Chapter 13

1.5K 38 0
                                    

Chris's POV

Di niya talaga naaalala yung convo namin kagabi. Di ako maaaring magkamali. Galing yun sa bibig niya eh. Pero baka nasabi niya lang yun dahil lasing siya.

//FLASHBACK\\

Asan na yung babaeng yun? Baka ano na mangyari dun!

Pauwi na sana ako pero nang makita ko yung bagomg bukas na bar. Mga last week lang to binuksan kaya titingnan ko muna.

Ba't nandito siya? Sh*t nagiiskandalo siya!

Nagtitinginan ang mga tao sa kanya. Paano ba kasi, nagsisigaw eh. Lasing talaga! For sure dahil to sa araw ng birthday niya! Tss! Papatayin ko talaga yung lalaking yun!

"Mia! Umuwi na tayo." Sabi ko sa kanya nung nasa malapit na ako.

Tulog siya...

"Mia!" Dagdag ko pa at napapikit nalang ako.

"Oii Chris! Haha! Halika! Inom tayo! Ok?" Sabi nito sa akin. Ano bang nangyari sa babaeng ito?

"Umuwi na tayo." Sabi ko sa kanya.

"Ehh! Sige na hihi!" Sabi niya sa akin at hinihila pa ang kamay ko.

"Halika na!" Sabi ko sa kanya at hinila na rin ang mga kamay niya.

"Sige na nga hmph! Hihi goodgirl ako eh!" Sabi naman nito. Tss!

Nasa likod ko siya. Sinakay ko nalang siya sa likod ko. Para tuloy akong kabayo nito.

"Chris! Punta tayo dun sa may bench! May sasabihin ako hihi!" Sabi nito. Kaya agad naman akong pumunta dun at umupo.

"Ano yung sasabihin mo?" Tanong ko sa kanya at nagsmile naman ito. Weird?

"Hihi!" Sabi nito. Tss! Baliw ma siya! Hinila ko nalang ulit siya para pumunta sa may likod ko. Nang...

"Chris... Hihi... Wala ka pang girlfriend diba?" Napatigil ako sa sinabi niya. Kaya naman umupo na ako sa harapan niya pero di talaga ako umupo sa ground ah. Squat lang!

"Ahh bakit?" Tanong ko naman. Ba't ang weird niya?

"Paano ba to sasabihin..." Sabi nito at napakamot sa ulo niya. May kuto ba siya? Hahaha! Joke lang.

"Ahh. Hehe! May feelings kasi ako sayo eh!" What? Ano daw? May feelings siya sa akin. Napangiti naman ako sa sinabi niya.

"Ahh..." Tangi kong nasabi.

"Paano toh ihinto? May girlfriend kana eh." Sabi niya at parang naluluha na.

"Wala." Sabi ko naman.

"Ahh! Haha! So may pag-asa?" Sabi niya sa akin. At naluluha na talaga. Bakit ngayon niya lang sinabi?

"Siguro." Tss! Ang cold ko tuloy sumagot. Kinakabahan ako sa mga sinasabi niya eh.

"Ahh hehe... Di mo naman ako gusto eh! Ako? Parang di na kita gusto! Hihi! Mahal na yata kita eh." Sabi nito at sadyang tumulo ang luha niya.

"Mahal din kita." Sabi ko at tumawa naman ito. Para baliw tuloy siya haha!

"Ahh haha!" Sabi niya. Baka ito na ang right time para sabihin sa kanya na...

Aalis ako ng Pilipinas.

"Ahh Mia... Aalis nga pala ako ng Plipinas..." Sabi ko sa kanya.

"Huh? Iiwanan mo ako?" Sabi niya at tumutulo pa rin ang mga luha niya. Pot*k dapat di ko na sinabi eh.

"Babalik naman ako..." Sabi ko sa kanya at nagsmile.

"Para sayo..." Dagdag ko pa at pinunasan ang mga luha niya.

I hug her, alam kong mahal ko rin siya. Pero alam ko ring masasaktan siya kung sasabihin ko talaga. Pero nasabi ko na eh.

