabaw ng upuan.

"Asikasuhin mo dito ah? Wag ka papakita kay Ma'am na nagbabasa ka, mayayare ka do'n" payo nya.

Tinungo ko ang ulo ko.

"Oh sige na, Pammie babyee!"

"Byeee!" Kinawayan ko sya, at nagmadali na syang umalis para sa next subject na papasukan niya.

Napabuntong hininga ako, at nangalumbaba ako habang nag aantay ng costumer.

Mamaya-maya  pumasok si Liam Dy. Kasama na din ang mga kaibigan niyang gago. Walang ginawa kundi makipag landian kapag recess. Madalas ko silang nakikita na nakikipag harutan sa mga babae, kapag breaktime. At 'di ko talaga maiwasang hindi mairita kapah nakikita sila kasi tangina lang, kalalaking tao ang lalande! Kulang nalang lahatin lahat ng mga babae dito sa school!

Pero ang pinagtataka ko eh 'di nila kasama si Marcus. Sa grupo nila, si Marcus lang ang madalang kong makitang makipag harutan sa babae. Kasi sabi nila masungit daw at medyo may pagka snob. Pero one time, nakita ko rin na may kahalikan sya sa library. Hayyy! Walang pinagkaiba! Isa 'ring pakboy.

Kung tutuusin naman eh lahat sila, masungit at snob, pero mga hinayupak, namimili lang sila ng babaitan nila at pagkatapos lalandin!

Dapat sa mga kagaya nila pinuputulan ng kaligayahan!

Nahtatawanan at maingay na nag uusap ang grupo nila Liam, bago tumungo sa akin para umorder ng pagkain.

Inabot nya agad ang pera nya, "Cokefloat, french fries, tsaka..." tumingin sya sa menu, "isang slice nung buttercup cake." Order nya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 22, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

What Losers Can WinWhere stories live. Discover now