Chapter 19

1.3K 40 0
                                    

Mia's POV

Nakooo! Parang mababaliw na talaga ako sa problemang ito eh! Tss! Di niya tinupad yung mga promise niya! Tas ngayon! Nakikipagaway naman!

Wala na ba talagang pag-asang maalala ni Chris ang lahat? Miss ko na talaga siya eh. Sobrang miss na miss!

"Mia! Ang ganda nh shades oh!" Sabi sa akin ni Clarisse. Nasa mall kasi kami ngayon. Kasama rin sila Dan at Daryll.

Nung sabihin sa akin ni Clarisse yun. Agad king naalala si Chris. Nasa kanya pa kaya yung shades na binigay ko sa kanya? Tsaka yung necklace. Nasa kanya pa kaya yun? Kasi meron pa akong mga ganun eh. Naiiyak nanaman ako potek! Di ko mapigilang hindi umiyak eh nang dahil sa lalaking yun! Halos mamatay ako nung malaman kong kinalimutan na niya ako! Ganun ko siya ka-mahal! T_T

"Hoi!" Sigaw pa ni Clarisse. Dun ko namalayan na malaliim na yung pagi-imagine ko.

"Ahh hahaha! Oo nga eh! Anyway, nasan sila Dan at Daryll?" Sabi ko naman. Saan kaya yun napadpad?

"Mia! Uwi na tayo hihi!" Tatalikod na sana ako pero hinarangan ako ni Dan. Saan kaya to sila nanggaling?

"Oo nga hihi! Hali na kayo!" Sabi naman ni Daryll. Tss! Uuwi na daw tas hinaharangan yung daan. Alam ba nila na yung direction patungong exit ay yang hinaharangan nila?

"Sige! So hali na kayo." Sabi ko naman.

Ano kaya problema nitong dalawang to? Ba't ayaw nila ako paraanin?

"Eww! Mga pervert!" Sabi ni Clarisse. Hahaha! Yung mukha nila Dan at Daryll ay ganito...

O.o

Hahaha!

"Oo nga! Padaanin niyo na kasi kami!" Sabi ko naman.

Ayaw nilang makinig ah!

Tatakas na sana ako nang may bigla akong makita...

Si Chris lang naman at Krissy. Yun siguro ang dahilan kung bakit ayaw akong padaanin nila Dan at Daryll. Buti alam nilang masasaktan lang ako.

"Sorry..." sabi ni Daryll. Tss! Magda-drama nanaman to.

"Wag ka ngang mag-sorry! Hali na kayo! Uwi na tayo!" Sabi ko naman. Psh. Nakakamiss tuloy yung time na kami pa ni Chris then kami ang magkasama palagi. Sabay kaming pupunta sa mall. Na ngayon ay silang Krissy na ang magkasamang mag-shopping.

Di na ako kumibo pa nung makalabas na kami sa mall. Naguusap silang tatlo pero malalim naman ang iniisip ko.

Ang saya siguro nila noh?

Ba't ba kasi kailangang magka-amnesia siya?

Naiirita tuloy ako sa tuwing nakikita kong magkasama sila.

"Mia! Magpapaiwan ka ba dyan?" Sabi sa akin ni Clarisse. Ayysshh! Bakit ba kasi malalim ang iniisip ko? Psh.

"You act weird this day ha." Sabi naman ni Daryll. Matagal na akong weird haha!

Sumakay na kaagad kami ng taxi. By the way, anyway, high way, low way, no way etc. haha! Bakit ang tahimik ni Dan? May problema ba siya? Nage-emote? Haha!

---
*House*

Nasa bahay na ako ngayon. Nagpapahinga at malalim pa rin ang iniisip. At dahil malalim at madami akong iniisip. Kumain ako ng kumain nyahahaha!

"Mia... Ang layo pala talaga ng school mo noh. Mag-dorm ka nalang kaya." Sabi ni tita sabay umupo sa sofa. Tss! Nagawa niya pang ipatira ako sa Dormitory. Nasa panganib kaya ang buhay naming dalawa. Remember? Yung pumatay sa mga magulang ko. Lang hiya yung lalaking yun! Urghhh! Nakakairita!