Pilit pa rin itong umiiyak.

---

Nasa condo kami ngayon. Dito ko muna siya papatulogin. Total mas malapit lang to sa yung may bar na pinuntahan niya at malapit din to sa university.

Pagkatapos ko siyang putulogin ay pumunta kaagad ako sa bahay namin or niya! Para kumuha ng damit niya para bukas.

//END OF FLASHBACK\\

Sana di niya nalang maalala yung kagabi.

---
*Rooftop*

Pinapanuod kong lumubog ang araw. Nakakagaan sa loob eh.

Pero di pa rin matanggal sa isip ko ang nangyari kagabi eh. Anyway, nung matapos ang klase kanina ay dito na kami dumiritso sa condo ko.

Aalis na sana ako pero pumunta pala si Mia dito.

O.o

Nagulat ako mg i-hug niya ako.

"Pwede bang dito ka nalang?" Sabi nito at parang naiiyak nanaman.

"Na... Naalala mo na?" Tanong ko sa kanya. Pot*k! Naluluha ako!

"Chris... Please..." Sabi niya.

"Aalis naman ako pag nakabalik na ang tita mo eh." Sabi ko at mas humigpit pa ang pagkakahawak niya sa akin.

"Tsaka 3 months lang ako dun." Dagdag ko pa.

"Bakit kailangan pa? Please..." Sabi niya.

Di ko siya matanggihan pero kailangan eh. About din kasi to sa pamilya ko.

"Sorry but promise babalik ako!" Sabi ko naman sa kanya. Parang iiyak na din ako T_T sh*t!

"Babalik ako para sayo, okay?" Sabi ko sa kanya at pinunasan ang mga luha niya.

"Promise mo yan.." Sabi nito.

"Oo." Sabi ko sa kanya and I kiss her forehead.

---

Mia's POV

*University*

"Aysshh! So nagkaaminan na kayo?" Sabi ni Clarisse. Sinabi ko kasi kina Clarisse, Dan at Daryll. Magkasama rin kasi kami ngayon eh. Lunch break na and kami lang yung nasa classroom. Si Chris naman ay nasa library. Ewan ko lang kung bakit naging matino yun at nagbasa ng libro.

"Hmmnn... Oo." Sinagot ko naman yung tanong sa akin ni Clarisse.

"Ayyiiee! So kayo na?" Luhh? Hajaha! Kailangan ko pa ba yun sagutin?

"Hmmnn... Kay Chris niyo na itanong." Sabi ko sa kanila. Tss! Ano bang nangyari dito sa dalawang to! Ba't parang ang mga mukha nila ay ganito...

-__-

Tss!

"Hoii! Dan! Daryll! Anong problema?" Sabi ko sa kanila.

"Ahh... Wa--wala!" Nauutal na sabi ni Dan.

"Yung totoo?" Sabi ko pa.

"Wala nga!" Sabi ni Daryll.

Tss! Fine!

"Ahh okay!" Sabi ko.

Nag-usap pa kami ng nag-usap hayss basta bored nga talaga.

"Anyway! Anong kukunin niyong kurso?" Tanong ko sa kanila.

"Magpo-police ako *-_-*" Walang ganang sinabi ni Daryll. Ano kaya problema nito? -_-

"Culinary Arts *-_-*" Wala ring ganang sinabi ni Dan.

"Di pa ako nakapag-desisyon eh. Ikaw?" Sabi ni Clarisse. Nung una gusto ko maging Manager but biglang nagbago ang isip ko...

"Lawyer!" Sabi ko.

"Aysshh! Sabi mo HRM yung gusto mo!" Sabi sa akin ni Clarisse. Hayss! Nagbago ang isip ko eh huhu.

"Gusto ko eh! Hihi! Kaya manalig nalang kayo na makakatapos tayo ng pag-aaral. Okay?" Sabi ko sa kanila.

"Drama nanaman!" Pangaasar ni...

Taksil ka Chris!! Huhu! Drama ba yun???

Falling Inlove With A BadboyWhere stories live. Discover now