"Huh? Ahh... Paano ka?" Sabi ko naman. Nagaalala ako para sa tita ko. Siya nalang ang nag-iisang tumutulong sa akin. She raised my like her own child. Pinalaki niya akong maayos. Tapos hahayaan ko nalang na patayin siya?

"Anong paano ako? Kaya kong alagaan sarili ko noh!" Sabi naman niya. Tss! Kahit may pagka-matanda na. Isip bata pa rin. Haha! Kaya love na love ko tong tita ko eh hihi.

"I'll try po." Sabi ko naman. May boy and girl dorm sa school namin eh. Ang cool eh noh?

Actually sa aming apat nila Dan, Daryll, Clarisse at ako. Ako lang talaga yung hindi pumapasok sa dorm. Malayo din kasi ang bahay nila sa school namin eh.

---
*School*

"Pinagiisipan ko pa kasi yun eh!" Sabi ko kay Clarisse. Magkasama kasi kami ngayon. Papunta na kami sa room namin. Friday ngayon or should I say... 5th Day of classes.

"Sige na please! Dun tayo sa room ko!" Pangungulit nito sa akin. Dapat kasi dalawang tao ang nasa isang room ang dorm namin. Ayysshh! Mapipilitan tuloy ako!

"Pag-iisipan ko nalang muna!" Sabi ko naman at pumasok na sa room.

Matapos ang ilang minuto... Mga 30 minutes siguro? Ay nagsimula na kaming magaral ng lesson namin.

"Before I will disscuss to you our new lesson! May bago kayong classmate." Sabi ng professor namin.

Nagulat ako nang bigla itong pumasok O.o

"Excuse me? What's your name again?" Tanong ni Sir.

"Chris." Tipid nitong sinabi. Ba't nandito siya? Dapat nasa kabilang section siya ah!

"Okay you may now sit beside on Gabriel." Sabi ni sir. Buti nalang di sa akin. Naalala ko tuloy yung highschool pa kami.

Di na ito nagsalita pa at umupo nalang ito sa tabi ni Gabriel. Nagulat talaga ako nung pumasok siya eh.

"He was transfered here in our section because dun sa section niya, pono na." Sabi ni sir sa amin. Tss! Sa lahat ng section dito sa school namin. Dito pa talaga sa section namin ah?

Di pa nagsalita si sir at nagstart na itong magdiscuss. Di ko mapigilang tumitig sa kanya huhu jusko! Ganun pa rin siya. Gwapo, matangos ang ilong, matangkad at badboy. Psh.

---
*Lunch Break*

"Nakapag-desisyon na ako." Sabi ko kina Daryll, Dan at Clarisse. Huhu! Tama kaya tong desisyon ko?

"Huh? Sa ano?" Tanong ni Dan. Ayy oo! Di pa pala nila alam haha!

"Papasok ako sa Dormitory." Proud kong sinabi. Tengene! Proud hahaha!

"Yeyyyy!" Ganang-gana naman sinabi ni Clarisse. HAha! Excited tong babaeng to! For sure!

Di na kami nagsalita pa at humanap na kami ng table para sa amin. Nakakagutom na kaya huhu!

---

Yeyyyyyyy! Sa wakas! Tapos na ang klase! Makakalabas na ako sa kulungan. Woooh!

Nasa bahay na ako ngayon. 6:30 na ako nakauwi. Sasabihan ko na si tita sa desisyon ko. Hindi ba magiging mas mapanganib dito pag wala ako? Nagdadalawang isip talaga ako eh!

"Ammnn tita... Nakapagdesisyon na po ako." Sabi ko sa kanya. Sana maging ka-roommate ko si Clarisse huhu! Bestfriend ko na yun hihi! Kasi mas nagiging close kami sa isa't-isa eh.

"Papasok po ako sa Dorm." Dagdag ko pa. Hindi naman siguro siya masu-surprise noh?

"O sige sige!" Sabi naman nito at nagsmile. Huhu! Minsan ko nalang siya makikita huhu.

"Basta mag-iingat ka dito?" Sabi ko sabay nag-pout.

"Ikaw rin!" Sabi din naman ni tita.

~~~~~~~~~~~~~~~~

Wazzup guyseu! Haha! Pakivote naman po oh hihi.

Sorry sa wrong grammar and typos

Falling Inlove With A BadboyWhere stories live. Discover now